salamat sa support guyzzz.... dedicate ko sau to..... :)
PLEASE read the story nila Jacob. Prologue pa lang naman... TNX!!!!
...........................
ARIA POV
nagising ako bigla ng may marinig ako. Di ko lang alam kung ano yun.. pero nadidistorbo nya ko!
Nakapikit na mag-iinat na sana ako kaso hindi ko mai-angat yung isang braso ko. Di ko din maistretch yung mga binti ko.
Inaantok na tinignan ko yung mabigat na kung ano sa braso ko.
Napangiti ako ng Makita ko si Vincent na tulog na tulog habang nakaunan sa braso ko at kasubsub sa dibdib ko.
Nakayakap pala sya at nakatanday sakin kaya hindi ako makakilos ng maayos.
Kung sa ibang pagkakataon at nangyari to baka kinarate ko na to. Pero pano ko gagawin yun kung mala-anghel ang lalaking to.. effortless lang ang kagwapuhan!
Hinaplos ko yung mukha nya. Hindi ako makapaniwalaang pinagkatiwalaan nya ako kaya nag kwento sya about sa past nya kagabi.
Hindi man detailed yun at least alam ko na yung reason bakit sya ganun.. at naiintindihan ko sya..
Pero para hindi maging unfair gusto kong malaman ang side nila Jacob at Brix.. baka kasi may reason bakit yun nangyayari.
Kaso hindi ko lang alam kung bakit ko gagawin yun.. labas naman na ako sa issue nilang dalawa pero kasi...gusto ko uli silang makitang close.
Napakunot noo ako ng marinig ko uli yung nagpagising sakin. cellphone ko pala nagvavibrate. Yun pala yung maingay na naririnig ko.
Dahan dahan kong tinanggal yung braso ni Vincent pero imbes na makawala ako.. lalo lang nyang hinigpitan ang kapit sakin.
-___-
Hinayaan ko na lang sya at pilit ko na lang na inabot yung cellphone ko.
Hindi ko na tinignan kung sino yung caller basta sinagot ko na lang yun.
"Aria, anak!" napabalikwas ako ng bangon. Si mama!
At dahil nga bigla akong bumangon at kapit tuko sakin si Vincent ay nadala din ito at napaupo.
Bago pa makapagreklamo si Vincent ay tinakpan ko na ang bibig nito.
"Ma! Bakit ka napatawag?" sinamaan ko ng tingin si Vincent na nagpupumilit na tanggalin yung kamay ko sa bibig nya.
"anak, di ba sembreak nyo ngayon?" oo nga pala. After ng foundation week eh sembreak namin. Two weeks din yun.
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Teen FictionWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.