ARIA POV
"So.... What happen?"
Napalingon ako kay Brix. "Huh?"
Nasa Elite kami ngayon at naghahanda para sa performance namin. And yes, it's Friday.
"You look different." Kinabahan ako sa sinabi nya at the same time namula.
"You're still the same, but... rigth now, you also look different." Nakakunot noong dagdag pa nito.
Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam pero unang pumasok sa isip ko yung ginawa namin ni Vincent nung isang araw, at ang nakakaloka naulit yun kagabi.
As in nakatulog ako after ng make out session namin while Vincent sleep with blue balls.
Hindi ako nagkomento sa sinabi nya ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"We're here. Same spot." Tapos naputol na yung linya.
Vincent.
Nailing na tinago ko ang cp ko. Syempre nagtatampo sya sakin dahil lagi ko syang natutulugan.. pero as he said, makakabawi lang ako if I please him.. by cooking him breakfast.
Nakaramdam ako ng pagkailang ng marealize ko na tinititigan ako ni Brix. Nakita kung dumaan ang pag-aalala at galit sa mukha nya, pero wala naman itong sinasabi at nakatitig lang sakin.
"Switch, next na kayo." Tawag ni Althea.
Stage manager at isa sa mga girl bestfriends ko. At higit sa lahat sya at ang pinsan nyang si Andrea ang may-ari ng Elite.
Napangiti pa ako ng pasimpleng sumulyap pa sya kay Chase na bassist namin.
Oo nga pala. Hindi ko pa naipapakilala ang myembro ng switch na suppose-to-be "alphabet" kasi from A to D ang members namin.
Aria Janelle Marquez – Vocals
Brix Joseph Salvador – Second voice and Guitarist
Chase Marco Adriano – Bassist
Drake Angelo Mendez – Drummer
Kaya naging "Switch" ang group name namin dahil we can literally switch places and do other instruments.
Meaning hindi lang basta natugtog ang mga kasama ko, kumakanta din sila. Pero for some reason, never nag solo perform si Brix.
Puro second voice or back-up lang. kung kumakanta man sya, kami kami lang ang nakakarinig at walang audience.
"Janelle, c'mon." nagulat pa ako ng bahagyang tinapik ako ni Brix.
"Ayan kasi tulala." Nginisihan pa ako ni Chase na bitbit yung bass guitar nya. inirapan ko lang sya at sumunod kay Brix.
Malakas na sigawan ang bumungad sakin ng lumabas kami sa stage. Mabilis na tumingin ako sa isang bahagi ng bar.
Napangiti ako ng Makita ko sila Vincent.
"HELLLLLOOOO WOOOOORLD!" and our performance starts.
----------
"I don't know what's happening, but make sure that you won't hurt yourself, Janelle."
Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ni Brix. Nakatalikod ako sa kanya habang nag-aayos ng gamit ko.
Tapos na kaming magperform at pauwi na kami. Hindi na namin aantaying magsara ang bar dahil pagod din kami kasi kakatapos lang ng exam kanina.
I nervously laughed. "ano bang p-pinagsasabi mo dyan."
Marahang pinihit nya ako pero iniiwas ko lang ang tingin ko sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang sya.
"Alam natin na pareho na hindi na tayo mga bata. At marami na sa mga kaedad natin ang gumagawa ng mga bagay na hindi pa dapat natin ginagawa."
I knew it. Malakas talaga ang pakiramdam ni Brix kahit noon pa kaya wala akong maitatago sa kanya.
"I know na hindi mo to gustong pag-usapan. Pero kasi Janelle... nag-aalala ako para sayo."
Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"I may not know what exactly you and DJ doing, but please take care of yourself."
"Brix...."
"You know I care for you right?" tumango ako. Ngumiti sya sakin.
"And I don't want you to get hurt. At natatakot ako na saktan ka nya.. I'm scared... I'm scared that he will use you to get even from me." Natigilan ako.
He smiled sadly and hug me.
"Wala akong paki kung magkabasagan man kami ng mukhang dalawa. Pero hindi ko ata kakayanin kung ikaw ang sasalo sa karma ko. Aaminin ko Jan, natatakot ako... Natatakot ako sa pwede nyang gawin sayo."
"And what made you think na gagamitin ko si Aria laban sayo?" pareho kaming nagulat ni Brix ng may magsalita sa gilid namin.
Mabilis akong nawala sa bisig ni Brix ng hilahin ako ni----
"DJ"
"Kung gagantihan kita, I assure you that I will never use Aria. Ikaw ang may kasalanan sakin hindi siya. So why would I use her if I can beat the fucking hell out of you with my hands?"
"I don't care what you're gonna do to me, but it's nice to know that you will leave Aria out of this."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Parehong hindi kababakasan ng kahit anong emosyon ang mukha nilang dalawa.
"Ammm..." napapitlag ako ng biglang kinuha ni Vincent ang gamit ko at humarap sakin.
"May nakalimutan ka pa?" Mabilis na umiling ako.
"Let's go then." At hinatak na nya ako paalis.
Nilingon ko si Brix na nakangiting kumaway lang sakin.
Pagdating namin sa parking lot at pinasakay nya muna ako sa sasakyan bago nya binuksan ang backseat para ilagay ang mga gamit ko.
Pagkaraan ay umikot na sya at sumakay sa driver seat. Pero imbes na paandarin ay nakahawak lang sya sa manibela at tulala sa harap namin.
"Vince-----"
"You knew."
"Ha?" alam ko ang alin?
"Our past. Me. Brix. And... N-Nichole."
0%~
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Novela JuvenilWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.