Oh diba ang tagal kong di nag UD. Fishtail kasi tong katabi, pumapasimpleng tingin sa PC ko kapag napapansin nyang di na ako nagtatrabaho.. hahaha since busy sya, ITO NAHHH!!!
At dahil natyempuhan kita sa notif ko para sau to.. :)
-------------
ARIA POV
It's been weeks at hanggang ngayon hindi pa din ako iniimik ni Vincent. Alam ko namang may mali ako, pero everytime na sinusubukan kong lumapit sa kanya mabilis syang iiwas.
Kahit sa school, uub-ob lang sya sa desk nya buong period. O di naman kaya mag cucut class.
I don't want him to be like this. Alam ko naman na ganito na sya ng makilala ko pero ayoko nang bumalik sya sa dati.
Namimiss ko na yung Vincent na malambing at sweet. I miss that side of him.
I need to talk to him. hindi pwede iiwasan nya na lang ako habambuhay.
Pagkauwi ko galing school ay naghanda na ako ng hapunan ko. Late na kasing umuuwi si Vincent at nakakatulugan ko na sa kwarto ang pag antay sa kanya.
Kaya ito feeling alone. Pero dahil wala naman kaming pasok bukas, kahit tumirik na yung mata ko hindi ako iidlip.
---------------
"Ay tae!" napabalikwas ako ng bangon.
Shit! Nakatulog na naman ako!
Tumingin ako sa wall clock sa itaas ng pinto. Ala-una na ng madaling araw!
Mabilis akong bumangon—teka.. pano ako nakarating sa kwarto? Ang huli kong natatandaan nasa sala ako nakaupo habang inaatay si Vincent ahh.
Hindi kaya nagsleep walk ako?
Aish! Yaan mo na nga, total hindi ko na din naman maalala.
Bumungad sakin ang madilim na sala, pagkababa ko.
Wala pa din ba sya? paano ko sya kakausapin nyan?
Nanlulumo ako. Wala sya sa kwarto tapos halatang wala pa sya kasi patay lahat ng ilaw.
Babalik na sana ako sa kwarto ng mapansin kong bukas yung pinto sa veranda.
Hindi ko maalalang binuksan ko yun. nagkibit balikat na lang ako at nagdesisyong isara na lang ang pinto.
Pero hindi pa ako nakakalapit ay nakakita ako ng anino. Kinabahan ako bigla.
Hindi kaya pinasok kami ng magnanakaw?
Nakaramdam ako ng takot. Uso pa naman ngayon ang mga akyat-condo o mga ninanakawan at pinapatay sa mga condominium o apartment.
At wala akong balak mamatay ngayon!
Maingat na umatras ako at mabilis na pumutang kusina. Buti na lang kabisado ko na ang unit ni Vincent kaya kahit madilim wala akong naging aberya.
Kumuha ako ng kutsilyo at bumalik sa veranda. Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang kutsilyo.
Kaya mo 'to. You can't let them kill you without giving them a fight, Aria!
"1...2....3----ahhh!"
"What the fuck?!" napatigil ako sa paglapit ng makilala ko kung sino ang may ari ng anino.
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
JugendliteraturWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.