Sorry medyo maikli lang ung UD…
……………………
ARIA POV
Bwisit! Hindi pa din ako makaget over dun sa nangyari kanina. Nakakainis! Ano pang mukha ang maihaharap ko kay Brix? TT_TT
Baka isipin nya hindi ko sya gusto o kaya pinaglalaruan ko lang ang damdamin nya!
Taeng Vincent kasi to eh!
“oh, bat ganyan ka makatingin.” Nakangising tanong nya.
Sinusubukan lang naman kitang patayin sa tingin! Kumakain na kami ngayon ng hapunan kasama ang apat na ungas nyang alipores.
Pagkatapos kasi nng tawag ni Brix, nagwalk out ako! Kainis kasi eh!
“wala.” Maangas kong sagot pero masama pa din ang tingin ko sa kanya.
“so… ano…. close kayo ni BJ?” isa pa tong tukmol na to. Nilingon ko si Darius
“whoa! Hindi po ako lalaban. Nagtatanong lang, geez.” Yumuko na uli ito at kumain.
“pero di nga… close talaga kayo ni BJ?” ay Pusang gala!
“bat ba BJ kayo ng BJ kay Brix? Close ba kayo?!” naasar kong tanong. Mainit pa din kasi yung ulo ko dahil sa ginawa ni Vincent.
Iparinig ba naman nya kay Brix yung halikan namin?! Malamang iba na yung nasa isip ni Brix.
Eh alam naman nyang gusto ko si Brix eh!
“you can say that.” Natigilan ako sa sagot ni Jacob. so it means… magkakakilala talaga sila?
Bago pa ako makapagtanong eh sumingit na si Vincent. “finish your food. Maaga pa ang pasok natin bukas.”
Bumalik na naman ang inis ko. Wala akong balak pansinin o kausapin man lang ang bwisit na to. Kaya di nalang ako umimik kahit kating-kati na akong magtanong.
……………………
Nagising ako sa pagtunog ng cp ko. Alarm ko pala. Pinatay ko na yun at tinatamad na tumayo.
Napatingin ako sa kama ni Vincent. wala na sya roon. Pero bakas na may natulog doon kasi hindi iyon nakaayos.
Inayos ko muna yung higaan ko ng mapatingin uli ako sa kama nya. “aish!” kahit naasar ako sa kanya inayos ko pa din ang kama nya.
Hindi ako nagmamalasakit! part pa din kasi to ng deal!
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Teen FictionWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.