CHAPTER 41: MAMA BEATRICE

41 6 0
                                    

UD kahit nasa Office.. pektus ako nito kapag nahuli ako.. AHhahaha

====================

ARIA POV

"bakit nga ba ayaw mong tawagin na mama yung mama ni Vincent? At bakit di ka nagkukuya?"

"katulad nga ng sinabi ko, pakiramdam ko kasi nun tinatraydor ko si mama. Tsaka buwan lang ang tanda nya sakin bakit pa magkukuya?" sagot nya sakin.

"o sya. Tuloy ang kwento."

...............

BRIX

9 YEARS LATER.

"Ako lang ba o talagang hindi sweet sila mama Beatrice at papa Daniel?" tanong ko kay DJ isang hapon naglulunoy kami sa pool.

Nakatingin kasi kami ngayon kila mama at papa na nasa di kalayuan.

Nakaupo si papa habang may kung anong ginagawa sa computer nya. Tapos si mama nakaupo malapit sa kanya habang pasimpleng sumusulyap kay papa.

"I thought you'll never ask. Ang tagal din bago mo napansin. O matagal mo ng napansin pero ngayon ka lang nagtanong." Napatingin ako bigla kay DJ.

Ibig sabihin may nangyayari ngang di ko alam?!

"simula ng magkaisip ako, alam ko, kahit kailan hindi kami minahal ni papa." Nagulat ako sa sinabi nya.

"pag may ibang tao, they will put a show as if were a happy family. A perfect one. Pero pag wala na yung mga tao, cold na uli si papa samin ni mama." Walang emosyon ang mukha nya.

Emosyon na hindi ko maimagine na kaya palang gawin ni DJ.

"pero pinakasalan sya ni papa! Pinanagutan nya si Mama Beatrice!" I hissed. Ano bang sinasabi nya?

"pinakasalan nya, oo. Pero hindi sa dahilang mahal nya si mama. Kundi dahil nabuntis nya si mama at ako ang naging bunga."

"kung nalaman din ni papa na buntis ang mama mo bago sila nagpakasal, sa tingin mo ba kami ang pipiliin ni papa? No." dugtong pa nya.

"ang ibig mong sabihin..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Tumingin sya mga mata ko, hindi sya nag abalang itago ang lungkot at sakit mula dun. "mahal ni papa ang mama mo."

Dapat maging Masaya ako kasi si mama ang tunay na mahal ni papa pero hindi eh.

Masakit. Sobrang sakit.

Yun ang nararamdaman ko para kay tita Beatrice.

Kasal dala ng obligasyon. Yun lang ang nag-ugnay sa kanila.

Masakit yung ikaw nga ang pinili pero araw-araw ipinaparamdam sayo na kahit kailan hindi ka nya mamahalin. At naging saksi nun si DJ.

Pero bakit hindi sila galit sakin? ako ang anak ng babaeng dahilan kung bakit hindi kayang mahalin ni papa si mama Beatrice? Bakit?

Pero bago pa ako makapagtanong, inunahan na ako ni DJ.

"kasi wala ka namang kasalanan eh. At kahit meron pa, sino kami para magalit sayo? Kami din naman ang dahilan kung bakit hindi ka nagkaron ng buong pamilya di ba?"

Tama nga ako. Mabubuti silang tao. They don't deserve this.

Naiintindihan ko na.

Kaya pala kahit minsan hindi naging sweet si papa kay Mama Beatrice at kung bakit laging wala si papa sa bahay.At kung bakit mas magiliw sakin si papa kesa kay DJ.

Pero kahit ganun ni minsan hindi ko kinakitaan ng inggit o galit sila Mama at DJ. Lagi silang nakangiti at supportive sakin kahit obvious na mas pabor sakin si papa kesa sa kanila.

Nasasaktan ako para sa kanila. Sakit na hindi nila maipakita dahil ayaw nilang makahalata ako. Sakit na pilit nilang tinitiis para sakin at para sa pamilyang to.

They build a family for me. kahit na sinasampal sila ng katotohanan tuwing makikita ako..

Ako na bunga ng pagmamahal ni papa para kay mama. Pagmamahal na hindi nya kayang ibigay kay Mama Beatrice.

"Galit ka ba kay papa?"pinigil ko ang luha ko.

"Galit. Dahil kasi sa kanya, malungkot si mama. Pero mahal kasi sya ni mama eh, kaya kailangan kong maging Masaya para sa kanila kahit masakit na."

Nakita ko kung paano tumulo ang luha ni DJ para sa mama nya. kung ako nga na hindi sya mama sobra ng nasasaktan paano pa kaya si DJ na tunay nyang anak?

Winisikan ko sya ng tubig para matigil kami sa kakaemote. Baka kasi mapansin kami ni mama, and the last thing that we want to happen eh yung Makita nya kaming umiiyak.

Naglaro lang kami sa pool at pilit isinasantabi ang sakit.

Kinagabihan sa kwarto ni DJ..... sabay kaming umiyak.

Umiyak kami para kay mama.

Maybe papa can't love her...

But we can.

e

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon