CHAPTER 38: SPECIAL

38 6 0
                                    

SORRY now lang nakapag UD maikli pa.. sobrang busy.. may work na eh, kaya hindi pa ako nakakapagsulat masyado... dagdagan pa na ultimate lagger tong PC ko.. TT^TT Gomen kudasai!!

....................................

"WHAT DO YOU THINK YOUR DOING?!" mabilis pa sa alas kwatrong natigil ang sigawan namin ng biglang sumigaw si Vincent.

Malamang sa malamang malalagot na naman ako sa kanya.

Kanina pa ako nakauwi pero ng malamn ni Brix na kasama ko ang mga kapatid ko ay nagpumilit syang sumama. Wala daw syang paki kung magalit pa daw si Vincent.

"hindi naman sya ang ipinunta ko eh." Nga naman kaso bahay pa din kasi to ni Vincent kaya medyo kabado ako. Lalo na ngayon na naka-uwi na sya.

Ayos na din kami ni Brix pero hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa past nilang dalawa. Dahil lang sa isang babae nasira ang pagkakaibigan nila. Gusto ko uli silang pagbatiin.

Nanlalaki ang mata ko ng makitang naglakad na ito palapit samin. Hindi ako makakilos, nanatili lang akong nakatitig sa galit nyang mukha.

Napasinghap pa ako ng marahas nyang hablutin ang damit ni Brix at ubod lakas na hinila paalis sa ibabaw ko.

"Brix!" natauhan ako ng muntik ng tumilapon si Brix sa center table dahil sa lakas ng hablot at pagkakaitsa sa kanya ni Vincent.

"ano ba, Vincent! We were just playing!" asik ko sa kanya ng hindi nya ako hinayaang makalapit kay Brix.

"Playing? You call that playing?! You practically flirting with this... this... f*ck!!" nag-init bigla ang ulo ko.

Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan nya pero hindi ko gusto ang tinutumbok ng salita ni Vincent.

Nakakainsulto.

Huminga ako ng malalim and look at him in the eye.

"let's not talk here. Dun tayo sa kwarto." Mukhang narealize naman nya na hindi lang kami ang tao dito. Hindi nga naman magandang tignan na nag-aaway kami sa harap pa ng mga bata.

Tinitigan muna nya ako bago sya umalis. Hindi ko na nilingon si Brix at sumunod na kay Vincent.

"explain!" bungad nito pagkasara ko pa lang ng pinto.

Alam ko wala naman akong dapat i-explain. We're not even an item to begin with, pero hindi ko din naman to pamamahay kaya may karapatan pa din syang magtanong.

"naglalaro lang talaga kami. The kids pretend to be the hero while Brix is the monster----"

"of course he is." I glared at him.

"since ako ang damsel in distress---kuno, kunwari nirerescue nila ako mula kay Brix."

"then why are you both lying on the floor?" he crossed his arm and stared at me.

"na-out balance kami ng bigla syang sampahan ng mga bata. At yun nga yung naabutan mo." This is ridiculous.

Daig ko pa ang nag-eexplain sa asawa ko dahil nakita nya ako na may kasamang iba.

Napakislot pa ako ng marahan syang lumapit sakin, bakas ang sobrang galit sa mukha nya. sa sobrang takot ko, di ko na pansin na napaatras na pala ako.

"W-what?" napiyok pa ako ng maramdaman ko ang pader sa likod ko. Kinakabahan ako pero tulad kanina hindi ko pa din maialis ang tingin ko sa kanya.

Ang gwapo nya pa din kasi kahit galit sya. Habang tumatagal na nakakasama ko sya pakiramdam ko mababaliw na ako pero in a good way.

Kung paanong nagging good, yun ang hindi ko alam.

Muntik na akong mapatalon ng umangat ang kamay nito para hawiin ang buhok ko. Hinawakan pa nito ang leeg ko at bahagyang iniangat ang baba ko gamit ang hinlalaki nya.

Napalunok ako ng Makita kong titig na titig sya sa leeg ko. Lalong bumalasik ang mukha nito ng tila ba may nakita itong hindi kaaya-aya sa paningin nya. Marahas nya akong hinila at iniharap sa full length mirror sa kwarto.

"then explain to me what's the meaning of this!" napasinghap ako ng makita ko ang tinutukoy nya.

May mga pulang marka sa leeg ko! It looks like...hickeys?

Napakunot noo ako. San ko naman to nakuha?

Wala akong kinain na allergic sakin at mas lalong hindi ako nakipag make out. Kay Vincent ko lang kaya naranasan yun. at matagal na din simula ng huli naming gawin yun.

Bigla kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko ng maalala ko ang mga times na nagmake out kami.

"EXPLAIN!" napaigtad ako sa sigaw nya.

Nag isip ako kung ano ang huli kong ginawa bago ako nagkaroon nito.

"ahhh~~~" tinaasan lang ako ng kilay ni Vincent sa reaksyon ko.

Hindi ko sya pinansin at lumapit sa salamin. Ineksamin ko ang mga marka. Dalawa lang yun at maliliit pero masyado pa ding mapula, yung konti na lang mag-uube na.

Bumuntong hininga ako at hinarap ang lalaking kanina pa masama ang tingin sakin. Para bang magkamali lang ako ng sagot ay susugudin na nya ang kinaiinisan nya sa baba.

"its Devin." Nakita kong nanlalaki ang mata nya. Pinigil kong matawa sa reaksyon nya baka lalong magalit.

"WHAT THE FUCK?! Wag kang gumawa ng kwento! How a 6 months old baby can give you a hickey?! FUCK!"

"hindi mo sya macoconsider as hickey dahil hindi naman ako nakipag make out!" we glared each other. "at sa age na yan ni Devin, nagsisimula na syang mag ngipin kaya nahihilig syang mangagat at sumipsip ng kung ano-ano kahit wala pa syang ngipin!"

"at sa nakikita mo ako lang naman ang ginawang human teether ng kapatid mo! Kung hickey nga to bakit sa left side lang meron? Dapat buong leeg at dibdib din-----"

Hindi ko natuloy ang outburst ko ng hinila nya ako at hinalikan. Naramdaman kong umatras sya at pabagsak na humiga sa kama nya kasama ako.

Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi kagad ako nakareact. Naramdaman ko na lang na humiwalay na sya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

"I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng relief. "I'm just jealous. I want you mine.... Mine alone." He whisper the last words.

Hindi na bago sakin ang linya na ito.. simula kasi ng mapansin ko ang pagbabago sa ugali nya naging vocal na din sya sa nararamdaman nya sakin.

Although wala kaming title maliban sa dineklara nya noon na 'Playmate' daw kami, ramdam ko na hindi na kami naglalaro.

At habang tumatagal, may nararamdaman akong pagbabago.. pagbabago dito sa puso ko. Ayoko pang alamin.. ayoko.. natatakot pa ako pero alam ko dadating din ako sa punto na aamin ako.

At hindi ko inaasahan na ngayon na pala yun.

"I am yours." I don't know how or when it happened. I just woke up one day that he's already special to me. Special na akala ko kay Brix ko lang mararamdaman.

Life is full of surprises. I didn't expect that I will see myself leaving my feelings for Brix and falling for this Devil instead. 

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon