CHAPTER 36: SLEEPING ARRANGEMENT

38 6 0
                                    

final interview ko na bukas!!!! Oh My God!!! pray for me guys....hehehe last UD? nah... my isa pa...

.........................

ARIA POV

Nagulantang ako ng Makakita ako ng mga tent sa may sala ni Vincent. Umakyat lang ako sa kwarto para patulugin ang mga bata tapos pagbaba ko ito ang maabutan ko?!

"hoy! Ano ba tingin nyo sa bahay namin---este ni Vincent, CAMP SITE?!" maka namin naman ako. Ano, bahay ko din?

Binawi ko na nga di ba?

Napatalon sila sa gulat at tumingin sakin.

"ano.... dito muna kami. Gusto sana namin makabonding yung mga kapatid nyo ni Vincent." Marvin

"alam mo na only child."Darius.

"oo nga." Mervin

Napahimas ako sa noo ko. Pakiramdam ko kasi anytime baka bigla na lang pumutok yung ugat ko sa konsumisyon sa kanila.

"una, pwede naman kayong pumunta dito anytime dahil kapit-condo lang namin kayo." Nagpakatango-tango pa yung tatlo at nagsuklian ng bat-hindi-natin-naisip-yun look.

"pangalawa, pwede naman kutson or sleeping bags na lang ang dinala nyo imbes na tent kung gusto nyo talagang mag-overnight."

Buti na lang at malaki tong sala ni Vincent kaya kasya yung tatlong tent. Malamang share na yung kambal sa isa.

"pangatlo. Tulog na ang mga bata!" mukhang na disappoint sila sa sinabi ko.

"at pang apat, hindi kayo only child Marvin at Mervin dahil kambal kayo!" napanguso naman yung kambal sakin.

"Tsk. In born na silang stupid kaya wag ka ng magtaka"buti na lang hindi nakikisali sa kabuangan tong si Jacob kundi na loka na ako ng tuluyan.

"hoy, ikaw Jacob! Paninirang puri yan!" sigaw ng tatlo. Jacob just rolled his eyes.

"eeeh! Alam naman namin yun.. para maiba lang." sagot naman sakin ng kambal.

Inungusan ko lang sila at pumunta na ako sa kusina kung saan naglilinis ng bote ni Baby Devin si Vincent.

Bahagya pa nyang naihagis pataas yung bote sa gulat ng tinawag ko sya. Napahagikhik tuloy ako. Nagkaroon kasi ng bula yung tuktok ng ulo nya.

Nilingon nya ako at sinamaan ng tingin pero binawi din nya uli yun at nagpatuloy sa paglilinis ng feeding bottles.

Ngayon ko lang napansin na bagay pala sa kanya yung apron habang parang domestic housewife na naglilinis sa kusina. Ang cute.

Hindi ko tuloy mapigilan at impit na matawa.

"what the fuck?!" well, ganyan ang vesion nya ng 'what's your problem'. Umiling lang ako habang pigil ang tawa ko.

"so, pano bukas?" I asked him ng humupa na ang kabaliwan ko. Nahahawa na ata ako sa mga ungas na nasa sala.

"I already call yaya Siony. Sya na bahalang mag-alaga sa mga bata habang wala tayo."

(si Aling Siony ay yaya ni Vincent. See chap 9. Andun sya.)

Tama kayo ng basa. May lakad kami.

Dahil nga half scholar ako required sakin na magtrabaho ng part time as admin staff every sembreak. Hindi naman nun uubusin ang sembreak ko. This week lang naman then free na ako after that.

Kanina lang ako tinawagan ng registrar na kailangan nila ako bukas. At dahil wala akong karapatang humindi kaya pumayag ako.

Sila Vincent naman..... ewan ko. Di naman nya sinasabi kung ano ang pakay nya dun.

Buti na lang at may magbabantay na sa mga bata. Kailangan ko nga lang warningan si Aling Siony at baka gawan sya ng kalokohan ng mga kapatid ko. Para atleast prepared sya.

"ang mga bata?" napaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Vincent.

"nasa taas na. natutulog." Tapos na pala syang maglinis ng mga bote at binabanlian na lang nya yun ng mainit.

Kanina kasi naituro ko na sa kanya kung paano lilinisan at isterilized yung mga gamit ni baby Devin

"itinabi ko nga pala sa kama mo si Baby Devin-----"

"WHAT?!" wow, OA much lang.

"Vincent-----"

"hindi pwede! Malikot ako matulog. Pano kung madaganan ko sya o kaya maisipa pababa ng kama----"

"Vincent, relax-----"

"itabi mo sya sayo! Baka mapano sya pag ako ang nakatabi nya----"

"DEVON JAMES VINCENT SAAVEDRA!" tsk. Kailangan pala na sinisigawan to para manahimik eh.

Ni hindi ako nakasingit sa sobrang panic.

"Relax. Ganito na lang. itatabi ko sayo ang kambal-----"pinandilatan ko sya ng mata ng tangkain nyang sumapaw. And I'm referring to my brothers.

"kung malikot ka, mas malikot sila. Wag kang mag-alala magigising ka naman kung maiipit mo man sila, kasi nanapak sila kapag naiipit. And besides hindi kami kakasya sa kutson ko."

"so, magpapalit tayo?" tanong pagkatapos ng mahaba-haba nyang pag-iisip.

Tumango ako.

"ok. Sanay ka naman sa bata kaya wala akong dapat ipag-alala." Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Good." Sabi ko. Umakyat na ako at inayos ang sleeping arrangement namin.

Good luck kay Vincent bukas.

B

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon