sa mga hindi nagbabasa ng When Heart Attacks, nasabi ko dun na kaya sunod-sunod ung UD kasi habang hindi ako nakakapagUD nagsusulat na ako ng upcoming UD's pero hindi pa ganun kadami..
kaya... ito na sya!!! hope you like it.. VOTE, minna... <3
.....................................
ARIA POV
Ano bang problema nun? Kanina pa nakaalis sila Vincent at kanina pa din ako nag-iisip kung bakit ganun sya.
“Ikaw! Ikaw ang problema ko!”
yung totoo, may nagawa ba akong mali?
Pero kahit anong gawin kong isip. Wala. Negative. Hindi ko talaga alam.
“H-hey.” Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Si Amber.
“hi. Kanina ka pa ba jan?” umiling ito at umupo sa harap nya.
“a-ano…. Aria… ahh” napakunot ang noo ko. “yes?” pang-eencourage ko. halata kasing naiilang sya eh.
“c-close ba k-kayo n-nung Lumapit s-sayo ka-kanina?” sino?.. ahh baka sila Vincent.
Kinabahan ako. Hindi kaya, natakot na syang makipagkaibigan sakin kasi binully sya nila Vincent before?!
“a-aaah… you can say that. Pero don’t worry, hindi ko hahayaang bully-hin ka nila katulad ng una tayong magkakilala.” Mabilis kong sabi sa kanya.
Halata namang nagulat sya. Teka, hindi nya ba naalala na ako yung nagligtas sa kanya?
“s-sabi mo transferee ka diba?” Tumango ako. Nakayuko sya ngayon at nilalapirot na naman ang mga daliri nya.
“p-pano mo sila naging close kung b-bago ka lang dito?” oo nga no? sasabihin ko ba? Tch. Wag na baka lalo syang matakot na makipagkaibigan sakin.
“ahh long story kasi eh hehehe” napakamot ako ng ulo ko. ang hirap naman nito. (_ _”)
Hindi na ito umimik at nagpaalam na bibili ng pagkain.. oo nga pala maglulunch na kami at wala pa pala akong pagkaing naorder.
“here” nagulat ako ng abutan ako ng pagkain ni Amber. Nagblush sya.
“w-wala ka pa kasing pagkain kaya… i-ibinili na kita.” Nahihiya nyang sabi.
“thanks” I smiled at her. Hindi ko talaga alam kung bakit ang gaan ng loob ko rito.
…………………………
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Novela JuvenilWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.