chapter 1

102K 1.4K 221
                                    

Nika

"Nika! Gising na, anong oras na nakahilata ka pa!" sigaw ng tiyahin ko sa labas ng pinto ng kwarto ko. Naiinis kong tinakpan ng unan ang ulo at pumikit ako. Ano ba naman tong si tiyang parang others!

"Nika, bumangon ka na jan at tanghali na! Kuh! ka talagang bata ka napakahirap mong gisingin sa umaga!" litanya pa rin ni tiyang Sabel habang kinakalampag na ang pinto.

Napakamot ulong bumangon ako at binuksan ang pinto, tumambad sa akin ang nakasimangot at nakapamaywang kong tiyahin.

"Tiyang naman ang aga aga pa eh, tsaka sabado kaya ngayon.." antok na antok akong sumandal sa hamba pinto.

"Yun na nga! Sabado ngayon araw ng gawaing bahay. Bawal Ang tatamad tamad. Tambak ang labahin yung hugasin di pa nahuhugasan dahil tinulugan mo kagabe. Hala, kumilos ka na at mataas na ang araw, at ako'y tatapusin pa ang nakabinbin na tahiin!"

"Ano ba yan tiyang ang dami namang gagawin. Sabado naman ngayon inaantok pa ako ihh.." papadyak padyak at kakamot kamot pa ako ng ulo.

"Aba't anong gusto mong gawin, hihilata maghapon? Di tayo mayaman Nika wala tayong katulong na gagawa ng mga gawaing bahay! Kaya kumilos ka na kundi makukurot kita sa singit!" pinandilatan nya ako ng mata.

"Ihh, naman kase tiyang eh.. pwede naman mamaya ko na lang hugasan yang mga pinggan tas bukas na lang ako maglaba, tinatamad ako ngayon ihh.." pagmamaktol ko pa.

"Aba't gusto mo talagang makurot ah! Umiral na naman yang katamaran mo!" umamba pa si tiyang ng kurot na hinarang ko naman ng kamay.

"Kyah! Oo na tiyang! Eto na kikilos na." sumimangot at nagkamot na lang ako ng ulo.

Binigyan pa ako ng nagbabantang tingin ni tiyang bago tumalikod at bumaba ng hagdan na gawa sa kahoy.
 
Napabuntong hininga na lamang ako at tumalima na.

Dalawang palapag ang bahay namin, yari sa bato ang unang palapag at kahoy sa ikalawa. Pagmamay-ari ito ng yumao kong lolo at lola. At naiwan sa tatlong magkapatid, si tatay ko ang panganay na ofw sa bansang UAE, Isa itong operator ng mga heavy equipment, tuwing ikalawang taon lang ito kung umuwi. Magmula ng namatay ang nanay ko 8 years ago nagpaka-busy na ito sa trabaho. Dahilan nya para di daw nya naiisip palagi si inay. Naiintindihan ko naman, .maging ako man ay nalulungkot at naiiyak tuwing maiisip si nanay. Maaga itong kinuha sa amin.. sa isang malagim na aksidente..
Ang hirap ng walang ina pero nandiyan naman si tiya Sabel, bagama't may pagka bungangera ito di naman ako nito pinababayaan. Matandang dalaga si tiyang, bunso sa magkakapatid, kaya siguro laging masungit. Ang tiyuhin ko naman na si tiyo Faustino na pangalawa sa magkakapatid ay nakatira sa kabilang kanto, may dalawa itong anak na lalaki na mas matanda sa akin. Si kuya Brent 24 years old at si Kuya Bryan na 21 years old. Close ako sa kanila, tinuturing nila akong bunsong kapatid. Parehas silang nasa Maynila at nagtatrabaho kaya bihira na lang kami kung magkita.

Matapos kong hugasan ang mga pinggan sinunod ko naman ang mga labahin, pinaghiwalay ko ang mga puti at de kolor niluglugan ko muna bago isinalang sa washing machine, kinusutan ko na lamang ang mga panloob.

Dinig ko mula dito sa likod bahay ang tunog ng makina ni tiyang Sabel, habang sa harap ko naman ang kalye kung saan maraming bata ang naglalaro at mga tambay na hindi pa naman tirik ang araw ay mga nagiinum na. Tipikal na tanawin sa araw araw ng mga mamamayan dito s kalye ng bayan ng San Jose.

"Uy Nika ba't tanghali ka na naglaba?"

Nilingon ko ang kaibigan kong si Jelly na ngumunguya pa ng tsitsirya at may hawak na plastik ng soft drinks. Kababata ko ito at bestfriend, parehas kaming nasa unang taon ng kolehiyo.

"Tinanghali ako ng gising eh.." pagkibit balikat ko at itinuon ang tingin sa kinukusot. Labas pasok ito sa bahay namin minsan dito na rin nakikitulog. Malamang may bago na naman itong chismis, lagi itong updated sa chismis eh kaya close sila ni tiyang.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon