chapter 5

63.2K 1K 45
                                    

Nika

Nagising ako pasado alas nuebe na. Mataas na ang araw sa labas, pumapasok na ang sinag sa loob ng kwarto ko. Wala akong pasok ngayon dahil holiday kaya ayos lang na tanghaliin ako ng gising. Pagkatapos ng video call ni tatay kagabe tinapos ko pang panoorin sa youtube ang limang episode  ng turkish drama.

Niligpit ko ang kumot at pinagpagan ang kutson at unan. Baka makurot ako ni tiyang kapag iniwan kong magulo ang higaan ko. Kinuha ko ang nakahanger na puting tuwalya at pumanaog na.

Pagkatapos kong maghilamos sa banyo tumungo akong kusina at nag timpla ng milo na may gatas. Mayroon namang tasty bread at peanut butter sa lamesa kaya okay na to sa almusal, ilang oras na lang naman tanghaliin na. Di ko nakita si tiyang sa loob ng bahay baka nasa labas ito at nakipag chismisan na naman.

Nangangalahati pa lang ako sa mug ko nang pumasok si Jelly.

"Morning frenny!". Masiglang bati nito at umupo sa bakanteng upuan, kumuha ng tasty at nilagyan ng peanut butter at may patirik tirik pa ng mata habang ngumunguya. Babaeng bakla talaga tong kaibigan ko.

Kung ano ano lang ang pinagkukuwentuhan namin, tungkol sa university sa mga klasmeyt namin at prof. Lumipat kami sa sala at doon na itinuloy ang chikahan. Kinuwento din nya yung nangyari nung get together nilang magpipinsan last week. Ngayon na lang kase ulet nagawi ito sa bahay kaya ang daming baon na kwento. Nagkikita naman kami sa university at nag kaka chat pero kung ano ano lang din pinag uusapan namin.

Nagtatawanan  kami ng pumasok si tiyang na may dala mg supot na may lamang makopa.

"Oh Nika, pinabibigay ni kuya Pierre mo kanina ng madaanan ako sa tindahan ni Mely." Sabay abot sa akin ng supot. Nagbatian sila ni Jelly bago tumungo si tiyang sa kusina.

Nagrigodon na naman ang puso ko pagkarinig sa pangalan ng lalaking isang linggo ng laman ng isip ko.

Inabot ko ang supot at sinilip ang makopa, pulang pula ang mga ito at makintab. Naramdaman ko ang pagtutubig ng aking bagang. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala.

Isang linggo na rin ang lumipas mula ng mangyari ang insidenteng yon. Pinuntahan pa nya ako kinabukasan at tsinek ang mga sugat ko. Napag alaman ko rin na isa pala syang  mekaniko at pag aari nya ang bagong bukas na auto repair shop sa may kanto. 31 years old na pala sya at single pa ayun na rin sa chikahan nila ni tiyang. Bahagya akong nanlumo. Ang laki pala ng agwat ng edad namin pero keribels lang, age doesn't matter ika nga atleast single pa sya at libreng pagnasaan - este pangarapin.  Parang gusto ko tuloy mag lakad lakad minsan.

Maglakad na lang kaya ako papuntang bayan dun na lang ako sasakay pag pagpasok. Napangiti na ako ng tuluyan sa naiisip.

Nag angat ako ng tingin at nabungaran ko sa Jelly na nakataas ang isang kilay at may mapanuring tingin. Palipat lipat ang mata sa supot ng makopa at sa akin.

"Baket?" Inosente kong tanong.

"Anong baket? May hindi ka ikinukwento sa akin frenny. Ano yun ha?" Lumapit pa sya sa akin.

"Anong ano yun?" Painosente ko pang tanong pabalik at iniiwas ang tingin habang inaamoy ang makopa at  idinikit ko pa sa ilong.

"Sino si Pierre at ganyan ang ngiti mo ha?"
Ayun! Natumbok agad ng kaibigan. O sadyang kilala lang ang bawat kilos ko.

"Wala.. kostumer lang ni tiyang yon.."

"Talaga? E ba't ka binigyan ng makopa? Nanliligaw sa'yo yun noh?" Sinundot nya ako sa tagiliran at pinanlakihan pa ng mata.

"Hindi ah! Mabait yun si kuya Pierre tsaka para ko ng kuya yun." Bahagya pa akong napasimangot. 

"Pero crush mo?"

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon