Nika
Ang gaan lang ng pakiramdam ko kinaumagahan. Parang may natanggal na malaking batong nakadagan sa dibdib ko pagkatapos ng pag uusap namin ng mama ni Pierre. Mabait naman pala sya kahit mukhang kontrabida sa palabas. Kailangan lang sigurong pakisamahan ko sya ng mabuti bilang sya ang ina ng nobyo ko.
Pagkatapos ng ginawa namin sa likod bahay ni Pierre kagabi ay nagkwentuhan pa kami. Nalaman kong anak sya sa una ng papa nya at hindi ito sa kasal sa kanyang mama. Tinanong ko rin kung sino yung kasamang babae ng mama nya. Nag alangang pa syang sabihin nung una na ex nya ang babae. Sabi na eh! Kaya ganun kung makatingin sa kanya. Hindi na nya hinabaan ang kwento tungkol dun sa babae ng makitang nakasimangot na ako..
Pawisan ako ng matapos kong isampay ang huling kurtina na binanlawan ko. Sabado ngayon kaya araw ng laba. Maaga akong natapos dahil maaga akong nag umpisa. Balak ko kasing puntahan si Pierre sa talyer pagkatapos ng gawain ko. Ewan ko ba, pero biglang gusto ko syang makita at parang hinahanap hanap ko ang amoy nya. Siguro dadalhan ko na lang sya ng pagkain pananghalian. Alas dies pa naman ng umaga ayon sa orasan sa cellphone ko at magluluto pa lang kami ng pananghalian.
Hindi pa naman ako nakakapasok sa bahay ay dinig ko ang hagikgik ni tiyang. Nakita ko ang mini truck ni tiyong Gabo na may mga galon ng tubig sa labas ng gate. Gumawa ako ng ingay para malaman nila na may taong papasok, baka mamaya kung ano na ang ginagawa makita ko pa. Naabutan kong inaayos ni tiyang ang strap ng duster nya at namumula ang mukha nya.
"Hi Nika." Bati ni tiyong Gabo sa akin na nakaakbay pa kay tiyang. Binati ko rin sya pabalik.
"Tiyang ako na po magluluto." Presinta ko.
"Naku wag na, ako na. Magpahinga ka na lang katatapos mo lang maglaba." Saway ni tiyang.
"Hindi po ayos lang. Gusto ko kasing dalhan si Pierre ng niluto ko." Sabay ngiti ko sa kanya.
"O sige bahala ka."
"Mag tiyahin nga kayo labs, pareho kayong sweet." Ani tiyong Gabo. Kinilig naman si tiyang at bumungisngis pa.
"Syempre kanino pa ba magmamana yan eh sa akin na halos lumaki yan." Pagmamalaking sabi ni tiyang. Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Well totoo naman yun. Kay tiyang ko na natutunan ang lahat, nahahawa na nga rin ako minsan sa ugali nya. Pati kaharutan namana ko na rin sa kanya. Napangisi na lang ako.
Dalawang ulam ang lulutuin ko, yung isa may sabaw para naman ganahan sa pagkain si Pierre. Sinigang na buto buto sa gabi para mas malasa at piniritong bangus. Napamura pa ako ng matalsikan ng mantika sa braso. Dahil maputi ako kaya agad itong namula. Nang matapos ay nagsandok na ako ng mainit na kanin sa isang transparent na tupperware. Dinamihan ko na dahil sasabayan ko syang kumain. Nag sandok na rin ako ng ulam sa magkahiwalay na lagayan. Nilagay ko na ito sa isang malinis na eco bag. Nagdala na rin ako ng dalawang malinis na pinggan at kutsara't tinidor. Maliligo muna ako bago umalis dahil ayoko namang maamoy nyang amoy ulam at pawis ako.
Sumakay na lang ako ng traysikel papuntang talyer dahil tirik ang araw at masakit sa balat. Pagbaba ko ng traysikel ay
pansin ko agad ang ilang mga sasakyan na nakapila sa service area. Mukhang marami silang customer dahil weekend. Dumiretso ako ng customer service at binati ako ng tatlong cashier at ng sekretarya nya na nandoon. Hindi naman inaasahan ni Pierre na pupunta ako dahil hindi ko rin naman sya tinext. Sinabi nilang wala sa office si Pierre at nasa service area para tumulong sa mga mekaniko. Pinigilan ko naman ang isang cashier na tatawagin si Pierre para ipaalam na dumating ako.Alas onse y media pa lang naman ng umaga. Nilapag ko ang dalang eco bag na may lamang pagkain sa ibabaw ng maliit na mesang bilog at pumunta sa service area kung nasaan si Pierre. Binati ako ng ilang mga tauhan at tinuro ang pwesto niya. Nakita ko sya na seryoso ang mukha habang may kinakalikot na kung ano sa makina ng sasakyan. Hindi na ako masyadong lumapit dahil baka makaistorbo lang ako. Tinanaw ko na lang sya sa di kalayuan habang pinagmamasdan. Nakasuot sya ng pantalong itim at t-shirts na puti na putol ang manggas. Puro grasa na rin ang damit nito pati na rin ang braso at nangingintab na rin ang balat sa pawis. Pero imbes na ma turn off ay parang na aakit pa lalo ako. Parang nakadagdag lang sa kakisigan nya ang itsura nya ngayon, kay sarap din pagmasdan ang mga masel nyang nag gagalawan kapag kumikilos sya. Wala sa sariling binasa ko ang labi at kinagat ito. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomansSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...