chapter 22

79.4K 1K 126
                                    

Pierre

Halos dalawang oras din naka idlip si Nika sa ibabaw ko ng hindi ko hinuhugot ang alaga ko sa loob nya. Gusto ko mang gumalaw ay hinayaan ko lang sya munang umidlip dahil alam kong napagod sya sa ginawa namin. Pinagmasdan ko lang sya at pinupog ng halik ang bumbunan nya. Hindi maipaliwanag ang sayang nadarama ko ng sabihin nyang mahal din nya ako. Nang magising sya ay humirit pa ako ng isa sa kanya na pinagbigyan nya naman. Parang ayoko na nga syang iuwi kung hindi lang may naghihintay sa kanya sa bahay nila. Dumaan pa kami sa isang kilalang bakeshop para ibili ng pasalubong si Aling Sabel, pasado alas syete na kami nakauwi. Tumambay pa ako ng dalawang oras sa bahay nila, kung hindi pa nya ako tinulak pauwi dahil inaantok na sya ay di pa talaga ako uuwi.

"Hi Pierre."

Nag angat ako ng paningin mula sa kinakain. Nabungaran ko ang anak ng may ari ng karinderya na lagi kong kinakainan sa tanghali. May matamis syang ngiti sa mga labi at tila nagniningning ang kislap ng mga mata.

"Ikaw pala Jessica." Tipid lang na ngiti ang ginanti ko at tinuloy ang naudlot na pagkain. Umupo naman sya sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Jessi na lang for short Pierre." Malamyos na boses na sabi nya at hinawakan pa ang braso ko at hinaplos haplos. Pasimple ko namang ginalaw ang braso ko para maalis ang kamay nya.

"Alright Jessi."

"Grabe, ang laki pala ng kamay mo.. ang hahaba din ng mga daliri.. at maugat pa.." Usal nya sa tonong nanghihibo. Nag angat akong muli ng paningin sa kanya, malagkit ang mga mata nyang nakatingin sa akin at kagat kagat ang labi.

"Hmm siguro magaling kang kumalikot..."

"Ng sasakyan." Dugtong nya at binuntutan pa ng mahinhin na tawa.

Iiling iling na ngumisi na lang ako. Hindi naman ako tanga para hindi mabasa ang mga galaw nya. Sa araw araw kong kumakain dito ay lagi syang nandito na para bang inaabangan ako at uupo sa harapan ko. Maganda naman sya, kahit nababalutan ng kolorete ang mukha. Maputi at mahubog ang katawan na hakab sa lagi nyang suot na maiksing bestida. Pero wala syang dating sa akin kahit anong pangaakit pa ang gawin nya. Dati naman hindi ko pinapalampas ang babaeng ganito. Nagbago lang ang lahat ng makilala ko si Nika, ang babaeng pinakamaganda at pinaka sexy sa mata ko. Wala sa sariling napangiti ako habang ngumunguya.

"Sya nga pala, saan ka nagpunta kahapon? Pinuntahan kita sa bahay mo pero wala ka."   

Natigilan ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. "Pumunta ka sa bahay kahapon?"

"Oo, kasi..aayain sana kitang lumabas para kumain.." Kumagat labi pa sya na tila nahihiya. Napabuntong hininga naman ako.

"Lumuwas akong Maynila kahapon."

"Ah.. mamaya pagkatapos ng trabaho mo, labas naman tayo." Masiglang aya nya sa akin at hinawakan pa ang kamay ko. Pasimpleng hinatak ko naman ang kamay ko.

"Hindi ako pwede mamaya."

"Eh bukas?"

"Hindi rin."

"Eh sa susunod na bukas?" Hindi pa rin sumusuko na pangungulit nya. Bumuntong hininga ako at kinuha ang basong may malamig na tubig at uminom. Tiningnan ko sya ng diretso sa mga mata. Matamis na ngiti naman ang sinukli nya.

"I'm sorry Jessi, may girlfriend na ako at hindi naman tama na makipagdate pa ako sa iba." Diretsang sabi ko sa kanya at binigyan sya ng matipid na ngiti.

Nawala ang kumpiyansang nakarehistro sa mukha nya at napalitan ng mapait ang kanina'y matamis nyang ngiti o mas tamang sabihin na ngiwi.

"Sino? Yung pamangkin ni Aling Sabel?" Nakataas ang kilay na tanong nya. Hindi na ako nagulat sa tanong nya na yon. Marami ng nakakaalam sa relasyon namin ni Nika. May mga nagtaas ng kilay dahil sa agwat ng edad namin pero wala akong pakialam.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon