chapter 33

51.2K 843 19
                                    

Nika

Eksaktong alas sais ng gabi ay nasa tapat na ng malaking bahay ng mama ni Pierre ang lulan naming kotse na minamaneho nya. Pinatay na ni Pierre ang makina ng kotse at lumabas, umikot sya sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto. Nakangangang bumaba ako ng kotse habang namamanghang nakatingin sa malaking bahay. Sa tv at sa internet ko lang nakikita ang ganitong klaseng bahay ngayon sa totoong buhay na.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Pierre at hinawakan ang kamay ko. Tumango naman ko ng hindi inaalis ang tingin sa bahay.

"Ang laki pala ng bahay ng mama mo."

"Regalo to sa kanya ni Papa. Ipapakilala kita sa kanya mamaya. Pasok na tayo sa loob." Aniya at inakay na ako papasok ng malaking gate. Sinalakay naman ako ng kaba ng sabihin nyang ipapakilala nya ako sa papa nya. Sana gaya ng mama nya ay matanggap din ako ng papa nya. May mangilan ngilan na ring dumadating na sasakyan at pumarada din sa tapat ng malaking bahay na malamang ay mga bisita din. Pagpasok namin sa loob ay mas lalo pa akong namangha sa mga kagamitan at palamuting naka display doon. Mayroong na ring mga bisita na kasing edad din ni tita Myrna na binati si Pierre. Nahihiyang ngiti lang ang sinasagot ko kapag pinapakilala ako ni Pierre. Hindi ko na lang pinapansin ang mapanuri nilang mga tingin. Lumabas naman mula sa isang panig ng kabahayan  na kusina yata, si tita Myrna na nagpupunas ng kamay. Malawak ang kanyang ngiti ng makita kami.

"Nariyan na pala kayo."Magiliw na nilapitan nya kami at binati. Hinalikan sa pisngi at niyakap.

"Happy birthday Ma."

"Happy birthday po tita."

Halos sabay naming bati ni Pierre at inabot ang isang maliit na paper bag. Kinuha naman nya ito.

"Naku, nag abala pa kayo. Presensya nyo lang ay sapat na sa akin. Dapat sinama mo na rin ang tiyang Sabel mo Nika."

"May lakad po kasi sya ngayon tita, sa susunod na lang daw po." Sabi ko. Totoo naman yon. Dahil inaya din ni Pierre si tiyang na sumama pero tumanggi dahil may lakad daw sila ni tiyong Gabo.

"Ganun ba. O sige, padadalhan ko na lang sya ng pagkain." Nakangiting wika nya.

"Kayo pong bahala tita." Nakangiti ring sagot ko.

"Ah teka, maiwan ko muna kayo at aasikasuhin ko lang yung mga pinaluto ko sa kusina."

"Tulungan ko na po kayo tita." Presinta ko.

"Hindi na, bisita kita. Ang mabuti pa Pierre ilibot mo na lang si Nika sa bahay, dalhin mo sya sa kwarto mo. Ipapatawag ko na lang kayo mamaya." Suhestiyon ni tita Myrna. Naexcite naman ako sa isiping makikita ko ang kwarto ni Pierre. Tumango naman si Pierre at hinila ang kamay ko paakyat sa malaking hagdan na napipinturahan ng puti. Sa pader ay may mga nakasabit na painting na halatang mahal ang presyo. Meron ding malaking larawan ni tita Myrna at solong larawan din ni Pierre na bata bata pa..

Malaki ang kwarto ni Pierre. Mas malaki ito kumpara sa kwarto nya sa bahay nya. Malaki din ang kama at ang closet. Wala naman syang gaanong gamit sa loob maliban lang sa malaking painting na hindi ko maintindihan at isang sofa na nasa tabi ng mukhang bintana na natatakpan ng makakapal na kurtina.

"Nagustuhan mo ba ang kwarto ko?" Tanong nya na may pilyong ngiti sa labi. Maganda ang kwarto nya at malaki. Pero mas gusto ko pa rin ang kwarto nya sa bahay nya. Nagkibit balikat ako.

"Ayos lang, mas gusto ko yung kwarto mo sa bahay mo." Ani ko at umupo sa kama nya. Lumapit naman sya sa akin at umi-skwat sa paanan ko. Nilagay nya ang dalawang kamay sa balakang ko at tumingala sa akin.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mong magpahinga muna?" Malambing na tanong nya. Umiling naman ako at ngumiti.

"Hindi ako gutom at hindi pagod. Gusto ko ngang tulungan ang mama mo sa kusina ayaw naman nya."

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon