chapter 20

71K 965 25
                                    

Pierre

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bar ay dinig ko na ang mga tawanan at nagpipingkian na baso na sinabayan pa ng banda. Matapos kong iparada ang big bike ko ay dumiretso na ako sa entrance, kinapkapan muna ako ng isang security bago pinapasok.

Pagkagaling ko sa bahay nila Nika ay naligo muna ako at dito na dumiretso. Kung di lang dahil sa panay ang tawag ng mga kaibigan ko ay hindi ako luluwas. Ilang buwan na rin ang nakalipas ng huli ko silang nakasama.

Nasa malayo pa lang ako ay tanaw ko na sila sa madalas naming pwestuhan. At ang mga lintik may kanya kanya pang mga karay. Napailing iling na lang ako. Nakita naman ako ni Lex na papalapit at sinabi sa mga kasama sa mesa. Kaya lahat sila ay napalingon sa akin at mga nakangisi, habang ang mga babaeng karay karay nila ay walang hiyang hinagod ako ng tingin.  Nang aakit na mga ngiti at tingin ang binibigay. At himalang hindi ako naaapektuhan sa mga ganoong tingin at ngiti. Napangisi ako ng sumagi sa isip ko ang mukha ni Nika. Tangna! Isang oras pa lang ng huli ko syang makita namimiss ko na. Parang gusto ko ng umuwi.

"Mabuti naman at naisipan mong sumipot. Akala namin kailangan ka pa namin sunduin eh." Nakangising sambit ni Austin habang prenteng nakasandal sa couch at nakadekwatro, kaakbay ang isang babaeng panay ang himas sa dibdib nya.

Hindi ako sumagot at umupo sa dulo ng corner couch dahil ako lang naman ang walang karay na babae. Naisip ko naman si Nika. Nah! Nungkang dadalhin ko sya sa ganitong lugar. Tinawag ko ang isang waiter at umorder ng tatlong light beer. Wala akong balak magpakalasing ngayon dahil magmomotor pa ako pauwi at may pasok pa ako bukas. Hinubad ko ang leather jacket at nilapag ang cellphone sa lamesang salamin.

"Wala kang kasama? Bago yan." Tudyo ni Dan.

"Baka naman namimiss nya lang si Kesca babe." Sabat naman ni Laurene o Loren, ewan! Di ko matandaan ang pangalan. Basta ang alam ko fuck buddy sya ni Dan. Kinuha ko na lang ang bote ng beer na nilapag ng waiter at tinungga.

"Kung wala kang kasama, pwede kong tawagan si Eula para naman hindi ka ma op." Hirit pa ng babae at binuntutan pa ng tawa.

"Nah, don't bother." Tipid lang na sagot ko.

Nagkibit balikat lang ang babae at ngumisi naman si Dan sabay bulong sa babae na ikinahagikgik nito.

"By the way pare, may pinadala akong files sa email mo. About dun sa proposal ko." Ani Seb. Tumango lang ako at nakipag toast sa kanya.

"I'll check it later pagdating ko sa bahay."

Nagkamustahan lang kaming magkakaibigan, biruan at asaran. Lima kaming magkakaibigan at mag kakaklase noong college.Mga tagumpay na rin sa buhay pero mga wala pa ring balak lumagay sa tahimik.

"Uy, sino to? Bagong babae mo? Bakit hindi mo sinama?" Nilingon ko ang pinagkukumpulan nila Lex at Austin, nakisilip na rin si Dan. May tinitingnan sila sa cellphone na hawak ni Lex.

"Ang bata pa nito ah! Tangna Pierre, kelan ka pa nahilig sa kolehiyala." Ani Austin sabay ngisi sa akin.

Ang mga gago! Cellphone ko pala ang hawak at malamang nakita na nila ang mga pictures ni Nika. Akmang kukunin ko ang cellphone sa kanila ng harangan ang kamay ko ng mga braso nila at nilayo ang cellphone.

"Wait lang, di pa kami tapos." Ngingisi ngising wika ni Dan. Tumawa naman ang dalawa. Amputcha! Pinagpipyestahan ang mga pictures ni Nika. Nakisali pa si Seb. Wala na akong nagawa kundi bumalik sa pagkaka upo.

"In fairness Pierre, maganda sya huh? Mas maganda pa sa ibang nakaka date mo." Sabat ng babaeng katabi ni Lex.

Ngumisi lang ako at inubos ang laman ng bote.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon