chapter 11

68.8K 1K 46
                                    

Nika

Tinanggal ko ang airpods na nakapasak sa tenga ko ng makitang alas diyes na pala ng umaga. Sinuksok ko sa bulsa ng shorts ang cellphone ko. Binalik ko ang mga notes sa bag at lumabas ng kwarto para makapag saing na para ulam na lang ang lulutuin ni tiyang pag uwi galing palengke. Ala una y media pa naman ng hapon ang klase ko.

Di pa naman ako makababa ng hagdan ay parang narinig ko ang boses ni tiyang sa labas. Nakauwi na pala sya. Tinungo ko ang malaking bintanang bukas at dumungaw sa baba sa labas. Si tiyang, may hawak na asul na galon na wala ng laman at pinukpok sa ulo ang pobreng si Mang Gabo.

"Grabe ka naman Sabel! Di pa nga tayo ina-under mo na ako. Aray ko!" Tatawa tawang hinimas ni Mang Gabo ang ulo.

"Anong tayo? Walang tayo! Hindi magiging tayo damuho ka!" Hahampasin pa sana sya ni tiyang ng galon pero mabilis na nakailag. Natatawa na lang ang boy na kasama ni Mang Gabo pati na rin ang ilang miron.

"Paano magiging tayo ayaw mo kong sagutin." Hirit pa niya.

"At bakit naman kita sasagutin? Nanliligaw ka ba?" Singhal ni tiyang na pumameywang pa.

"Ayun! Ligaw pala ang gusto. Naku po naman Sabel, matanda na tayo para sa ligaw ligaw na yan. Malapit na tayong abutan ng dapit hapon dapat paspasan na natin para makarami na tayo, diba Nika?" Tumingala pa ito sa akin at kumaway. Naghiyawan naman ang mga tambay. Nakatikim na naman sya ng hampas sa braso galing kay tiyang. Para silang mga teenager sa inaakto nila.

Ewan ko ba dito kay tiyang. Laging mainit ang ulo kay Mang Gabo. Si Mang Gabo naman ay laging trip asarin si tiyang, aakalain mong may nakaraang silang dalawa. Baka nga! Ang alam ko walang asawa si Mang Gabo. Mestisuhin si Mang Gabo, tan ang kulay at maganda pa ang pangagatawan kahit may edad na. Bagay sila ni tiyang. Ngumisi ako.

"Basta gusto ko po kambal na pinsan." Segunda ko.

"Isa ka pa Nika! Magsaing ka na! At Ikaw naman na damuho ka, huling beses na to na mag de-deliver ka sa amin ng tubig. Sa kabila na lang ako kukuha!"

"Sige lang, sanay naman akong iniiwan. Pero sinasabi ko sayo babalik ka rin sa akin dahil mas masarap ako -- este ang tubig ko." Sabay kindat niya kay tiyang. Namumula naman ang mukha ni tiyang at parang may lumalabas ng usok sa tenga.

Umalis na ako sa bintana bago ko pa masaksihan ang karumal dumal na krimen na magaganap. 

Tatawa tawa akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina. Dalawa lang naman kami ni tiyang na kakain kaya sakto lang ang sinaing ko. Mukhang maraming pinamili si tiyang. Sinilip ko ang laman ng bayong pati na ang ilang supot. Kumuha ako ng isang mansanas sa supot at hinugasan. Nakakaisang kagat pa lang ako ng tumunog ang cellphone ko. Dali dali ko itong kinuha sa bulsa habang kagat kagat ang mansanas. Si Pierre nag chat!  Binaba ko sa lamesa ang may kagat na mansanas at excited na binuksan ang chat nya.

Pierre: Babe, anong oras pasok mo?

Kinilig ako sa tawag nyang babe sa akin. Nangingiting nireplyan ko sya.

Ako: Mga 1:30 pm po. ☺️

Pagka sent ko ay nakita ko agad ang tatlong tuldok. Hinintay ko ang reply nya.

Pierre: Hintayin mo ko. Ihahatid kita, ok? 😉

Ako: Ok po. Dito ka na kaya mag lunch. 

Pierre: Hindi na. Nasa kabilang bayan ako ngayon, dito na ako kakain. Mga ala una nandiyan na ako sa inyo.

Ako: Ok. Ingat ka po

Pierre: Opo. Miss na kita po 😘

Ngiting ngiti ako ng mabasa ang huling chat nya.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon