Nika
"Tiyang? Mang Gabo? Anong ginagawa nyo?" Nanlalaki ang mga mata kong nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa na dali daling naghiwalay. Hindi ko na nabigyan ng pansin si Pierre na pinipisil ang kamay ko. Nasa dalawang taong nasa harapan ko na kanina ay magkayakap lang ang buong atensyon ko.
Bakit sila magkayakap?
"N-Nandiyan ka na pala Nika, k-kumain ka na ba? Kumain kayo ni Pierre, mainit pa naman yung ulam at kanin."
Tiningnan ko si tiyang. Namumula ang mga pisngi nya at hindi makatingin ng diretso sa akin. Biglang naging aligaga. Si Mang Gabo namin ay kakamot kamot ng ulo at may alanganing ngiti sa akin. Nagtaas ako ng kilay at palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"Kumain na ho kami ni Pierre sa bayan, nag take out kami ng barbecue para sa inyo tiyang. Eh kayo ho ni Mang Gabo, nagkainan na ho ba kayo -- este kumain na ho ba kayo?"
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Pierre sa gilid ko, nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. Tinikom lang nya ang bibig pero kita sa mata ang kislap ng pagkaaliw.
"Tapos na kaming magkainan Nika -- este kumain. Ang sarap nga ng putahe ni Sabel eh -- Aray ko!" Bigla syang pinalo at kinurot ni tiyang sa braso.
"Tumahimik ka!" Mahinang asik sa kanya ni tiyang. Nakangiwing hinimas himas lang ni Mang Gabo ang braso.
Umupo naman kaming magkatabi ni Pierre sa sofa. Inilapag ko sa lamesita ang plastik na may barbecue.
"Anong ginagawa nyo dito Mang Gabo? Nag deliver kayo ng tubig?" Usisa ko.
"Hindi. Pinapunta -- "
"Hinatid lang nya yung kulang na sukli. Uuwi na sya." Putol ni tiyang sa sasabihin ni Mang Gabo at pinandilatan pa ng mata.
Napanguso na lang ako at tumango tango kunwari. Halatang may tinatago ang dalawa. At hindi pa rin ako makapaniwalang naabutan namin silang magkayakap at parang naglalambingan.
"Ayoko ko pang umuwi. Dito muna ako." Ungot pa ni Mang Gabo kay tiyang.
"Hindi. Uuwi ka na. Gabi na." Pilit ang ngiti at nandidilat na mga mata ang binigay ni tiyang sa kanya.
Bagsak ang mga balikat ni Mang Gabo at kumamot na lang ng ulo. " Oo na, pero babalik ako bukas ah.. pag pumasok na si Nika." Sabay kindat nya kay tiyang at malalaking hakbang na lumayo bago abutin ng kurot ni tiyang. Para namang kamatis sa pula ang buong mukha ni tiyang. Di pa rin sya makatingin sa akin ng diretso.
"Nika, una na ko." Ngingiti ngiting paalam sa akin ni Mang Gabo. Tinanguan ko lang sya. Si Pierre naman ay tinapik nya sa balikat. "Pierre, una na ako. Kita na lang tayo bukas sa talyer mo."
"Sige ho Mang Gabo." Sabi ni Pierre at nagpalitan pa sila ng ngisi ni Mang Gabo bago ito lumabas ng bahay. Kunot noong tiningnan ko lang sya. Ngumiti lang sya at tumaas taas ang kilay.
"Akyat muna ako sa itaas, isasarado ko lang ang mga bintana para hindi pumasok ang mga lamok." Paalam ni tiyang. Kinuha muna nya ang plastik ng barbecue at dinala sa kusina saka pumanhik sa taas. Sinusundan ko lang sya ng tingin.
Lumingon ako sa katabi ko ng marinig ko syang tumikhim. "Mukhang nagkakamabutihan na sila Aling Sabel at Mang Gabo ah."
Tiningnan ko lang sya at inalisa ang sinabi nya. Kung ganoon nga mangyayari, susuportahan ko na lang si tiyang. Mabait naman si Mang Gabo at boto kaming magpipinsan sa kanya.
"Ayos lang, mabait naman Mang Gabo. Kahit naman lagi syang inaaway ni tiyang, di naman nya pinapatulan at mas pinagpapasensyahan pa."
Tumango tango naman sya.
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...