Nika
Pagkatapos ng pag uusap namin ni tatay ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi naman sya nagalit at hindi rin sya natuwa sa balitang natanggap pero tanggap naman nya ang baby na nasa sinapupunan ko. Nagkausap na rin sila ni Pierre at napagpasyahan ngang ikasal kami sa lalong madaling panahon. Hindi na ako kumontra dahil kapakanan ko lang naman ang iniisip nila. Uuwi si tatay sa araw ng kasal namin para maihatid ako sa altar. Sabik na rin akong makita syang muli. Napag usapan din ang tungkol sa aking pag aaral. Nasa akin na daw yun kung gusto kong pagsabayin ang pag aaral at pag bubuntis. Ang sabi naman ni Pierre ay susuportahan naman nya ako sa kung ano ang gusto ko. Ang sabi ko naman ay pag iisipan ko muna. May ilang linggo pa naman bago ang bakasyon. Ayoko munang magdesisyon ng pabigla bigla. Pero sa ngayon ang baby ko muna sa tiyan ko ang pagtutuunan ko ng pansin. Dumating man ang kinatatakutan ko ay nagpapasalamat pa rin ako sa biyayang dumating sa akin, sa amin ni Pierre.
Nagpakonsulta na rin kami sa ob gyne at napag alaman ngang isang buwan na akong buntis. Niresetahan ako ng vitamins at binigyan ng schedule sa buwanang check up. Tuloy tuloy pa rin naman ang pasok ko sa school hanggang sa magbakasyon. Wala pa akong sinasabihan sa kung sinoman sa school ang tungkol sa pagbubuntis ko maliban lang kay Jelly.
"Basta frenny ha, ninang ako ng baby mo. At maid of honor ako sa kasal mo." Anang Jelly na parang mas excited pa sa akin.
"Oo na, wag ka ng maingay baka may makarinig pa sayo." Saway ko sa kanya. Hindi pa kasi ako handa na malaman ng buong school ang pagbubuntis ko. Ayokong ma stress at baka maapektuhan ang baby ko.
"Ano kaya ang magiging gender ng baby mo? Sana girl para masaya!" Pabulong na sabi nya at pumalakpak pa.
Wala pa naman sa isipan ko ang magiging kasarian ng baby ko. Pero kahit ano pa man ay ayos lang ang importante malusog sya.
"Teka ano bang gusto ni fafa Pierre na maging baby nyo? Babae o lalake?" Tanong pa nya.
"Hindi pa namin napag uusapan yan. At saka maaga pa naman daw para malaman ang gender ng baby. Pero kahit ano ayos lang basta malusog syang lumabas."
"Kunsabagay.." Kumibot kibot pa ang labi nya. "Pero sabi nila masakit daw manganak."
Ngumiwi naman ako sa sinabi nya. Sa totoo lang isa talaga yun sa pinaka kinatatakutan ko, ang manganak. Pa'no kung hindi ko kayanin? Paano kung -- ay erase erase! Hindi ako dapat nag iisip ng negatibo. Dapat kayanin ko lahat para sa baby ko.
"Wag mo nga muna akong takutin! Wala pa nga eh!" Asik ko sa kanya.
"O sorry na." Kakamot kamot sa ulong sabi nya. "Pero wala ka pa bang nagpaglilihian na pagkain? Kagaya ng mangga, rambutan at kung ano ano pa?" Daldal pa nya.
"Wala pa naman, pero nahihilig ako sa matatamis ngayon." Nitong mga nakaraang araw kasi nakahiligan kong kumain ng mga pagkaing matatamis. Lagi kasi akong pinadadalahan ni tita -- este Mama Myrna ng mga binake nyang chocolate cupcakes. At gustong gustong ko yung icing sa ibabaw. Yung nakaraang isang araw nga naubos ko yung isang box na walang kamalay malay. Biniro pa nga ako ni tiyang na baka maging nognog ang magiging baby ko paglabas. Kumontra naman si Mang Gabo na hindi daw totoo yun, ayun kurot na naman ang inabot nya.
***
"Hmm baby.. hindi pa ako nakakaligo.. mamaya na." Malambing na angal ni Pierre pero hindi naman iniiwasan ang bawat halik at simsim ko ng amoy sa kanyang leeg.
"Kapag naligo ka mawawala na ang amoy mo." Protesta ko. Gustong gusto ko kasi ang amoy nya kapag galing sya ng talyer. Hindi naman sya mabaho pero ganitong amoy nya ang gusto kong amoyin. Ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Lagi kong hinahanap ang amoy nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/300976117-288-k59797.jpg)
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...