chapter 9

62K 1.2K 63
                                    

Nika

"Tao po! Kuya Pierre!"

Kinatok ko ang maliit na gate at sumilip silip sa loob. May naririnig akong ingay. Lumabas ang asong si Bruno na kumakawag kawag ang buntot at nakalabas ang dila. Lumapit ito sa gate at sumampa sa harapan ko. Nilusot ko ang kamay sa siwang at hinimas ang ulo nito. Mukhang nakilala ako nito pero di gaya ng una kong punta dito, maamo ito ngayon sa akin.

"Hi Bruno! Nasaan ang poging amo mo?" Nangingiting kausap ko dito na tila ba ay sasagot ito. Umalis ito at tumungo sa gilid ng bahay at tumahol sa itaas. May nakita akong manhole ladder na nakatayo sa gilid ng bahay. Tumingala ako, napangiti ako ng makita ang bulto ng katawan ni kuya Pierre. Hubad baro sya.  Mukhang abala sya sa ginagawa sa bubong at di napansin ang pagtawag ko.

Binuksan ko ang maliit na gate na di naman naka lock. Pumasok ako at dumiretso sa gilid ng bahay, lumapit naman sa akin si Bruno.

"Kuya Pierre!". Tumingala ako at tinawag sya na sinabayan pa ng tahol ni Bruno. Dumungaw naman sya sa ibaba na nakakunot ang noo. May hawak syang martilyo.

Nginitian ko sya. Mukhang nagulat sya na makita ako. Napakagat labi naman ako at nag init ang pisngi ng masilayan ang hubad nyang katawan. Kaakit akit ang malapad niyang balikat at ang namumutok na muscles sa mga braso niya at ang nangingintab sa pawis na malapad nyang dibdib.

"Ikaw pala Nika. May kailangan ka?" Nakaangat ang labi na tanong nya na tila naaaliw sa mukha ko. Sumagi bigla sa isip ko ang paghalik nya sa aking pisngi.

Tumikhim naman ako at iniba ang direksyon ng mata.

"Ah ano, may dala akong leche flan pinabibigay ni tiyang." Pinakita ko ang hawak kong tupperware.

Tiningnan naman nya ang hawak ko at lumipat sa mukha ko.

"Pwede bang pakipasok na lang sa loob? Salamat." Tumango naman ako at tumalikod na. Sumunod naman sa akin si Bruno. Nilapag ko na lang sa mesita ang tupperware at lumabas na.

Makikipag chikahan muna ako kay kuya Pierre. Di naman siguro ako agad hahanapin ni tiyang. Bumugisngis ako.

"Anong ginagawa mo kuya?" Tiningala ko sya.

"Magpapalit ng alulod." Tipid na sagot nya at di na ako tinapunan ng tingin. Seryoso ang mukha nyang binabaklas ang kinakalawang ng alulod. Pinapanood ko sya sa ginagawa nya. Tahimik lang kaming pareho, tila ayaw nyang paistorbo. Ayos lang naman, masaya na akong masilayan sya. Swerte ko pa dahil may bonus na pamuscle, kay sarap sa mata ang pag f-flex ng mga muscles nya sa braso.

Buti na lang inutusan ako ni tiyang! May miryenda na ako at mukhang mas masarap pa sa leche flan.

Napahagikgik ako ng lihim at kinagat ang labi para pigilan ang ngiti.

Kumurap kurap ako ng maramdaman kong tila may pumasok na anong bagay sa kanang mata ko. Kinusot kusot ko ng kamay para mawala. Pero humapdi lang ang mata ko. Nakaramdam na ako ng panic.

"Aww.." Daing ko habang naluluha na ang mata ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni kuya Pierre. Di ko sya pinansin at patuloy lang sa pagkusot ng mata.

Shuta naman! Swerte na napuwing pa. Argh!

"Wag mong kusutin lalong maiirita ang mata mo." Matigas na boses na sabi ni kuya Pierre. Narinig ko pa syang nagmura at nakita ko sa isang mata na bumaba sya ng hagdan at palapit sa akin.

Tinanggal nya ang kamay ko sa mata at hinawakan ang pisngi ko. Nanatili naman nakapikit ang kanang mata ko.

"Idilat mo mata mo hihipan ko". Utos nya.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon