Nika
Napapahagikgik na lang ako habang pinapaliguan nya ng munting halik ang buong mukha ko habang nakadagan sya sa akin. Hindi naman nya binubuhos ang buong bigat nya at sobrang lambot pa ng kama nya. Sinakop nyang muli ang mga labi ko at marahang ginagalaw ang labi na puno ng pag iingat at tila ninanamnam ang tamis ng labi ko. Ang mga kamay ko naman ay marahang humahaplos sa malaking braso nya habang ang mga kamay nya naman ay humahaplos din sa buhok at pisngi ko. Maya maya lang ay bumaba ang mga halik nya sa panga at sa leeg ko. Muli akong napahagikgik ng makiliti ako sa balbas nyang tumutusok sa leeg ko.
"Pierre.. hmm.. tama na! Nakikiliti ako!" Pero ang pilyo kong nobyo ay pinagduldulan pa ang balbas nya sa sensetibong parte ng leeg ko na ikinatawa ko ng malakas. Tila natuwa pa sya at nakisali pa ang mga kamay nya at kiniliti ako sa bewang. Para na akong bulating inasinan sa ilalim nya at pilit ko syang tinutulak pero wa epek dahil para syang pader na di matibag. Tawa lang din ang sinasagot nya sa bawat pagmamakaawa kong tigilan na nya.
Tumigil naman sya ng makitang pagod na ako sa kakatawa. Binalik nya ang kamay sa pisngi ko at hinaplos habang malamlam ang mga itim na matang nakatunghay sa akin na parang may gustong sabihin.
"Mahal kita Nika.." Pabulong na sabi nya pero malinaw sa pandinig ko. Napalunok naman ako at pumintig ng mabilis ang puso ko dahil sa sinabi nya. Inangat ko ang kamay at hinawakan ang pisngi nya.
"Pierre.." Tanging pangalan lang nya ang nasambit ko. Kinuha naman nya ang kamay ko at dinala sa labi nya at hinalik halikan habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"I love you Nika.." Ngayon ay mas malakas nyang sabi sa medyo paos na boses. Ang mga mata nya ay may kislap ng samot saring damdamin. Binalik ko ang kamay sa pisngi nya at hinaplos itong muli.
"Mahal din kita Pierre.." Sambit ko sabay kagat labi. Halos trumiple na ang pintig ng puso ko at parang nais nang kumawala sa loob ng tadyang. Matamis na ngiti naman ang kumurba sa labi nya sabay kagat na parang pinipigilan ang kilig na nadarama. Napalitan ng maliwanag at masayang kislap ang mga mata nya.
"Talaga? Mahal mo ko?" Masayang tanong nya na parang hindi makapaniwala.
"Opo.." Nangingiting tumango ako sa kanya. Nagmukha syang bata sa itsura nya.
"Talagang talaga?" Pangungulit pa nya ng di nabubura ang ngiti sa labi.
"Oo nga! Ang kulit!" Kunwaring naiinis na wika ko pero natawa na rin sa inaasal nya.
"Kahit na sobra pa sa sampung taon ang tanda ko sayo?" Sumeryoso naman bigla ang mukha nya sa itinanong nya.
Hindi muna ako sumagot at pinakatitigan lang ang mukha nya, napalitan naman ng pangamba ang kislap ng mata nya. Kelan ko ba sya minahal? Crush lang naman nung una. Magiisang buwan pa lang ang relasyon namin. At masasabi kong sa maiksing panahon na yon ay lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Masaya ako na lagi ko syang kasama at inaalagaan nya ako.
Nginitian ko sya ng matamis at hinila ang ulo nya para patakan ng halik ang labi nya. "Kahit na 13 years ang agwat ng edad natin wala akong pakialam basta mahal kita."
Kinabig kong muli ang mukha nya at hinalikan syang muli na tinugon naman nya ng madamdaming halik. Hanggang sa naging mapaghanap ang kanyang mga halik at dumadama na sa katawan ko ang kanyang mga kamay. Napasinghap ako ng sakupin ng palad nya ang dibdib ko at marahang pinisil, bumaba naman ang labi nya sa leeg ko at tinaniman ito ng basang halik. Hinayaan ko lang sya sa nais gawin lalo na at namiss ko rin ang mga haplos nya sa katawan ko. Dumako ang mata ko sa bukas na bintanang salamin. Saka ko lang napagtanto na may katapat na building itong unit nya at posibleng makita kaming dalawa dito sa loob ng kwarto nya. Tinapik tapik ko sya habang abala pa rin sya sa paghalik at pagpisil.
![](https://img.wattpad.com/cover/300976117-288-k59797.jpg)
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...