Nika
Sarap na sarap ako sa kinakaing bananacue habang nanonood ng mga naglalaro ng basketball.
"Go Ethan! Woooohhh! Galingan mo baby!" Parang iniipit sa tinggil na tili ni Jelly. Lumayo ako sa kanya ng kaunti dahil baka matalsikan ng laway nya ang pagkain ko.
"Yess! Shoot that ball baby! Shoot that ball! Yesss!" Tumayo pa sya at pumalakpak ng tagumpay na ipasok ng lalaki ang bola sa basket. Pinaulanan pa nya ito ng flying kiss na ginantihan naman ng lalaki kaya para na syang bulateng inasinan na kumikiwal kiwal sa kilig. Natatawa na lang ang ilang kapwa namin estudyante na nanonood pero may mga ilan na tinataasan sya ng kilay at iniirapan lalo na ang mga babae.
"Shet! Ang gwapo talaga ni Ethan. Nakakabasa." Walang hiyang sambit nya. Ngumiwi na lang ako sa tinuran nya.
"Kung kiligin parang walang jowa ah." Pasaring ko sa kanya habang ngumunguya. Umupo muli sya at umusod patabi sa akin.
"Porke't may jowa bawal ng kiligin?" Nakataas ang kilay bwelta nya. Inirapan ko lang sya.
"Kulang na lang ihagis mo ang sarili mo sa kanya eh." Ani ko at sinubo ang huling kagat ng bananacue.
"Eh kasi naman nakakapintig talaga ng pepe ang kagwapuhan ni Ethan frenny."
"Makipag kita ka na kasi sa jowa mo para hindi ka na matigang."
"Actually, magkikita na kami mamaya ni Edward." Masiglang sabi nya na may malaking ngiti.
"Sigurado ka na dyan?"
"Oo naman. Para naman mas makilala pa namin ang isa't isa sa personal. Next time, ipapakilala ko sya sa'yo frenny." Sabay kindat nya. Tumango na lang ako.
"Nga pala may chika ako sayo. Alam mo bang inalis na si Geoff sa basketball team dahil dalawang linggo na syang hindi umaattend ng prakatis at may nakakita pa sa kanyang laging nasa bilyaran at nakikipag inuman."
Natigilan ako sa sinabi nya at napalingon sa kanya.
"At baka ma drop out na rin sya kapag hindi pa sya pumasok sa mga klase nya. Nagtataka na nga daw ang ilang mga kaklase nya at mga prof." Dugtong pa nya.
Parang bumigat ang pakiramdam ko sa nalaman ko sa kanya. Anong nangyayari kay Geoff? Bakit sya nagkakaganon? Dahil ba sa akin? Pero hindi naman sya nagkakaganon noon kahit ilang beses ko na syang binasted.
"Ano kayang nangyayari sa kanya?" Tanong pa nya.
"Hindi kaya.. dahil sa akin?" Mahinang usal ko. Lumingon naman sya sa akin.
"Pa'no mo naman nasabi?"
"Hindi kase maganda yung huling pag uusap namin. Halatang galit sya. Tapos nung huli ko syang nakita hindi nya ako pinapansin. Hindi ko na rin sya nakikita dito sa school. Hindi rin sya nag re-reply sa mga chat ko." Paliwanag ko. Napaisip naman sya sa sinabi ko.
"Hindi naman siguro. Ilang beses mo na syang binasted noon pero hindi naman sya nagkakaganon. Baka may iba pa syang problema." Sabi nya.
Bumuntong hininga naman ako. Nag aalala ako para kay Geoff. Gusto ko syang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Naalala kong binanggit ni Jelly kanina na lagi syang nasa bilyaran at nakikipag inuman. Alam ko ang bilyaran na iyon at minsan ko na rin syang nakita doon ng samahan ko si tiyang na maghatid ng tahi sa lugar na iyon.
"Pupuntahan ko sya mamaya sa bilyaran. Kakausapin ko sya."
"Ha? Sigurado ka?"
Tumango tango ako. "Gusto ko rin malaman kung ano ang problema nya. Baka makatulong ako."
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...