Nika
Para akong naglalaway sa isang pagkain habang nakatingin kay Pierre na hubad barong nagpupukpok. Gumagawa kasi sya ng kuna para sa baby namin. Excited lang? Eh hindi pa nga lumalaki ang tiyan ko eh. Hinayaan ko na lang sya at ine-enjoy na lang ang mata sa panonood sa kanya. Ang sarap kasing panoorin ang mga masel nyang naggagalawan at nangingintab pa sa pawis. Ganitong ganito ko sya nakita sa talyer nya nung dinalhan ko sya ng pagkain. Pero mas nakakaakit sya ngayon dahil wala syang damit pang itaas kaya malaya ko ring nabibistahan ang malapad nyang dibdib at mga umbok na masel sa tiyan na nangingintab din sa pawis. May ilang butil pa nga na dumadaloy. Parang ang sarap paraanan ng dila. Ay! Ano ba yan self ang halay mo! Ipinilig pilig ko ang ulo.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ko maiwasang halayin sa isip si Pierre. Lalo na kapag magkadikit kaming dalawa at naamoy ko sya. Halos isang buwan na rin na walang nangyayari sa amin. Hinihintay ko nga lang sya ang unang kumilos. Pero hanggang halik at haplos lang ang ginagawa nya kaya minsan sinusungitan ko sya kapag nabibitin ako.
"Ayos ka lang?" Tanong nya habang kunot ang noo. Tumango lang ako at pumangalumbaba pa.
"Pumasok ka na lang kaya sa loob. Baka mainitan ka pa dito." Ani pa nya.
Oo, naiinitan ako hindi dahil sa panahon kundi sayo. Ngali ngaling sabihin ko sa kanya.
Napanguso na lang ako at umiling. "Ayoko, gusto ko dito."
Bumuntong hininga naman sya at lumapit sa akin. Nilapag niya ang martilyo sa maliit na lamesa at dinampot ang puting bimpong nakasampay sa upuang bakal at pinunas sa pawisan nyang katawan. Sinusundan ko naman ng tingin ang kamay nya. Napakagat labi ako ng ang tiyan naman nyang namumukol sa masel ang punasan nya. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. Napa angat ako ng tingin ng marinig kong ngumisi sya. Nag init naman ang pisngi dahil nahuli nya ako sa akto. Inirapan ko lang sya panakip sa kahihiyang ginawa ko. Tumawa lang sya.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong nya. Pero iba ang dating sa akin nun. Parang may iba pa syang pinakahuhulugan o guni guni ko lang. Tumango na lang ako. Kinuha naman nya ang aking kamay at hinila ako patayo.
"Tara kakainin kita -- este pakakainin kita baka nagugutom na si baby." Sabay ngisi nya at inakay na ko papasok sa loob ng bahay nya. Naginit naman ang pisngi ko.
Hindi naman talaga ako nagugutom pero may gusto akong kainin. Kagat labing pinasadahan ko ng tingin ang katawan nya at nagtagal sa bilugang puwitan nya na hakab sa suot na pantalong maong.
"Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita." Aniya na humarap sa akin habang may hawak na plastic na may lamang isang buong manok.
Napapalunok akong tumitig sa harapan ng pantalon nya. "Gusto ko ng.. sausage." Sabay kagat labi ko.
"Ha? Wala akong sausage eh, hotdog lang ang meron sa ref. Sa susunod bibili ako."
Lumapit ako sa kanya at nilapat ang kamay sa malapad nyang dibdib. Nilaro laro ng daliri ko ang malilit nyang balahibo. "Gusto ko ng sausage.. ngayon na."
Bumuntong hininga naman sya at kumamot sa ulo. "O sige, lalabas muna ako para bumili."
"Bakit bibili ka pa eh meron ka naman dito." Sabay dakot ko sa harapan ng pantalon nya.
Napasinghap naman sya at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. "Nika!"
"Etong sausage ang gusto kong kainin." Sabay pisil ko sa bukol nya na lumalaki pa. Napadaing naman sya sabay mura.
"Baby, ahh wag muna.." Paungol na sabi nya at hinawakan ang braso ko.
Sinimangutan ko sya. "Ipinagdadamot mo na sa akin to?"
![](https://img.wattpad.com/cover/300976117-288-k59797.jpg)
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...