Nika
Patingin tingin ako kay tiyang habang tinutulungan ko syang gupitin ang mga sinulid ng nayari nyang mga tahi.
"Tiyang." Tawag ko sa kanya. Nag angat naman sya ng tingin mula sa pagtatastas ng sinulid. Humugot naman ako ng malalim na hininga.
"Tiyang ano tingin nyo kay Pierre?" Mahinang tanong ko habang kunwaring abala sa paggugupit. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa kaba habang hinihintay ang sagot ni tiyang. Napagpasyahan ko ng sabihin kay tiyang ang relasyon namin ni Pierre at kakausapin ko rin si Geoff pag nakita ko sya.
"Mabait na binata, maginoo at responsable bukod sa magandang lalaki." Sagot ni tiyang at sinulyapan ako ng pailalim sa kanyang salamin.
Tumikhim naman ako at ngumuso. Hindi ako umimik ng ilang sandali. Tila dumoble pa ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Ah a-ano tiyang.. k-kami na ni Pierre." Halos pabulong kong sabi sabay yuko at kagat ng labi. Ramdam ko naman ang pagtitig sa akin ni tiyang. Narinig ko rin ang pagbuntong hininga nya at itinuloy ang ginagawa.
"Hindi na ako magugulat, eh halos araw araw yun kung pumunta dito at kung ano ano dinadala para sa'yo."
"Ayos lang po sa inyo tiyang?" Nananantya kong tanong.
"Wala naman akong magagawa kung talagang gusto mo sya. Sino ba naman ako para pigilan ka, baka mag rebelde ka pa kapag kinontra kita." May halong biro na turan niya.
"Grabe ka naman tiyang, di naman po ako ganun no." Napanguso ako sa turan nya pero nakaramdam din ako ng labis na tuwa na hindi galit si tiyang.
"Sa totoo lang mas boto ako kay Pierre kesa kay Geoff, kahit na malaki ang agwat ng edad nyo. Nakikita ko kasi kung paano ka nya alagaan at mukhang seryoso sya sayo." Sinserong sabi ni tiyang.
Napangiti naman ako sa sinabi ni tiyang. Napapansin rin pala ni tiyang kung paano ako alagaan ni Pierre. Halos araw araw nya akong hatid at sundo sa school. Pagkagaling naman nya sa talyer nya ay magbibihis lang sya sa bahay nya at dito na didiretso at laging may dalang kung ano anong pagkain. Tinutulungan din nya ako minsan sa mga research ko.
"Pero paalala lang Nika, desi otso ka pa lang. Mag aral ka muna ng mabuti, yung pag bo-boyfriend i-enjoy mo lang yan pero dapat may limitasyon." Paalala pa ni tiyang. Tumango tango lang ako habang kagat ang labi. May ideya naman ako kung ano ang tinutukoy ni tiyang. "Oh sya, mag asikaso ka na at mag a-alas diyes na, may pasok ka pa. Kumain ka muna bago umalis."
"Opo tiyang." Tinupi ko muna ang bestidang natapos kong gupitan ng sinulid at tumayo na. Nakaka dalawang hakbang pa lang ako ng pumihit ako pabalik at niyakap si tiyang sa likod. Maswerte pa rin ako kahit wala akong ina at nasa abroad naman si tatay, may tiyahin naman akong kahit may pagka bungangera ay di naman matatawaran ang pagiging maalaga sa akin at tumatayong pangalawa kong ina.
"Aysus! Ang lalaki mo na nag papababy ka pa. Dun ka kay Pierre magpababy mukhang willing naman syang i-baby ka." Pang aasar ni tiyang pero hinahaplos haplos ang mga braso kong nakayakap sa kanya.
"Parang naglalambing lang tiyang eh." Nakangusong sagot ko.
"Oh sige na, kumilos ka na at maya maya lang parating na si Pierre." Tinapik tapik pa nya ang mga braso ko. Kumawala naman ako at binigyan ng basang halik sa pisngi si tiyang saka ako kumaripas ng takbo sa hagdan. Narinig ko naman ang pagmumura ni tiyang dahil sa laway kong nakadikit sa pisngi nya. Tatawa tawa akong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Kumuha ako ng faded skinny jeans at pulang floral na short sleeves off shoulder crop top sa kabinet ko. Hinugot ko na rin ang tuwalyang naka sabit sa pinto ng kwarto at bumaba na para maligo.
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...