Pierre
Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at humantong kami sa sitwasyong ito. Ang alam ko lang ay parang may naguudyok sa akin na gawin ang matagal ko ng gustong gawin. Kay hirap pigilin ng sarili, parang habang nagpipigil ako lalo namang tumitindi ang nararamdaman ko. Nakadaragdag pa na malapit lang sya at naamoy ko, nararamdaman ang init ng katawan nya. Kaya para akong lasing na nawala sa huwisyo at ginawa ang matagal ng ninanais.
Ang lambot ng labi nya. Eto na yata ang pinaka malambot na labing natikman ko. Sa kabilang bahagi ng isip ko ay nag aalala ako na baka matakot sya sa ginagawa ko. Pero mas lalo pa akong nahibang ng gumanti sya ng halik, tila tinangay na ng hangin ang natitira ko pang pagtitimpi kaya hinapit ko ang manipis at malambot nyang katawan sa akin. Mas naging mapusok pa ang halik ko sa kanya at naging pangahas ang dila sa paggalugad sa loob ng bibig nya. Batid kong wala pa syang karanasan sa paghalik, kaya may nagdidiwang sa loob ko at mas nimannam ang tamis ng labi nya.
Ang sarap halikan ng inosente pa nyang labi at kay tamis ng laway. May nararamdaman akong nabubuhay sa katawan ko, pinutol ko ang halik bago pa ako layasan ng katinuan. Pinagmasdan ko ang mukhang gabi gabing laman ng aking pantasya at panaginip. Namumula ang mga pisngi nya at basa pa ang labi. Di ko mapigilang pupugugin sya ng halik sa mukha.
Natuwa ako ng tila nagustuhan din nya ang paghalik ko. Nabuhay sa akin ang pag asang baka gusto din nya ako sa kabila ng agwat ng edad namin. Alam ko hindi lang simpleng pagka gusto ang nararamdaman ko sa kanya. Marami na akong babaeng nagustuhan pero di ganito kalalim ang nararamdaman ko.
Nakaawang lang ang labi niya. Alam kong nabigla sya sa sinabi ko. Wala akong maramdamang pagsisisi sa sinabi ko. Ayoko na ring magpigil, gusto ko na ring maging katotohan ang mga pantasya ko sa kanya. At sisimulan ko na yun ngayon. Sana lang may katugon ang nararamdaman ko sa kanya.
"G-Gusto mo ko?" Nanlalaki ang magandang nyang mata na nakatingin sa akin.
Tumango ako at pinatakan ng halik ang nakaawang nyang labi. Hapit ko pa rin sya sa maliit nyang bewang.
"Gusto mo rin ba ako?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at umaasang oo ang isagot nya.
Kinagat nya ang labi nya at tumango ng marahan saka nag iwas ng tingin. Mas lalo pang namula ang pisngi nya pati na rin ang tenga.
Napangiti naman ako sa labis na tuwa at niyakap sya ng mahigpit, pinupupog ng halik ang sentido nya at tuktok ng ulo nya. Ang bango bango talaga nya at ang lambot ng katawan. Naramdaman kong pumintig din ang bagay sa ibaba ko na para bang natutuwa din.
"Hmm..kuya Pierre di ako makahinga!" Tumatawang sabi nya at tinutulak ako sa dibdib. Tumawa na rin ako at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya at pinaulanan ng matutunog na halik ang mukha nya at leeg.
"Sabi ko sayo wag mo na akong tawaging kuya diba?" At mas sinubsob ko ang mukha sa leeg nya na ikina bungisngis nya. Tumutusok kasi ang mga malilit kong balbas sa kanyang balat.
"S-sorry nakalimutan ko..ayy! Tama na nakikiliti na ako!" Tumatawang inilalayo nya ang leeg sa akin.
"Tawagin mo muna ako sa pangalan ko." Kinulong ko sya sa mga bisig ko at mas kinis kis pa ang mga balbas. Ang sarap pakinggan ng tawa nya.
"Oo na! Oo na! Tumigil ka na kuya-- Pierre!" Napatili sya ng kagatin ko ng pino ang balat sa leeg nya.
"Ano yun?" Pinapak kong muli ng halik ang leeg nya. Tumigil na sya sa kakatawa at may munting ungol na namumutawi sa bibig nya.
"A-ang sabi ko tama na..Pierre.." Nag angat ako ng tingin sa kanya. Pulang pula ang mukha nya at kagat na naman nya ang labi nya. Pinatakan ko muli ng halik ang labi nya at tinitigan ang maganda nyang mukha. Inipit ko sa likod ng tenga nya ang ilang takas na buhok.
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomansaSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...