chapter 31

53.9K 917 32
                                    

Nika

"Ma, anong ginagawa nyo dito?"

Nilingon ko si Pierre na naka kunot ang noong nakatingin sa dalawang babae. Ito ang mama nya?

"Dinadalaw ka namin ni Grace anak. Aren't you happy?" Tumayo ang ginang at ang kasama nyang babae. Lumapit sila sa amin at hinalikan ng ginang si Pierre sa pisngi. Tila may kumurot naman sa puso ko ng ang babaeng kasama naman ang humalik sa pisngi ni Pierre at malagkit pa kung makatingin ito.

"Pero hindi ito ang bahay ko Ma." Ani Pierre na kumamot pa sa ulo.

"Ako ang nagpapapunta dito sa sa kanila Pierre. Nakasalubong ko kasi sila kanina at nag tatanong tanong kung saan ang bahay mo. Wala pa naman tao sa bahay mo kaya dito ko na muna sila pinapasok." Nakangiting singit ni tiyang. 

"Ganun ho ba, maraming salamat ho Aling Sabel."

"Mabuti na lang may mabait kang kapitbahay anak." Sabi ng mama nyang nakakapit na sa braso nya. Ang babaeng kasama naman ng ginang ay nakataas ang kilay na nakatingin sa magkahawak naming kamay. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay pasimpleng inirapan ako.

"Ma, tiyahin sya ng girlfriend ko. Meet my girlfriend Nika." Masiglang wika ni Pierre at hinigpitan pa ang hawak sa aking kamay. Kumalabog naman sa kaba ang dibdib ko. Ngumiti ako ng matamis sa ginang.

"H-Hello po.." Nininerbyos na bati ko. Tiningnan naman ako ng ginang na parang ngayon lang nya ako napansin. Pinasadahan pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Narinig ko naman ang pagsinghap ng katabi nyang babae.

"She's your girlfriend? But she looks so young hijo. How old are you hija?" Tanong sa akin ng ginang na matiim na nakatingin sa akin.

"E-Eighteen po ma'am." Ani ko sa nauutal na boses. Nakakanerbyos kasi ang awra ng mama nya para yung kontrabidang nanay sa teleserye.

"What?" Sabay na sabi ng ginang at ng kasama nyang babae. Napakagat labi naman ako at pinisil ang kamay ni Pierre.

"You're only eighteen?! You're too young for my son. Oh my god." Bulalas ng ginang na parang hindi makapaniwala. Hindi ko naman alam kung ano pa ang sasabihin ko. Nilingon ko na lang si Pierre at binigyan ng nagpapasaklolong tingin. Inakbayan naman nya ako at kinabig palapit sa kanya sabay halik sa sentido ko. Nahiya naman ako sa ginawa nya sa harap pa ng kanyang mama na nakaawang lang ang bibig na nakatingin sa amin.

"What's wrong with that ma? Nasa legal na edad na ang eighteen. At legal din kami sa pamilya nya."

"Tama yun Mrs. Rosca. Okay lang sa amin ang relasyon nilang dalawa kahit malaki ang agwat ng edad nila at wala naman kaming problema kay Pierre dahil mabait at responsable kaya botong boto kami sa kanya." Magiliw na sabi pa ni tyang.

"Wala talaga kayong poproblemahin dahil mayaman si Pierre." Halos pabulong na sabat naman ng babaeng katabi ng ginang. Binalingan naman sya ni Pierre at binigyan ng matalim na tingin. Nakuyom ko na lang ang kamao ko.

"Ano yun? May sinasabi ka ba hija?" Tanong ni tiyang sa babae.

"Ang sabi ko ho ang init." Maasim na ngiti nya kay tiyang.

"Ganun ba, pasensya ka na electric fan lang ang meron kami."

Bumuntong hininga si Pierre at bumaling sa akin. "Dalhin ko lang sila mama sa bahay baby. Dito ka muna babalik ako." Paalam nya at hinalikan ako sa noo.

Nagpaalam din sya kay tiyang at inakay na ang ina at ang babae palabas ng bahay. Hinatid ko na lang sila ng tingin. Nakita ko pang humawak yung babae sa braso ni Pierre pero pumiksi sya. Kaano ano kaya ni Pierre ang babaeng yun? Ang sabi nya nag iisa lang syang anak. Bumuntong hininga ako. Iba ang pakiramdam ko sa babaeng yun at ngayon pa lang ay parang may ngumangatngat na sa puso ko. Ang mama naman nya parang hindi ako gusto o guni guni ko lang.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon