Nika
"Geoff!"
Parang nagliwanag ang kapaligiran ko ng makita ko sya. Patakbo akong lumapit sa kanya at nanginginig ang kamay na kumapit sa braso nya.
"Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong nya at kunot noong hinagod ng tingin ang madungis kong kabuuan. Napatiim bagang sya ng magtagal ang paningin nya sa mukha ko partikular sa gilid ng labi ko na may sugat.
"Yung mga kaibigan mo kikidnapin nila ako." Mangiyak ngiyak at walang patumpik tumpik na sumbong ko sa kanya sabay turo sa mga kaibigan nya na nagsisiatrasan na. Nilingon naman nya ang tinuro ko.
"Jun? Mayla? Anong ibig sabihin nito?" Tila naguguluhan na tanong nya sa mga kaibigan.
"I-Iniimbitahan lang naman namin sya Geoff." Sabi ng lalaking tinawag na Jun na may nerbyos na ngiti sa labi. Sumegunda naman ang maga kasama nya. "Pero kung ayaw nya hindi na naman sya pipilitin." Dugtong pa nya na may sinusupil na ngisi sa labi at humakbang paatras. Naalarma naman ako. Niyugyog ko ang braso ni Geoff.
"P-Pinalo nila ako sa ulo. G-Gusto nila along gawan ng masama." Nanginginig ang boses na sabi ko at pinakita sa kanya ang ulo kong may dugo. Medyo nahihilo pa rin ako at makirot ang sugat ko. Sinipat naman nya ito at kinapa.
"Putangna! Anong ginawa nyo kay Nika?" Mura nya sa mga kaibigan. Mabilis naman nag sitakbuhan ang mga kaibigan nya.
"Putangina! Habulin nyo mga pare!" Sigaw nya sa mga lalaki sa bilyaran. Agad namang tumalima ang mga ito at mabilis na hinabol ang mga kaibigan ni Geoff. Akmang makikihabol na rin si Geoff ng pigilan nya ito. Kunot noong lumingon sya sa akin.
"D-Dito ka na lang. Huwag mo ko iwan baka b-balikan nila ako.." Ani ko sa nanginginig pa rin na boses. Bagama't ligtas na ako ay hindi pa rin nababawasan ang takot ko. Pakiramdam ko ay babalikan nila ako kapag wala akong kasama. Lumambot naman ang mukha nya at tumango.
"Dadalhin kita sa ospital para magamot ka."
"Mamaya na. Hintayin natin si tiyang, tinawagan ko na sya."
Bumuntong hininga sya at hindi na nagpumilit. Kumuha sya ng upuan at pinaupo ako. Lumapit naman ang ale at nagmagandang loob na inabutan kami ng malinis na bimpong basa. Kinuha naman ito ni Geoff at pinunasan ang likod ng ulo kong may dugo.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito at bakit gusto kang kunin nila Jun?" Malumanay na tanong nya. Lumunok naman ako at nag angat ng tingin sa kanya. Seryoso ang mukha nyang pinupunasan ang ulo ko, mababanaag din ang pagalala sa mukha nya. Napangiti ako. Medyo humupa na rin ang takot na nararamdaman ko. Wala syang kinalaman sa pinaggagawa ng mga kaibigan nya.
"Pinuntahan kita dito."
"Ano? Bakit mo naman ako pinuntahan dito?" Kunot noong nagbaba sya ng tingin sa akin.
"Gusto kitang kausapin kasi nag alala ako sayo. Nabalitaan ko kasi na tinanggal ka sa basketball team tapos hindi ka na pumapasok sa mga klase mo." Paliwanag ko.
Nagbawi naman sya ng tingin at binalik ang atensyon sa ulo ko.
"Bakit ka naman nag aalala sa akin?" May himig sarkastiko sa tono ng boses nya.
"Syempre kaibigan kita."
Bumuntong hininga naman sya at tumaas ang gilid ng labi.
"Bakit ka nga pala hinahabol nila Jun? At sabi mo kikidnapin ka nila." Tumigas muli ang mukha nya pagkasabi nun.
Para namang bumalik ang takot na naramdaman ko kanina. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari. Napatiim bagang naman sya sa narinig.
"Mga gagong yun! Hindi ko alam na may ganun silang plano sayo. Kung alam ko lang.." Humugot sya ng malalim na hininga. "Nasaan pala ang boyfriend mo? Bakit hindi mo kasama?" Ani nya sa naiinis na boses.
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...