Nika
Pumikit ako ng mariin habang humahagibis ang motorsiklo na sinasakyan namin. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa takot na baka mahulog. First time kong umangkas sa motor kaya ganito na lang aking kaba.
"Open your eyes Nika."
"Ayoko!". Di ko pa rin kayang imulat ang mga mata sa takot. Nakadagdag pa sa takot na nararamdaman ko ang malamig na hanging humahampas sa balat ko.
"Come on! Paano mo maeenjoy ang unang ride ng buhay mo kung nakapikit ka!" Tumawa sya at mas binilisan pa ang pagpatakbo.
"Kyahhh!". Tili ko at mas humigpit pa ang yakap sa kanya. Di ko na alintana kung halos mapiga na ang dibdib ko sa likod nya.
Napamura sya at humagalpak ng tawa.
"Wag mo akong masyadong panggigilan Nika baka di na ako makahinga!".
Di ko sya pinansin at tahimik na umusal ng nagdasal.
Diyos ko po! Sana buhay akong makauwi! Kahit crush ko tong mamang to, sya una kong mumultuhin pag namatay ako!
"Sige na Nika, dilat mo mga mata mo. Di ka magsisisi sa makikita mo." Malamyos na tinig na sabi nya sa akin. Bahagya na ring bumagal ang takbo ng motorsiklo.
Humugot ako ng malalim na hininga at dahan dahang idinilat ang mga mata. Kumurap kurap pa ako sa hanging tumatama sa aking mata. Namulatan ko ang mga nagkikislapang mga ilaw ng iba't ibang establisyemento at gusali sa lungsod. Sa malayuan ay parang mga bituin ang mga ilaw, kay sarap pag masdan.
"Ang ganda..!"
"Sabi ko sa'yo eh." Tatawa tawang sambit nya.
Ine-enjoy ko ang sarili sa magandang tanawin na mararaanan ng aking paningin. Namamamgha ako at nangingiti. Sa araw ay di mo akalaing may ganda palang itinatago ang syudad. Maswerte ako at nasilayan ko ito. Salamat sa gwapong mamang kasama ko na yakap ko ngayon.
Nag init ang mga pisngi ko ng mapagtanto ang ayos namin ngayon. Dikit na dikit ang mga katawan namin at ang mga braso ko ay mahigpit na nakayakap sa bewang nya. Habang ang mukha ko ay nakasandig sa malapad at matigas nyang likod. Nasamyo ko pa ang gamit nyang pabango na nakadikit sa jacket nya. Palihim ko pang sininghot singhot ang jacket nya. Napangiti na lang ako sa kapilyahang ginawa.
"Oh, ang tahimik mo na dyan." Napukaw ako sa kapilyang naiisip ng magsalita sya.
"Ine-enjoy ko lang yung view, ang ganda eh!"
May sinabi syang di ko gaanong naulinigan.
"Ano nga ulit kuya? May sinasabi ka?" Tanong ko sa kanya at bahagyang sinilip ang mukha nya.
"Wala, ang sabi ko maganda ka bingi nga lang!" Binuntutan pa nya ng mapangasar na tawa.
Napasimangot na lang ako at kinurot ang tyan nya. Napa 'aw' naman sya at lalo pang lumakas ang tumawa. Nakakahiya sa kasabayan naming dumaraan, baka akalain may tama sya.
Tawa pa more! Pero shemay, ang tigas ng tiyan! Panigurado may abs to.
Napakagat labi ako sa tumatakbo sa isip ko.
"Kumakain ka ba ng balut?"
"Ha?" Napatangang tanong ko. Balut?
"Balut kako, kung kumakain ka. May bilihan don. Tara kain tayo!". Sabay turo sa madadanan naming bukas na tindahan na may ihaw ihaw.
"Ahh..ok." Tumango na lang ako. Shutacca Nika, wag kang lutang! Mapaghahalataan ka.
Huminto kami sa tapat ng tindahan, may mangilan ngilan na bumibili. Sari saring pagkain ang mga tinitinda.
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
عاطفيةSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...