chapter 12

67.9K 1.1K 28
                                    

Nika

So please understand my situation
I love you but I cannot be with you...

Naririnig ko ng bumanat na si tiyang ng paborito nyang makabagbag damdamin na kanta. Marami rami na ring bisita sa labas, mga kapitbahay namin at ilang kaibigan ni tiyang. Dumating din ang tito at tita ko pati na ang dalawa kong pinsan. Mag a-alas syete na ng gabi, katatapos lang mag blow ni tiyang ng cake na dala ng mga pinsan ko. Nag kainan na ang mga bisita, yung iba naman pagkatapos kumain ay nag inuman at nagkantahan. Nag chat si Pierre na male-late sya ng dating dahil may tatapusin sa talyer. Naiintindihan ko naman dahil trabaho yun. Kaya ginugol ko ang oras sa harap ng salamin sa pag re-retouch at pag aayos ng buhok. Dati naman wala akong pakialam sa itsura sa harap ng ibang tao. Pero syempre, iba na ngayon. May nobyo na ako at kailangan lagi akong maganda sa paningin nya.

Ngingiti ngiting inayos ko ang ilang takas na buhok sa tuktok ko. Messy bun lang ang ginawa ko sa buhok ko at manipis na make up. Isang white floral dress na may slit ang suot ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Jelly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Jelly. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"Ay wow frenny! Ikaw ba ang may birthday? Dinaig mo pa ang celebrant ah!"

"Pamangkin ako ng celebrant kaya dapat di ako papakabog." Nginisihan ko sya sa salamin at naglagay naman ako ng liquid liptint na kulay pink.

"Oh siya tama na yan ineng at lumabas ka na dahil ang fafa Pierre mo nasa labas na at mukhang hinahanap ka." Inirapan nya ako at pumameywang pa.

"Ha? Nandiyan na sya sa labas!?" Tarantang hinarap ko sya.

"Oo kaya lumabas ka na."

"Teka! Ayos lang ba itsura ko? Yung suot ko di ba masagwa? Yung kilay ko pantay ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Dinampot ko ang bote ng paborito kong pabango at nag spray.

"Gaga, maganda ka na kahit di ka mag ayos. Di ka na dapat masyadong nag effort baka labasan agad si Pierre pag nakita istura mo."

"Bunganga mo naman! Baka marinig ka. Di pa nila alam na boyfriend ko sya no." Pinandilatan ko sya ng mata.

"Tayo na kasi sa baba. Kanyang kanta na ako no!" Parang batang pagmamaktol nya.

"Oo na! Tara na." Lumabas kami ng kwarto ko at sinarado ko ang pinto. Mas dinig ko na ngayon ang ingay sa baba. May kumakanta na sintunado ang boses. Pababa kami ng hagdan, may ilang bisitang binabati at pinupuri ang istura ko. Nginingitian ko lng sila at nagpasalamat. Lumakas ang tibok ng puso ko, kung ganon na ako purihin ng ilang bisita, pa'no pa kaya sya. Gusto kong makita kung ano ang reaksyon nya pag nakita ang itsura ko.

Humiwalay na sa akin si Jelly ng tawagin sya ng isa naming kapitbahay. Ginala gala ko naman ang mata ko. May ilang bisita sa loob ng sala, nagmano ako sa tito at tita ko na kausap si tiyang Sabel at ilang kapitbahay namin. Nasaan kaya yung dalawang pinsan ko?  May ilang nakalatag na mesa sa labas ng bakuran namin. May kumakain at umiinom, pati sa labas ng gate namin ay may nagiinuman din. Naagaw naman ng pansin ang isang mahabang mesa na puro lalake ang nakaupo at bidang bida sa kwentuhan ang kuya Bryan ko na katabi si kuya Brent at sa harap naman niya ang kanina pa hinahanap ng mata ko. Eksaktong pag angat nya ng tingin ay nagsalubong ang mga mata namin. Kita ko kung paano nya hagurin ng tingin ang kabuuan ko at ibinalik sa mukha ko. Nag iinit ang pisnging nginitian ko sya na sinuklian naman nya ng matamis na ngiti. Nagbawi sya ng tingin at dinampot ang cellphone sa mesa at kinutingting. Napasimangot naman ako. Tumunog ang cellphone na hawak ko. Nag chat sya.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon