chapter 6

60.7K 1.2K 59
                                    


Pierre

Beep! Beep!

Pinagulong ko paatras ang creeper trolley mula sa ilalim ng 4x4 pick up truck. Tumambad sa akin ang gulong ng isang pamilyar na sasakyan. Bumaba ang front door glass nito at dumungaw ang nakangisi kong kaibigan na nakasuot ng aviator shades.

"Pa change oil pare!". Sabi niya na may malaking ngisi sa mukha.

Tinawag ko ang isa kong tauhan para i-assist si Lex.

Minaniobra na nya ang sasakyan at bumusina pa ng isang beses bago isinakay sa lift. Tumayo ako at tinanggal ang knitted gloves. Nasa loob na ng customer service shop si Lex, prenteng nakaupo sa monoblock habang kinakalikot ang hawak na cellphone.

Pinunasan ko ang mga kamay ng malinis na bimpo. Binuksan ko ang ang bottle cooler at kumuha ng dalawang coke in can. Binigay ko sa kanya ang isa. Hinila ko ang isang monoblock at umupo. Nakaharap ang shop sa highway kaya kita namin ang dumaraan na mga sasakyan.

"May mas malapit naman akong talyer sa condo mo pero dito mo pa talaga naisipan mag pa change oil." Napapailing na tinungga ko ang malamig na incan.

Tumawa sya sabay tungga na rin ng binigay kong incan.

"Syempre namiss kita eh."

"Ang sabihin mo nangangati na naman ang mga paa mo." Mahilig kase lumakwatsa ang kaibigan ko. Kung saan saan nakakarating at kung sino sinong babae ang kasama. Sa bawat destinasyon ay iba't iba ang babae.

Nagkibit balikat sya at nag dekwatro.

"Wala eh, mayaman ako kaya palakwa-lakwatsa na lang." Sabay ngisi ng nakakaloko.

"Tss, mauubos din ang pera mo gago." Nginisihan ko din sya pabalik at inubos ang laman ng incan.

Kahit naman lumakwatsa ito ng buong taon di naman ito maghihirap. Tumutulong ito sa pagpapatakbo ng kumpanya ng pamilya nila at may mataas na position. Bukod doon may sarili na rin pinagkakakitaan ito. Stable na rin ito sa buhay at kung gugustuhin pwede na syang lumagay sa tahimik, ang magkapamilya. Pero gaya ko mukhang wala pa syang balak na lumagay sa tahimik.

"Mukhang maganda ang takbo ng talyer mo ah." Sinuyod nya ng paningin ang kabuuan ng talyer. May kalakihan ito at may anim na lifter na may iba't ibang klase ng sasakyan ang naka angat, mayroon pang ibang sasakyan ang nakapila at naghihintay ng serbisyo nila.

"Pag maganda ang serbisyo babalikbalikan ka ng customer." Sabi ko.

"Tama, parang babae lang. Pag maganda ang performance babalikbalikan ka." Tumawa kaming pareho sa tinuran nya.

"Pero di ka ba talaga nanghinayang na pinakawalan si Kesca? Halos tatlong taon din kayong nagkasama." Hirit pa nya.

"Magkaibigan lang kami."

"Magkaibigan na nagkakangkangan." Dugtong nya sabay tawa.

"Gago." Binato ko sya ng basyo ng incan. Nakailag sya.

"Pero seryoso pare, hindi ka ba talaga nanghihinayang? Akala nga ng mga kaibigan natin kayo magkakatuluyan eh."

Sumandal ako at pinagsalikop ang mga palad sa batok ko.

"Kesca is a fine woman. She deserve to be happy. Kahit pa sa piling ng siraulo nyang ex, kung doon sya liligaya sino ba naman ako para hadlangan sya."

"Wow, selfless yan?" Pang aasar pa nya sabay ngisi.

Di naman ako nagsisisi na pinakawalan si Kesca dahil wala talagang kami. Kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya ay di yun ganoon kalalim. Kaya wala akong makapang pagsisisi sa sarili. Wala pang babaeng nakakapukaw ng interes sa puso ko. Ang babaing magpapatino sa maligalig kong puso. Puro libog lang kasi ang nararamdaman ko sa bawat babaeng matitipuhan ko at ang ending sa kama ang bagsak namin. Kung minsan nagsasawa na rin ako. Di na ako bumabata. Sa susunod na taon ay trenta y dos na ko.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon