chapter 26

55.8K 777 7
                                    

Pierre

Tatlong katok sa pinto ang narinig ko bago bumukas ito. Nag angat ako ng tingin at dumungaw ang mukha ng sekretarya ko.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas."

"Sino daw?"

"Papa nyo daw po. Rafael Rosca."

Saglit akong natigilan at napabuntong hininga. Anong ginagawa nya dito? Hindi na ako nagtaka kung paano nya nalaman ang lugar na to. Tumango tango ako sa sekretarya ko.

"Sige lalabas na ako." Sinalansan ko muna ang mga papel at resibo saka nilagay sa drawer bago tumayo at lumabas.

Nakatayo sya sa loob ng customer service at nakaharap sa salamin at nakatanaw sa labas. Nakasuot ito ng puting polo at brown slacks. Sa edad na sisenta ay matikas pa rin ang tindig nito at bakas ang awtoridad. Parang nakikita ko ang sarili ko pag tumuntong sa ganitong edad. Lumingon sya at nagliwanag ang mukha ng makita ako. Tipid akong ngumiti at kumuha ng bottled water at inabot sa kanya. Pinaupo ko sya pero tumanggi sya kaya nakapamulsa rin akong nakatayo sa harap nya.

"What are you doing here Pa? May ipapagawa ka ba?"

"Wala anaka. Sinadya talaga kita dito. Your mom told me you're here so I drop by." Ngumiti sya at luminga linga sa loob ng customer service na may mangilan ngilang customer. Napakamot ako sa kilay. Ano na naman kaya ang sinabi ni mama sa kanya?
"Mukhang maganda rin ang takbo nitong shop mo anak."

Tumango tango naman ako at nakaramdam ng tuwa sa sinabi nya. "Mag li-limang buwan pa lang ito Pa. Kaya nga mas tutok muna ako dito."

Humarap sya sa akin at nakangiting tinapik tapik ako sa balikat. May kislap ng tuwa at pagmamalaki sa kanyang mga mata.

"I'm so proud of you son. Always.."

"Thanks Pa." Sinsero akong ngumiti sa kanya.

"Pero.. Hindi na ba magbabago ang isip mo anak?"

Napabuntong hininga ako at napakamot muli sa kilay. Sinasabi ko na nga ba't dito rin mauuwi ang usapan namin.

"Pa, napagusapan na natin yan di ba?" Mahinahong sabi ko. "Kinausap ka na naman ba ni mama tungkol dyan?"

Sinuksok nya isang kamay sa bulsa at diretsong tiningnan ako sa mata. "Anak, kahit hindi ako kausapin ng mama mo yun din ang nais ko."

"Pa, kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon at masaya ako."

"You are my first born child Pierre. Hindi man kami kasal ng mama mo dala dala mo pa rin ang apelido ko at may karapatan ka sa lahat ng meron ako."

"But.."

"Think about it son." Pinal na sabi nya at muling tinapik ang balikat ko. Tumango tango na lang ako para hindi na humaba ang diskusyon. 

Noong bata pa ako magkasundo kami ni Papa sa lahat ng bagay at suportado nya ako sa lahat ng gagawin ko. Mas magkasundo pa kami kesa kay mama. Bahagyang lumayo lang ang loob ko ng malamang may pamilya na syang iba. At ayaw din sa amin ni mama ng pamilya nya. Kaya ng makapagtapos ako ay hindi ko na tinanggap ang anumang tulong mula sa kanya at nagsumikap para sa amin ni mama.

Nilibot ko sya sa loob ng talyer. Gaya ko mahilig din sya sa mga sasakyan at maalam din sa pagkukumpuni. Pangarap din nya noon ang magkaroon ng talyer na labis namang tinutulan ni lolo dahil gusto nitong mag focus sya sa pamamahala ng kumpanya.  At labis daw syang natutuwa sa akin at ipinagmamalaki ako dahil parang tinupad ko na rin ang pangarap nya.

Parehas kaming natigilan ng tumunog ang cellphone ko. Hinugot ko ito sa loob ng bulsa at kunot noong tiningnan ang hindi kilalang numero. Sinagot ko ito.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon