END

95.8K 1.8K 364
                                    

5 years later...

Pierre

"Toby anak!" Tawag ko sa tatlong taong gulang kong anak na lalaki. Agad ko syang binuhat mula sa lupa at pinagpag ang maruruming kamay.

"Daddy gawa ato sand castle." Sabi nya sa inosenteng mukha.

"Hindi naman sand yan anak, lupa yan. Dirty yan eh." Nilapag ko sya sa upuang kahoy at pinunasan ang kanyang kamay ng bitbit kong puting bimpo. Napapalatak pa ako ng makitang may nakasiksik pang lupa sa mga kuko nya.

"Anak ka talaga ng.."

"Puta?"

Napaawang ang labi ko sa salitang namutawi sa labi ng bunso kong anak na tila ba ito ang unang salitang binigkas nya.

"Toby bad word yan, don't say that again. Lalo na sa harap ni mommy okay? Kundi magagalit si mommy." Pangaral ko sa kanya.

"Gagalit po ti mommy tayo?"

"Hindi, sa ating dalawa."

"Hindi po gagalit shakin ti mommy kate baby pa ato eh."

"Oo na, sakin magagalit si mommy kaya good boy ka na ha?"  Kakamot kamot sa ulong sabi ko sa kanya. Tumango tango naman sya at may inosenteng ngiti sa labi.

Binuhat ko na sya papasok sa bahay para paliguan na rin at matanggal ang mga lupa lupa na nakakapit sa kanyang katawan. Susunduin pa namin si Nika at ang panganay na anak kong babae sa eskwelahang pinagtuturuan nya. Isa na kasi syang ganap na guro at isang taon na rin syang nagtuturo sa elementarya. Ang anak ko namang babae ay nasa kinder 2 na.

Sa loob ng limang taon ay marami na rin ang nangyari pero ang pagsasama namin ni Nika ay mas tumibay pa. May nga pagkakataong hindi kami nagkakaintindihan o nagkakatampuhan pero hindi kami natutulog ng hindi nagkakaayos. Mas madalas kasi akong magselos lalo na nung bumalik sya sa pag aaral. Kahit may asawa at anak na sya marami pa ring nagpapalipad hangin sa kanya. Kaya ayun, binuntis ko ulit sya. At heto nga dalawa na ang anak namin at balak ko pang dagdagan.

"Daddy lapit na po tayo sha ishcool?" Tanong ng makulit kong anak na nakaupo sa baby car seat nya sa likod.

"Yes po, kaya stay put ka lang dyan ha." Malumanay na sabi ko, tumango tango naman sya. Napangiti na lang ako. Minsan kasi nakakaubos din ng lakas ang kakulitan nya. Kung ano ang ikinabait ng panganay kong babae sya namang ikinakulit nya.

Ilang minuto pa ay nasa harapan na kami ng gate ng eskwelahan. Marami na ring mga bata ang lumalabas at sinusundo ng mga magulang nila. Bumaba ako ng kotse at binuksan ang likurang pintuan para ibaba ang aking makulit na anak. Naghintay kami sa waiting area sa gilid ng gate. Limang minuto pa at lalabas na ang mag ina ko.  Ang makulit ko namang bunso ay bibong bibong nakikipag ngitian sa mga taong dumadaan. Mabuti na lang hindi sya usugin.

"Daddy kita ko na ti mommy at ti ate!" Masayang tumalon at pumalakpak pa siya habang tinuturo ang mag ina kong papalapit sa direksyon namin. Tumayo ako at hinawakan ko sya sa kamay dahil baka biglang tumakbo.

Nakangiti lang akong pinagmamasdan ang aking mag ina. Wala pa ring pinagbago kay Nika maliban sa nag mature lang sya ng kaunti pero magandang maganda pa rin. At mas lalong humubog pa ang katawan nya na gabi gabi akong binabaliw, aakalain mong hindi sya nanganak.

Ilang hakbang na lang ay tumakbo na ang panganay kong babae na si Nicolette. Niyakap nya muna ang kapatid at hinalikan sa pisngi bago ako.

"How's school baby girl?" Malambing kong tanong sa kanya at hinalikan sya sa noo. Kamukhang kamukha ito ni Nika. Parang mini version nya. Lahat na yata nakuha nya kay Nika maliban lang sa medyo kulot nyang buhok na nakuha sa akin.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon