Nika
Mahimbing ang tulog ko kagabi dahil na rin nasa tabi ko si Pierre at binantayan ako hanggang sa makatulog. Nagising ako bandang alas otso na ng umaga at naabutan sya sa ibaba na nagluluto ng almusal. Hindi muna daw sya papasok sa talyer para maalagaan ako. Si tiyang naman ay pumunta ng presinto kasama si tiyong Gabo para pormal na magsampa ng kaso. Pinasabihan din ako ni tiyang na wag munang pumasok at magpahinga muna. Yun din naman ang balak ko, ang hindi muna pumasok. Makiki text na lang ako mamaya kay Pierre. Malamang balita na rin sa school ang nangyari. Parang hindi ko pa kayang lumabas, may takot pa rin akong nararamdaman. Hindi ko akalaing mararanasan ko ang ganoong karahasan na sa mga balita ko lang napapanood. At sa mga tao pang araw araw mo nakikita at nakakasama sa loob ng eskwelahan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa nangyari sa akin kahapon. Parang isang masamang panaginip lang ang lahat, kundi lang sa sugat ko sa ulo na syang patunay na totoo ang lahat. Humugot ako ng malalim na hininga.
"Ayos ka lang baby?"
Lumapit sa akin si Pierre at nilapag sa harap ko ang plato ng sinangag at tapa na may itlog at isang basong gatas. Hinalikan nya ako sa bumbunan at tumabi sa akin. Nilingon ko sya at nginitian.
"Kumain ka na para makainom ka ng gamot tapos mamaya lilinisin ko yang sugat mo at papalitan ng gasa." Banayad na sabi nya.
Tumango ako at dinampot ang kutsara't tinidor saka inumpisahang kumain. Pinapanood lang nya akong kumain.
"Eh ikaw, kumain ka na ba?" Tanong ko. Umiling naman sya. Tumayo ako at dumiretso sa pamingganan at kumuha ng plato, kutsara't tinidor. Bumalik ako sa lamesa at nilapag ang kinuhang plato sa harapan nya at sinandukan ng sinangag. Nakatingin lang sya sa akin at may aliw na kislap ang kanyang mga mata. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Kumain ka na rin po. Paano mo ko maalagaan kung hindi mo rin inaalagaan ang sarili mo." May himig panernermon na sabi ko. Mahina naman syang tumawa at nagumpisa na ring kumain. Lihim na lang akong napangiti.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Nagpresinta pa syang paliguan ako para daw hindi ko masagi ang aking sugat. Nagdududa ko naman syang tiningnan dahil may iba pa akong nababasa sa kislap ng mga mata nya. Tumanggi ako dahil baka hindi lang ligo ang gawin sa akin ni Pierre at maabutan pa kami ni tiyang. Hindi naman sya nagpumilit at kumamot na lang ng ulo. Nginisihan ko na lang sya. Alam kong gusto nyang umisa, gusto ko rin naman pero baka maabutan kami ni tiyang.
Kita ko ang mukha nya sa salamin na seryosong nilinisan ang sugat ko sa ulo. Maingat ang bawat nyang galaw. Napapangiwi ako kapag hindi sinasadyang nadidiinan nya ng bulak ang tahi ng sugat. Ginupit din nya ang ilang buhok sa anit ko para hindi dumikit sa sugat. Pagkatapos nya itong linisan ay nilagyan nya ng panibagong gasa.
Nasa sala ako habang hawak ko ang cellphone ni Pierre. Sabi nya ibibili daw nya ako ng bagong cellphone. Sabi ko wag na at kaya ko namang bumili. Tinaasan lang nya ako ng kilay. Lumabas sya saglit at pumunta sa bahay nya para maligo. Hindi pa pala sya nakakauwi sa bahay simula ng dumating sya galing Maynila kahapon. Binuksan ko ang social media account ko. Tama nga ako, kalat na sa buong school ang nangyari kagabi. Sabog din ang notifications ko pati na rin inbox galing sa mga kaklase ko at mga prof. Nangungumusta sila kung ok lang ba ako. Nag post naman ako tungkol sa aking kalagayan na ayos na ako. Wala pang isang segundo ay may mga nagreact na at nag comment.
"Frenny!"
Nag angat ako ng tingin ng humahangos na pumasok si Jelly. Naka uniporme na sya. Mukhang dumaan muna sya sa bahay bago papasok.
"Omg! So totoo nga!" Nanlalaki ang matang lumapit sya sa akin at tiningnan pa ang gasa ko sa ulo. Tumango tango lang ako sa kanya. Umupo naman sya tabi ko habang iniinspeksyon ang ibang parte ng katawan ko kung may sugat pa.
BINABASA MO ANG
[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na Mekaniko
RomanceSi Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng mat...