chapter 16

70.5K 1K 30
                                    


Nika

Kunot noong binalingan ko ang lalaking syang dahilan kung bakit masakit ang pepe ko. Nakataas ang kilay na pinagmamasdan ako at ang kislap ng mga mata nya ay tila naaaliw sa reaskyon ng mukha ko.

"Bakit may ganito?" Tinaas ko ang maliit na box para ipakita sa kanya. Alam ko naman kung para saan yun. Nakakabigla lang dahil bumili sya nun.

"Para hindi ka mabuntis kapag ginawa ulit natin yun." Parang wala lang na sabi nya, hinalik halikan pa ang pisngi ko. Ang hilig manghalik ng mama! 

Kumagat labi ako at iniisip ang sinabi nya. Binilhan nya ako ng pills dahil ayaw nyang mabuntis ako, at ang panigurado mag sesex ulit kami. Kinagat ko ang labi, siguradong pulang pula na ngayon ang mukha ko. At sa iisiping mauulit ulit yun ay parang nakaramdam ako ng kasabikan. Hoy Nika! Wag kang malibog, masakit pa ang pepe mo! Kastigo ng utak ko. Iniling iling ko ang ulo.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Ha?"

"Ayaw mong magpills? Ayaw mong ulitin natin yun?" Paos ang boses na sunod sunod na tanong nya, nakakunot pa ang noo nya at mababakas ang pagkabahala sa mukha nya.

"H-Hindi, nabigla lang ako." Sabi ko. Binalik ko sa maliit na plastik ang maliit na box at kumuha ng isang tableta ng pain reliever. Binuksan naman nya ang bote ng inumin at binigay sa akin. Pinapanood lang nya ako habang iniinom ang tableta.

"I'm sorry kung nabigla ka Nika. Alam kong masyadong mabilis ang pangyayari sa ating dalawa.. pero seryoso ako sayo." Pabulong nyang sabi malapit sa tenga ko. Nakakakilabot ang dating ng boses nya, malaki at parang laging paos, parang nang aakit. Parang lumukso naman ang puso ko sa tuwa dahil sa sinabi nya. Kahit ako din naman ay nabibilisan din sa pangyayari, pero gusto ko naman iyon at wala akong pagsisisi.

Napaigtad ako ng magsimula na naman syang halik halikan ang pisngi ko pababa sa leeg. Napakagat labi ako para pigilan ang pagalpas ng munting ungol. Nakakainit ang mga halik nya at my hatid ding kiliti.

"Bakit ba ang hilig mong halik?" Bumubungisngis ng sabi ko, nakikiliti kasi ako sa balbas nyang tumutusok sa leeg ko. Ang isang kamay naman nya panay ang himas sa hita ko.

"Hmm..ang sarap sarap mo kasing halikan at saka ang bango bango mo mmmp.." Pinupupog nya ako ng halik sa buong mukha at leeg, habang ang isang braso nyang nakapulupot sa bewang ko ay mas hinigpitan pa ang yakap. "Ang lambot lambot mo pa..para kang baby, ang sarap mong panggigilan mm.." Parang adik na sininghot singhot pa nya ang leeg ko. Natatawa naman ako sa ginagawa nya.

"Baby pa naman talaga ako kumpara sayo no.." Tumatawang sabi ko. Nag angat naman sya ng tingin sa akin at nakataas ang kilay.

"Sinasabi mo bang matanda ako."

"Hindi, sinasabi ko lang na mas matanda ka sa akin." Sabay tawa ko. Kiniliti naman nya ako sa tagiliran na ikinatawa ko ng malakas.

"Alam ko yon baby, wag mo nang ipangalandakan at wala rin akong pakialam. Ayaw mo nun may jowa ka na may daddy ka pa." Nakangising sabi nya sabay kagat sa punong tenga ko na ikinaigtad ko.

"Ang landi nyo po manong." Irap ko sa kanya na ikinatawa nya lang.

"Sayo lang naman po ako lalandi." Sabay kindat nya at pinanggigilan na naman ang pisngi ko. Ewan ko, pero kinilig ako sa sinabi nyang sa akin lang sya lalandi.

Sabay kaming natigilan ng makarinig ng mga boses sa labas. Si tiyang! Agad akong umalis sa kandungan nya at lumayo ng upo  kaunti. Wala na syang nagawa kundi tingnan lang ako at bumuntong hininga.

"Pasok ka muna Geoff." Narinig ko ang boses ni tiyang. Pagpasok nya ng pinto ay kasunod nya si Geoff na bitbit ang dalawang malaking plastik bags na may lamang tela. Tumayo naman si Pierre at walang kahirap hirap na kinuha ang dalawang plastic bags sa kamay ni Geoff. Nagulat naman si Geoff at salubong ang kilay at matalim na tiningnan si Pierre. Si tiyang naman ay ngayon lang napansin ang presensya niya.

[ The Bachelors Downfall Series #1] Ang Hot Na MekanikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon