Chapter 12. Frienship Over?

292 6 0
                                    

Nandito ngayon sa condo ko si Sir Shawn at may dalang bouquet ng bulaklak. Nakakakilig lang kasi dinalhan niya pa ako ng food na masasarap. Ang sabi niya pa siya ang nagluto nito, ang galing niya palang magluto ng kalderita, this is my favorite.
Nang matapos naming kumain ay umupo kami sa sofa habang umiinom ng wine.
Napag-usapan namin ang nangyari noong gabing una kaming nagkita.
"Alam mo hindi ko nga inexpect na magkikita pa tayong dalawa Shawn, hiyang-hiya ako sa iyo ng makita sa opisina noon. Gusto kong malusaw na parang kandila ng mga panahon na iyon," tumatawang sabi ko.
"Ako din kaya, nagulat nga ako na ikaw pala ay Sekretarya ng Dadd ko. Pero okay na rin dahil hindi na kita kailangang hanapin pa," ani ni Shawn.
"So? Kapag hindi mo pala ako nakita may plano kang hanapin ako?!" nakakunot-noo kong tanong habang nakangiti.
Tumango naman siya sa akin at ngumiti. Ayan na naman ang mga ngiti niyang nakakaakit, parang nilalaro ang tinggil ko kapag nakikita ko siyang nakangiti.
Magkatabi kaming nakaupo sa may sofa. Inilapat niya ang kanyang kamay sa legs ko. Nagsitayuan ang aking mga balahibo nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad.
Huminga ako ng malalim, medyo may tama na rin ako sa kakainom ng wine. Iba din 'tong wine na dala niya nakakalasing.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha mo. Ang init ng kanyang hininga at ang bango. Hinawakan niya ang aking beywang at idinikit ang katawan ko sa katawan niya.
"S-shawn!" mariin kong sambit sa pangalan niya habang pinipisil ang kanyang mga muscle. "Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Sana hindi mo ako sasaktan, maipapangako mo ba sa akin iyon?!" pabulong ko na sabi sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "Hindi ako nagsasayang ng oras sa taong hindi mahalaga sa akin. Kaya ito ang tatandaan mo, wala ako dito ngayon kung may plano akong saktan ka. I'm a good guy, at wala akong gagawin para saktan ka," aniya.
Napangiti naman ako sa sagot niya. Inilapat niya ang kanyang labi sa labi ko. Narinig kong biglang bumukas ang pintuan kaya inayos ko ang aking pagkakaupo. Si Shanella, at nakasuot ito ng sexy na damit.
"Hi! Nakaistorbo ba ako?!" tanong nito.
Inirapan ko lang siya at tumungga ng wine sa baso ko.
"Sir Shawn, nandito po pala kayo! Anong ginagawa niyo rito? Nanliligaw ka po ba kay Erin?" sunod-sunod niyang tanong.
"Wala namang masama kung liligawan ko si Erin hindi ba?!" ani naman ni Shawn.
Ngumiti lang si Shanella at umupo sa tabi ko. Napaka panira moment talaga itong babae na 'to. Nakakagigil, ilang beses ko na siyang sinenyasan na lumabas pero hindi tumatalab sa kanya. Palagi kong nahuhuli si Shanella na nakatitig kay Shawn, makikita ko sa mata nito na may pagnanasa siya.
Nagpaalam ako sa kanila na pumunta ng banyo. Umihi ako at naghilamos ng aking mukha. Mga after five minutes bago ako nakalabas.
Pagkabalik ko magkatabi na si Shawn at si Shanella at naabutan ko sila na seryosong nag-uusap. Nakita ko rin na namumula ang mga mata ni Shanella.
"May problema ba?!" tanong ko. Halata king umiyak si Shanella.
"Wala! I have to go!" ani ni Shawn at umalis.
Pabagsak na umupo si Shanella sa may sofa.
"Ano ba ang nangyari? Bakit umalis si Shawn? Ano ba ang pinag-usapan niyo?!" sunod-sunod ko naman na tanong sa kanya.
Kakarating lang ni Shanella at nang dahil sa pagdating niya umalis si Shawn.
Hindi siya sumagot at sinabunutan niya ang kanyang sarili.
"Shanella, tinatanong kita. Ano ba ang nangyari?!" tanong ko ulit.
"Gusto mo talagang malaman, ha, Erin? Gusto ko si Sir Shawn, hindi lang basta gusto mahal ko na siya!" aniya
"A-ano?!" Halos wala na aking masabi sa narinig ko mula sa kanya. Paano pa kaya kung malaman niyang si Sir Shawn ang naka virginize sa akin.
"Oo Erin, at nagagalit ako sa iyo dahil lahat ng gusto ko ikaw ang gusto! Bwesit ka talaga!" Itinulak niya ako ng malakas kaya natumba ako sa sahig.
"Shanella!" sambit ko lang sa pangalan niya.
"Alam ko na mahal mo din si Sir Shawn, pero hindi ako magpapatalo sa iyo. Lahat ng gusto ko kinukuha ko sa kahit na anong dahilan at alam mo iyon! Magiging akin si Sir Shawn, at ikaw? Maiiwan kang luhaan, tandaan mo 'yan!" mariin niyang sabi sabay labas ng room ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Kaibigan ko siya at paano niya nagawang pagsabihan ako ng ganyan?
Hindi ako sanay na hindi kami okay ni Shanella at hindi ako sanay na masama ang loob niya sa akin. Tumayo ako at mabilis ko siyang hinabol.
"Shanella! Shanella!" tawag ko sa pangalan niya.
"Ano?!" galit nitong sabi.
"Huwag naman tayong mag-away dahil lang dito. Mahaba ang pinagsamahan natin at hindi ko hahayaan na masira lang iyon dahil kay Shawn," sabi ko sa kanya.
Hinawakan ko siya sa kamay. "Bes, huwag ka nang magalit sa akin, please!" ssabi ko.
"Gusto mo na hindi ako magalit sa iyo? Layuan mo si Shawn, layuan mo ang lalaking mahal na mahal ko!" aniya.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Masakit niya akong tinitigan.
"Bakit si Shawn pa? Marami ka namang lalaki hindi ba? Mahal ko na si Shawn, ngayon lang ako nagmahal ng ganito kaya hindi ko na kayang mawala siya sa akin!" sabi ko naman at umiiyak sa kanyang harapan.
"Minahal mo lang siya dahil nagsesex kayo! Gusto ko din maexperience na hawakan ang pagkalalake niyang malaki at maipasok niya iyon sa akin. Bakit ba ang damot mo Erin?!" aniya.
Napatingin naman ako sa kanya. "You want him for a sex?! Ako Shanella mahal ko siya at hindi sa dahil nagsesex kami. Mahal ko talaga siya, iwan ko kung paano nangyari. Hindi ko alam kung paano nagrow ang feelings ko para sa kanya basta kusa ko lang naramdaman. Please, huwag mo ng pag-interesan si Shawn," pakiusap ko sa kanya.
Tumawa lang siya sa sinabi ko sabay tabig niya sa kamay ko.
"Kung ganoon, kalimutan na natin na magkaibigan tayo!" aniya at tumakbo.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon