Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Sir Shawn papunta sa kanilang bahay. Iwan ko nga kung anong meron pero basta bigla niya nalang akong niyaya. Nahihiya nga sana aking sumama pero dahil sa makulit siya ay wala na akong nagawa.
"Shawn, ano kaya ang sasabihin ng Daddy mo kung makita niya ako? Naku, nakkahiya naman!" sabi ko.
"Huwag kang mag-alala ako na ang bahala. Tsaka baka nga matutuwa pa iyon no? Alam mo naman sa lahat ng mga empleyado niya sa opisina ikaw ang paborito niya," ani naman ni Shawn sa akin.
Hindi na ako umimik pa. Makalipas ang ilang minuto ah nakarating na kami sa bahay nila. Maganda, malapad at sobrang galing ata ng engineer nito. Grabi ang mga style sa bahay nila sobrang ganda. Pangarap ko din magkaroon ng ganitong bahay balang araw kung makakapagpatayo na ako ng sarili kong negosyo.
"Come on, let's go inside!" ani ni Shawn sabay lahad ng kanyang mga kamay sa akin. He hold my handa habang papasok sa loob ng kanilang bahay.
"Shawn!" Isang malakas na boses ang aking narinig na namula sa itaas. Alam ko kung kaninong boses iyon, kay Sir Ricardo. "Ano iting naririnig ko na malulugi---" Napatigil siya na magsalita ng makita niya ako. "Erin? Bakit ka panarito?!" nakakunot-noong tanong niya sa akin.
"H-ha?! K-kasi p-po---" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nahihiya talaga ako kay Sir lalong-lalo na at wala ito sa mood ngayon.
"I ask her to come with me Dad. Wala namang masama hindi ba?!" ani naman ni Sir.
"Ahmmm...wala naman. Look, i'm sorry Erin kung narinig mo akong mataas ang boses. But Shawn, i'm so dissappointed! Nababalita na tayo sa medya na humaba ang sales natin. Hindi lang iyon kundi dahil malapit na tayong malugi! Ayaw ko na mangyari ulit sa Kompanya natin ang nangyari noon sa isa nating Kompanya. Nagsikap ako para makatayo ng bagong negsoyo tapos ito lang ang mangyayari?! Common, Shawn!" ani ni Sir Ricardo.
"Dad, i did my best. Inaasikaso ko naman ng maayos ang Kompanya natin. And that's why Erin is here because she wants to show you something," ani ni Shawn. Napabaling naman ng tingin aa akin si Sir Ricardo.
"What is it Erin?" tanong nito. Kinuha ko sa aking bag ang sabon at ipinakita sa kanya. "Ito po Sir, sana magustuhan niyo po!" Ngumiti ako sa kanya ng malapad. Nakita ko naman na biglang nagningning ang kanyang mga mata. Ganito din ang ekspresyon ni Shawn ng ipinakita ko ang sabon.
"Who made this? Sobrang bango! Gusto king makilala ang gumawa nito Erin, i want to ask him/ her na maging partner ko sa business. Sagot ko na ang financial," ani ni Sir.
Napakamot ako sa aking ulo. "Sir, ako po ang gumawa niyan!" nakayukong sabi ko.
"W-what?! Really? Oh no! May talent ka pala sa ganito?!" Hinawakan niya ako sa kamay at pinaupo sa lamesa. Tinawag niya ang kanilang katulong at inutusan na maghanda ng pagkain.
"Opo, actually tinry ko lang po naman. Mabango daw sabi ni Sir Shawn," sabi ko sa kanya. Ayaw ko din naman magmayabang sa harap ni Sir Ricardo dahil baka mamaya masabihan pa iya akong mayabang at hambog.
"Erin i really like it! Ang ganda ng sabon na ito feeling ko. Sa bango palang nito tiyak na maakit na ang ating mga costumer kung gusto mong makipag collab sa akin pagdating sa negosyo," ani ni Sir. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nagsasalita. Alam ko na sobrang excited siya sa sabon na dala ko. Pero sa totoo lang napaka effective naman talaga ng sabon na ito. Kaya nga pinapatay sina Mama at Papa dahil sa inggit ng may-ari ng Komoanyang tinatrabahuhan nila. Gusto pa nilang angkinin ang mga gawa ng magulang ko kaya ayun tuloy nalugi sila. Ganoon talaga kapag bad, nakakarma.
"T-talaga po Sir? Sa isang katulad ko? Makikipag partnership kayo sa akin?" Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sobrang maselan si Sir Ricardo pagdating sa negosyo kaya nakakagulat na magtitiwala siya sa akin.
"Erin, seryoso ako. Ikaw ang magpoprovide ng products at ako na ang bahala sa financial. Nakikita ko naman na maayos ang samahan niyo ni Shawn kaya hindi ako nag-aalala," ani nito.
Kung iisipin napaka swerte ko na kung ganoon. Ang problema nga lang kailangan ko ng machine para mas lalong mapabilis ang gawa. Hidni ko maaring imano-mano lang iyon dahil hindi ko kakayanin.
"Pero Sir, kailangan po kasing may machine iyon para mapabilis ang paggawa ko," sabi ko. "Mahihirapan kasi ako kapag wala aking katulong," sabi ko naman.
"Si Shawn, turuan mo siya kung paano gumawa ng sa ganon ay may kasama ka!" aniya.
Iyon naman ang hindi maari. Ipinagbilinan talaga ako ni Inay noon na hindi ko pweding ipaalam sa iba ang tamang proseso. Dapat ako lang ang gagawa non kaya hindi pwedi.
"Pasensiya na po Sir Ricardo pero hindi po talaga pwedi--"
Inakbayan ako ni Shawn. "Dad, it's okay. Hayaan nalang natin si Erin na magdesisyon kung gusto niya akong turuan o hindi. Let's respect her dicision," ani ni Shawn. Ay, nakakakilig naman talaga. Napaka maintindihin niya.
"Ah, okay! Simula ngayon ay magpapatayo tayo ng negosyo natin Erin. Welcome to the club, makakaasa ka sa akin na sasabay tayong aasenso at magtulungan tayo!" sabi sa akin ni Sir Ricardo.
"May tiwala naman po ako sa inyo Sir. Matagal na po akong nagtatrabaho sa inyo kaya alam ko ping mabait kayo," sabi ko naman.
Ngumiti kang si Sir Ricardo sa akin. Hiningi niya sa akin ang tatlong sample ng sabon na iyon at dinala sa kanyang kwarto. Ang sabi pa niya ay gagamitin niya iyon dahil maliligo siya.
Naiwan kami ni Shawn na nagtitinginan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sa wakas matutupad ko na rin ang pangarap ko na magbebenta ako ng sabon na ako mismo ang gumawa. Mabuti nalang at mabait ang mga amo kaya nabigyan nila ako ng pagkakataon. Kapag may machine na iyon siguro makagawa ako ng 50 piraso kada araw. Hindi na iyon masama dahil mag-isa lang naman ako.
Niyakap ako ni Sir Shawn ng mahigpit. Nabigla naman ako sa ginawa niya dahil baka makita ni Sir Ricardo.
"Ano ba! Bitawan mo ako!" sabi ko sa kanya.
"Hmmm. Thank you for everthing Erin." Kiniss niya ako sa labi at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Lust
RomanceWARNING‼️ READ AT YOUR OWN RISK! ANG ISTORYANG ITO AY MAY MGA KATAGANG SOBRANG SENSITIBO.