CHAPTER 26

186 4 0
                                    

Hindi ako mapakali sa aking nakita sa bahay nina Shawn. Ano ang connection ng mga magulang ko kay Sir Ricardo? Bakit sila may litrato? Naisipan kong buksan ang baol kung saan tinatago nina Papa ang kanilang mga gamit bago sila namatay. Sana hindi maging tama ang hinala ko! Sana walang kinalaman ang magulang ni Shawn sa pagkawala ng mga magulang ko. Dahil hindi ko kakayanin kapag may natuklasan akong hindi maganda. Mahal ko na si Shawn at hindi ko rin siyang kayang mawala sa buhay ko. Wala akong mapagpipilian.
Dahan-dahan kong itinaas ang takip ng baol. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Kinuha ko ang album nina Mama at Papa tapos tiningnan ang lahat ng mga litrato na nandoon. Simula nang mamatay sila ay hindi ako nagsayang ng panahon na mabuksan ang baol na iyon dahip sumasakit lang ang aking puso.
Isang litrato ang kumuha sa atensiyon ki. Kinuha ko iyon at tinitigan ng husto. Ito din ay kagaya sa litratong nakita ko sa bahay nina Sir Ricardo. Napaluha ako, kilala nga ni Sir Ricardo ang mga magulang ko.
Sakto naman na tumunog ang aking telepono. Agad kong sinagot iyon dahil nakita ko ang pangalan ni Shawn na nakadisplay sa screen ng cellphone ko. Alam kaya ni Shawn ito?
"H-hello!" nauutal kong sagot.
"Erin, i'm on my way to your home. Maghanda kana at may lunch tayo sa labas," aniya.
Bakas sa boses ni Shawn ang saya habang sinasabi iyon.
Pinunasan ko ang aking mga luha. "S-sige," tipid ko lang na sagot. Magsasalita pa sana siya pero binabaan ko na siya ng telepono. Napatakip nalang ako sa aking bibig habang humahagulgol sa iyak. Hindi ako maaring magkamali. Si Sir Ricardo ang boss nina Mama at Papa noon at maaring siya ang may pakana kaya namatay ang mga magulang ko.
Agad akong nagtungo sa aking closet at nagsuot ng aking damit. Lumabas na ako sa condo para doon nalang hintayin si Shawn. Nakita ko naman si Shanella na papalapit sa kinaroroonan ko kaya kaagad ko siyang niyakap na walang pasabi.
"Bess!" Humagulgol ako sa iyak. Alam ko na siya nalang ang taong makakaramay ko sa ngayon. Siya ang mas nakakaintindi sa akin. Kahit na may samaan pa kami ng loob ay hindi nito katutumba ang oagiging nagkakaibigan namin.
"Let me go!" malamig niyang sabi at itinulak niya ako kaya nadapa ako sa sahig.
"Shanella, i need you! Gusto ko ng kausap at alam ko na ikaw lang ang makakaintindi sa akin!" sabi ko naman sa kanya.
Napabuntong hininga siya. "Erin, layuan mo na ako pwedi ba? Kalimutan mo na ang pagkakaibigan natin?!" galit nito sa sabi.
Nakahiga pa rin ako sa sahig habang humahagulgol sa iyak.
"Shanella, ganoon lang ba kadali sa iyo ang lahat? Ilang taon tayong nagsama pero hindi mo kayang pagbigyan ang hinihiling ko sa iyo? Alam mo naman na ngayon lang ako nagmahal kaya hindi ko kayang makihati sa iyo kay Shawn! Ikakamatay ko kung mawawala siya sa akin!" sabi ko sa kanya.
"Ganoon naman pala eh." Tumawa siya ng napaka lakas. "Sa tingin mo ba gusto ka talaga ni Shawn? Hindi mo ba naisip na baka ka niya pinatulan ay dahil may gusto lang siyang makuha sa iyo? O di kaya kailangan kalang niya?!" aniya.
"Shanell!" sambit ko lang sa pangalan niya.
Tinadyakan niya ako sa tiyan at dinuraan sabay alis.
Wala na akong nagawa pa kundi tumayo at pinunasan ang aking mga luha. Maya-maya pa ay namataan ko si Shawn na papalapit sa akin habang nakangiti.
"Hello, darling!" Kiniss niya ako sa lips.
Pinilit ko na ngumiti sa kanya at hinawakan niya ako sa kamay.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan at nagsimula ng magmaneho.
Tahimik lang ako habang nagmamasid sa labas ng sasakyan. Nakikita ko si Shawn na pasulyap sulyap sa akin sa may side mirror.
"May problema ba?! Parang nahahalata ko na wala ka sa mood!"  aniya.
Hindi lang ako sumagot sa kanya at sa labas parin nakatingin.
"Erin!" tawag niya sa pangalan ko.
"H-huh?!"
"Ang sabi ko ano ang iniisip mo? Bakit parang tulala ka ngayon?!" tanong pa nito.
"Wala, naalala ko lang ang mga magulang ko!" sabi ko naman.
"Naku, dahil ba sa mga katanungan ni Dad noong nakaraan? Pasensiya kana ha masyado siyang maintriga. Alam mo naman na ganyan talaga ang ugali niya. Wala kang maiitatago sa kanya dahil tinatanong niya lahat." Tumawa pa siya.
Pumuwesto ako ng maayos para makakuha ng bwelo at matanong ni Shawn. Marami akong gustong malaman tungkol sa pamilya niya. Kahit na higit tatlong taon akong naninilbihan kay Sir Ricardo bilang Sekretarya niya ay wala pa rin akong alam. Magalung si Sir magtago ng mga kasinungalingan.
"Shawn, may ibang Kompanya pa ba ang magulang mo dati bukod sa Arzilla Group?!" tanong ko sa kanya.
Bigla naman siyang nagpreno kaya nauntog ang ulo ko sa harapan ng kanyang sasakyan.
"A-anong klaseng katanungan iyan? Syempre wala. Impossible naman kung mayroon pang iba na hindi ko alam," aniya. "Bakit mo naman natanong iyan?!" dagdag pa nito.
"Ahmm...wala lang. Familiar kaba sa Reunion Company? Diyan kasi nagtatrabaho ang mga magulang ko dati!" sabi ko naman.
Napaangat siya ng ulo sabay tingin sa akin na may pagtataka.
Halata sa mga mata nito ang gulat dahil sa sinabi ko.
"Nope! Alam mo naman na lumaki ako sa US and wala aking ideya sa ibang Kompanya dito except lang sa mga Kompanyang kalaban ng Kompanya namin. Erin, let's not talk about your parents. Kung naalala mo lang din sila at malulungkot ka. Hindi iyan makakabubuti sa iyo. Kalimutan mo na ang mga dapat kalimutan, huwag ming ikulong ang buhay mo sa nakaraan!" sabi ni Shawn.
Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa litrato na nakita ko sa bahay nila pero mas pinili ko nalang na itago iyon. Hindi magtatagal at malalaman ko rin naman ang totoo. Walang tinatago na hindi mabubulgar kaya darating din ang panahon na malalaman ko kung may kinalaman ang mga magulang ni Shawn sa lahat.
"Huwag kang mag-isip ng kung ano pa man Erin, ayaw ko na nakikita kitang ganyan dahil nasasaktan din ako!" Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil iyon. Ngumiti lang ako sa kanya. "Salamat sa concern mo!" sabi ko.
Hindi na siya sumagot pa at muling binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon