CHAPTER 36

193 4 0
                                    

Pagkatapos kong magtiis sa kulungan ay nakalabas din ako sa tuling ni Shawn. Ginawa niya talaga ang lahat para sa akin. Nakalabas na rin si Shanella sa ospital at nakabalik na rin ako dito sa loob ng Kompanya. Hsnggang ngayon may bandage pa rin si Shanella at as usual wala na kaming pansinan. Naeexcite ako sa mangyayari ngayong gabi dahil kukuha si Shawn ng mag-iindorse sa sabon na gawa ko. Ngayong gabi rin ako magpapasabog at gagawin ko ang lahat para mapahiya si Sir Ricardo, ang taong pumatay sa mga magulang ko.
Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ni Shawn at hinahanap ko ang report na ipinasa ni Shanella kanina. I'm his Secretary kaya ako ang may karapatan na humalungkat sa mga bagay-bagay na nandito sa loob ng opisina.
Habang nawiwili ako sa paghahalungkot may napansin akong isang USB na nakapasok sa loob ng envelop na plastik. Tinalian pa ito ng kulay pulang tela. Nang dahil sa curiousity ko at nais kong malaman kung ano ang laman ng USB na 'yun ay kinuha ko at ipinasok sa aking bulsa. Sakto naman na biglang bumukas ang pintuan.
"Erin, did you find it? I really need that report para sa mga mag-iindorse ng negosyo natin," ani ni Shawn.
"Yeah!" Pinakita ko sa kanya ang papers na hawak-hawak ko kanina pa.
Ngumiti sa akin si Shawn at dahan-dahan na lumapit sabay hawak niya sa beywang ko.
"You know what you are the most beautiful girl that i ever meet. I love you so much Erin, tandaan mo 'yan!" aniya sabay halik sa labi ko.
Gumanti din ako ng halik sa kanya. Nasasaktan ako ngayon, alam ko na sobrang sincere si Shawn sa pagmamahal niya sa akin pero may alam ba siya tungkol sa mga magulang ko?
"I'm really sorry Shawn." Hindi ko maiwasang mapaiyak habang binibigkas ang mga salitang iyon. "Mahal na mahal din kita, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagnahal ng ganito. Hindi ako nagsisi na binigay ko ang virginity ko sa'yo, hindi ko pinagsisihan na minahal kita!" sabi ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Makakaya ko kayang malayo kay Shawn pagkatapos ng gagawin ko? Makakaya ko kayang mapahiya siya?
"Bakit ka nagsosorry?" Kitang-kuta ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ba dapat ako ang magsorry sa'yo? Hinayaan ko na makulong ka Erin, ang akala ko kaya ko na hindi kita makikita pero mali pala," aniya.
"Sige na maghanda kana para sa presentation mo mamaya. Marami tayong bisita at ksilangan mong ihanda ang sarili mo." Ngumiti ako sa kanya na may haling lungkot. Lalayuan ko na si Shawn pagkatapos ng gagawin ko mamayang gabi. Wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya kung sakali, alam ko na masasaktan ko siya ng gusto kapag nagkataon.
Hinalikan niya ako sa noo sabay upo sa harap ng laotop niya.
Pumasok na rin ako sa loob ng opisina ko at nilock ang pintuan. Sinaksak ko ang USB sa laptop ko at binuksan ang mga file doon. May nakita akong mga video, hindi lang ordinaryong vedio kundi sex video.
"Si...si Shawn ba 'to?!" tanong ko sa aking sarili. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang mouse ng laptop ko. Dahan-dahan ko iyong pinindot at hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. Si Shawn ang nasa vedio na may ka sex na babae.
Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Parang may kung anong bagay na pumiga sa puso ko. Halos hindi ako makahinga sa kirot na nararamdaman ko. Nag-uunahang tumulo ang aking mga luha.
Tinitigan ko ng husto ang babaeng iyon, ang babaeng kasama niya sa vedio ay walang iba kundi si...si Shanella.
"Paano niyo nagawa sa akin 'to?! Mga hayop kayo!" galit na sigaw ko. "Sana naniwala nalang ako kaagad kay Malerick!" Napakuyom ako sa aking nakita. Kung nasaktan man ako sa sinabi ni Malerick noon sa akin tungkol kina Shanella at Shawn ay mas lalo akong nasaktan ngayon. Kitang-kita ko na ang ebidensiya at pinaglalaruan lang talaga nila ako. Kaya pala ang lakas ng loob ni Shanella dahil may ugnayan nga sila ni Shawn.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa galit. Hindi ko nakayanan na tingnan kung ano ang ginagawa nila sa vedio kaya pinatay ko iyon. Sinubukan kong maghanap kung ano pa ang laman ng USB at may isnag vedio pa na naroroon.
Natakot ako na buksan iyon dahil baka scandal ni Shawn at ni Shanella ang makikita ko.
"Humanda sila sa akin! Maghihiganti ako sa panloloko nila, pinagkaisahan nila ako!"
Kusang na-play ang vedio sa laptop ko at nakita ko doon si Shanella at Shawn na nag-uusap.
"Maniniwala si Erin sa mga paliwanag ko!" ani ni Shawn.
"Maniniwala? Ano nalang ang sasabihin ni Erin kapag malaman niyang niloloko mo lang siya? Ano nalang ang sasabihin ni Erin kung malaman niya na sabon lang ang habol mo sa kanya? Mag-isip ka nga Shawn, kapag pinagtapat ko kay Erin na 'yung unang gabi na nagsex kayo ay planado sa tingin mo mapapatawad ka niya?!" ani ni Shanella habang umiinom sa hawak niyang wine.
Nakita ko sa vedio na nasabutan ni Shawn ang kanyang sarili.
"Besides, i'm your fiancee iapapalit mo ba ako kay Erin? Malalagot ka sa Daddy mo! Tito Ricardo will choose me over Erin for you!" dagdag pa ni Shanella.
"Sa tingin mo matatakot ako sa mga banta mo sa akin Shanella? Baka nakakalimutan mo na pinatay mo ang mga msgulang niya. Baka nakalimutan mo na ikaw ang gumawa ng paraan para maulila siya. Nang dahil sa pera kaya mo naga iyon hindi ba?! Labis mo ng tinaraidor si Erin!" sigaw ni Shawn sabay duro sa pagmumukha ni Shanella.
"Alam mo kung ano ang rason kung bakit ko nagawa iyon! Your Dad promised me na kapag nawala na ang dalawang iyon ay ipapakasal niya ako sa'yo!" Bakas sa boses ni Shanella ang panginginig habang nagsasalita.
Napasuntok ako sa lamesa nang dahil sa nalaman ko. Si Shanella na naging sandigan ko ng mawala ang mga magulang ko pero usang traidor. Siya pala ang may kasalanan ng lahat!
Patuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha. Pilit ko man pinipigilan iyon dahil ayaw ko maging mahina pero hindi ko mapigilan.
"Magbabayad ka sa akin Shanella!"
Hindi ko na ipinagpatuloy ang panunuod sa vedio at pinatay ko na iyon. Itinago ko ang USB sa loob ng akung pantalon paea kahit anong mangyari ay hindi nila mahahanap.
"Erin! Are you there?!" Narinig ko ang boses ni Shawn mula sa likod ng pintuan.
Sobrang sakit ang panloloko nila sa akin. Pare-parehos lang sila na mga traidor. Mga manloloko!
Isa si Shawn sa mga dapat sisihin sa lahat. Nang dahil sa kanya kaya nawalan ako ng mga magulang.
Pinunasan ko ang mga luha ko at binuksan ang pintuan. Napakunot-noo si Shawn ng makita niya ang itsura ko.
"What happened? Umiyak kaba?" tanong nito.
"W-wala! Anaong kailangan mo?" tanong ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
"Are you sure na okay kalang?" Hinawakan niya ako sa mukha.
Kaagad kong tinabig ang kanyang kamay. "Don't act like you concern. Baka mas lalo akong ma fall sa'yo. Tell me Shawn, noong gabi na nag one night stand tayo talaga bang aksidente lang ang pangyayaring iyon?" tanong ko.
"H-huh?!...yes...of course...aksidente lang iyon Erin. Ano ba ang pinag-iisip mo?" aniya.
"Okay, sabi mo eh!" Pinilit king ngumiti sa kanya. "Excuse me, gusto ko lang kamustahin si Shanella!" Pasigaw kong sabi sabay lakad ko ng padabog palayo sa kanya.
Pinuntahan ko si Shanella sa pwesto niya. Nakita ko siayang may kausap na mga kaworkmate namin at pangiti-ngiti pa siya.
"Mabuti nalang nandiyan si Shawn at inalagaan niya ako-"
"Shanella, glad to see you! Mukhang masaya ka ngayon ah," sabi ko sa kanya sabay upo sa isang bakanteng upuan sa kanyang harapan.
Bakas ang gulat sa kanyang mukha pero bigla din naman itong nagbago.
"Ang kapal talaga ng mukha mo Erin no? Pagkatapos mg ginawa mo sa akin talagang may gana kapang kausapin ako? Tsk!" aniya sabay tawa niya.
"Kung may mukha man na makapal dito baka sa'yo 'yun." Biglang nanginig ang mga boses ko. Alam ko na paiyak na talaga ako. Naalala ko ang mga masasayng pinagsamahan namin ni Shanella. "Sino ang mag-aakala na niloloko at pinalaniwala mo lang ako?! Nakakatawa di'ba? Minahal kita na parang kapatid pero ito lang pala ang mangyayari?" Napatawa ako habang ang mga luha ko ay tumutulo na. Nakita ko naman na biglang nagbago ang reaksyon ng itsura ni Shanella habang nakatingin sa akin. Nagsialisan naman ang mga kausap niya kanina at iniwan kaming dalawa na magkaharap.
Bigla siyang tumayo sa kanyang inuupuan. "Stop yhis nonsense Erin, tigilan mo ako sa drama mo!" aniya sabay lakad.
"Bakit? Hindi mo kayang aminin sa akin ang totoo? Masaya kana ba ngayon? Nasaktan mo na ako ng sobra. Ang buong akala ko totoo ang pinapakita mo na pagmamahal at concern sa akin. Ang akala ko pamilya ang turing mo sa akin Shane, palagi akong nagpaparaya para sa'yo alang-alang sa pinagsamahan natin. Isang dekada na magkasama tayo at nagdamayan pero lahat pala ng iuon ay peke lang sa'yo?!" sabi ko habang humahagulgol sa iyak.
"I don't know if what is your talking about. Ayaw kong gumawa ng iskandalo dito nakakahiya!" aniya.
"Ngayon kapa nahiya? Sa akin hindi ka nga nahiya eh. Napaka weak mo naman dahil puro ka iwas. Ni hindi mo manlang maamin sa harapan ko ang totoo-"
"Ano ba ang gusto mong malaman?! Ok na may relasyon kami ni Shawn at iyong sinasabi ko na fiancee niya? Ako 'yun. Niloloko kalang namin Erin, lahat ng ito planado. Oh ano masaya kana?!" Nakita kong may tumulong mga luha sa kanyang mga mata. "Ang hangad ko lang naman maging masaya Erin, ayaw king maiwan kagaya ng ginagawa ng Papa ko sa Mama ko. Hindi naman iyon masama kung gusto ko din maging masaya hindi ba? Kaya ginawa ko ang lahat. Pumayag ako sa lahat para lang maging masaya ako!" sigaw niya.
"At kasama na doon ang pagpatay mo sa mga magulang ko?!" sabi ko naman.
Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang gulat. Nakita kong nanginig ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung tama ba na kinompronta ko siya ngayon. Ang alam ko lang ay kailangan kong bigyan ng hustisya ang mga magulang ko.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon