CHAPTER 35

193 4 0
                                    

"Hoy! Umalis ka diyan sa pwesto ko kung ayaw mong basagin ko ang mukha mo!" ani ng isang babae sa akin na mataba at pangit.
Pinunasan ko ang aking mga mata at inidilat ang kaliwang kanan ng mga mata ko. "Ano ba?! Hindi mo ba nakikita na natutulong ang tao? Napaka bastos mo ah!" sigaw ko naman sa kanya.
Nakakainis talaga dito sa jail, lahat ng mga tao puros matatapang. Ako lang ata ang hindi eh.
Tinitigan niya ako ng masama mula ulo hanggang paa. "Gusto mo ba talagang magulpi? Alam mo kung hindi lang dahil sa nahumalung ako sa ganda mo baka kanina pa kita inihian sa mukha!" ani naman nito sa akin. Ngayon ko lang napansin na tomboy pala siya.
Kailan pa ba ako makakalabas dito? Wala manlang ginagawa si Malerick o si Shawn?
Siguro, magkasama ngayon si Shawn at si Shanella. Masakit isipin na hindi manlang ako inaalala ni Shawn, pero ano pa ba ang aasahan ko? Niloko nila ako ni Shanella at kinamumuhian ko sila.
"Ano pa ang tinitingin tingin mo? Type mo rin ba ako?!" ani ng tomboy na nakatayo sa aking harapan at naka pameywang pa.
Nakangiti pa ito ng nakakadiri habang nakatingin sa akin. Nakakasuka ang itsura niya habang nakangisi.
Tumayo ako sa aking hinigaan para umalis pero hinarang niya ako at binangga kaya natumba ako sa sahig. Hinawakan niya ako boobs at pinisil ang dibdib ko kaya kaagad ko naman siyang itinulak.
"Ano kaba?! Huwag mo nga aking bastusin ng ganyan. Hindi ka nakakatuwa!" sigaw ko sa kanya.
"Ohhhh! Lumalaban boss!"
"Banatan na ba namin boss?"
"Bigyan na natin ng leksyon 'yan, nagtapang tapangan oh!"
Iyan ang sabi ng mga kasama kong kababaihan dito sa loob ng selda.
"Chill lang kayo guys, hindi natin maaring saktan ang binibining ito. Alam niyo naman na ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang binibini!" nakangiting sabi nito habang hinahaplos ang mukha ko.
Hindi na ako pumalag pa dahil natatakot din ako na baka nga tuluyan nila aking saktan.
Sumandal ako sa isang sulok habang tinitingnan lang sila na nagtatawanan.
"Erin, may bisita ka!" tawag sa akin ng isnag bantay na babae din na pulis.
Sa ganitong oras? Sino pa kaya ang makaalala sa akin? Si Malerick lang naman siguro.
Pinagbuksan ako ng babaeng pulis ng pintuan ng selda at pumunta naman ako kaagad sa visiting area. Parang gusto kung bumalik sa loob ng selda ng makita ko si Shawn na nakaupo habang naghihintay sa akin.
Nang makita ako ni Shawn ay kaagad naman siyang tumayo. Haling inis at saya ang aking nararamdaman.
"K-kamusta kana dito?!" ani ni Shawn. Umalis naman ang pulis na naghatid sa akin para makapag-usap kaming dalawa.
"Aning ginagawa mo rito? Anong oras na Shawn, baka kailangan ka ni Shanella!" Tumayo ako para bumalik na sa loob ng selda pero hinawakan niya ako sa kamay.
"Let's talk!" aniya.
"Ano na naman ang pag-uusapan natin? Wala naman hindi ba? Kapag sinabi ko ba na wala akong ginawa kay Shanella maniniwala ka? Ngayon ko napatunayan na wala nga talaga akong halaga sa iyo Shawn, hinayaan mo ako na makulong!" sabi ko. Yumuko naman siya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Halatang guilty siya sa mga sinasabi ko sa kanya.
"Erin, hindi naman sa hindi ako naniniwala sa iyo. Nakita ko na duguan si Shanella ng mga panahon na iyon kaya hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa kanya. Ano ba talaga ang nangyari? Ang sabi sa akin ni Shanella you trying to kill her!" ani naman nito.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Shawn. Ang galing talaga gumawa ng kwento ni Shanella.
"Kung may killer man dito Shawn, hindi ako iyon. Hindi ko kayang pansamantalahan ang buhay ni Shanella. Kaibigan ko siya Shawn, at talaga bang naniniwala ka sa kanya kahit na ako ng girlfriend mo?! Alam mo ba kung gaano iyon kasakit para sa akin? Na mas pinili mong mag-alala sa iba kaysa sa akin?!" sabi ko.
"I'm really sorry Erin," ani nito. "Pero huwag mo naman ibase dito ang pagmamahal ko sa iyo. Talagang mahal kita," dagdag pa niya.
Maari kong pagsamantalahin ang pagkakataon na ito kaya hindi ko maaring sayangin pa.
"Kung talagang mahal mo ako tulungan mo akong makalaya dito. Kausapin mo si Shanella na itigil na niya ang pagpapavictim!" sabi ko sa kanya.
"Paano kapag hindi ko ginawa iyon?!" aniya.
Napalunok ako ng laway. Hindi ako sigurado kung kakagat siya sa sasabihin ko pero kailangan kong subukan.
"Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, huwag ka ng magpakita sa akin. Maghiwalay na tayo Shawn, kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita!" sabi ko naman sa kanya habang matalas siyang tinititigan. Hinihintay ko kung ano ang maari niyang isagot sa akin. Nakatulala lang siya habang tumitingin sa akin na tila nag-iisip ng isasagot niya.
"Erin, huwag naman ganito!" Namumungay ang kanyang mga mata na tila nagpapaawa.
"Hindi Shawn, kung talagang mahal mo ako dapat hindi mo hinayaan na mangyari ito sa akin! Umalis kana at huwag ka ng bumalik. Ayaw na kitang makita pa kahit na anino mo. Ayaw na kitang maayos at maramdaman manlang!" sigaw ko sa kanya.
Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Inaamin ko na nasasaktan din ako. Mahal ko din si Shawn kaya masakit sa akin ang nangyayari ngayon lalo nang matuklasan ko ang totoong pakay niya sa akin.
Lumakad na ako paalis sa kanyang harapan.
"Erin! Erin!"
Naririnig kong tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.
"Erin! Bukas na bukas gagawa ako ng paraan para makalabas ka dito!" sigaw pa nito dahil medyo malayo na ako sa kanya.
Napatigil ako sa paghakbang at napangiti ng marinig ko iyon.
Sinasabi ko na nga ba na hindi niya ako matitiis.
Humarap ako at patakbong lumapit sa kanya para mayakap ko siya.
"Thank you, Shawn, inaasahan ko iyan bukas!" sabi ko.
Hinalikan niya ako sa aking labi. "I will do everything for you Erin, hindi ko kayang mawala ka sa akin. You are my life, wala na akong pakialam sa lahat basta kasama kita!" aniya.
Napangiti naman ako. Ang saya ng puso ko pero may poot akong nararamdaman.
"I love you too, Shawn. Soon, magiging maayos din ang lahat. Ikaw ang tutulong sa akin sa paghanap sa mga kriminal na pumatay sa mga magulang ko." Hinawakan ko siya sa kanyang kamay. "Ipapakulong natin sila at pagbayarin!" Nakita ko naman na biglang nag-iba ang awra ng kanyang itsura. Niyakap ko nalang siya ulit at palihim na tumawa.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon