CHAPTER 30

199 4 0
                                    

Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ako ngayon. Akalain mo 'yun buong gabi aking naghanap ng Booklet ko pero hindi ko talaga nakita. Impossible naman na ma mess place ko iyon dahil ni minsan ay hindi ko naman iyon kinuha sa lalagyan niya. Binabasa ko lang naman iyon kapag namimiss ko sina Mama at Papa. Papunta na ako ngayon sa Arzilla Company para sa trabaho ko. Ang gulo ng utak ko at maraming katanungan. Darating din ang panahon na masasagot ang mga nasa isipan ko. Wala na talagang totoong tao ngayon, lahat sipa mga sinungaling at mapag samantala.
Papasok na sana ako sa loob ng opisina ni Shawn ng makita ko na bukas ang pintuan. Dahan-dahan ko itong pinihit para pumasok pero napatigil ako. Nakita ko na may kahalikan si Shawn na babae, tumulo ang mga luha ko sa aking nakita. Parang may pumiga sa puso ko. Ang mga luha ko ay nag-uunahang tumulo habang nakatingin sa kanila. Ang sabi sa akin ni Shawn ay hindi siya papatop sa kung sinoman na babae, pero paano niya nagawang patulan ang kaibigan ko? Nakayakap pa siya sa may beywang ni Shanella habang naghahalikan silang dalawa. Isinara ko ang pintuan at sumandal dito habang umiiyak. Hawak ko ang aking dibdib dahil halos hindi na ako makahinga sa sobrang sakit. Nanginginig ang mga tuhod ko at kahit ano man oras ay babagsak na ako sa sahig.
Mabuti nalang at walang tao na dumadaan dito ahil kung hindi ay nakita na nila nag sitwasyon ko.
"Sabi ko na nga ba na namiss mo rin ako Shawn, kita mo hindi ka makatanggi," narinig kong sabi ni Shanella. Idinikit ko pa ang tenga ko sa may pintuan para mas lalo ko pa silang marinig.
"Of course naman, alam mo naman na mahal kita hindi ba? Malapit na at magtagumpay na ang plano natin. Magiginf masaya si Dad kapag nalaman niya na nasa akin na ang pinaka matagal na niyang hinihintay," ani naman ni Shawn habang tumatawa.
"Gagawin ko ang lahat para sa iyo Shawn, handa akong kalimutan ang pagiging magkaibigan namin ni Erin para sa iyo. Siya naman kasi eh, masyadong tanga. Alam mo iyon na harap harapan na natin siyang ginagago pero naniniwala pa din siya sa mga sinasabi mo! Nakaawa!" si Shanella.
"Lower your voice, Shanella baka may makarinig sa atin. Sa wakas, nahawakan ko na rin ito. Hindi ko ito inakala na maiisahan mo siya," ani naman ni Shawn.
Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero malakas ang kutob ko na hindi iyon makabubuti sa akin.
Mga walang hiya, pinagkaisahan nila ako. Ang akala ko totoong kaibigan ko si Shanella.
"Pero Shawn, mag ingat ka sa kanya. Alam ko na may kutob na si Erin sa tungkol sa atin. Inaway niya ako kahapon at ang sabi niya ay traidor daw ako. Baka may matuklasan siya tungkol sa Daddy mo at tungkol sa mga plano mo!" sabi naman ni Shanella.
Tumawa naman si Shawn. "Wala siyang malalaman tungkol sa amin ni Daddy. Hindi naman ako tanga para maisahan niya," aniya.
Humagulgol ako sa iyak ng marinig ko iyon. Hinampas ko ang aking mukha dahil sa sobrang inis.
"Kunsabagay, naniniwala naman talaga siya na ikaw ang hulog ng langit sa kanya. Ang hindi niya alam ay lahat ng iyo nasa plano natin. Natatawa nga ako noong first night na may mangyari sa inyo, wala talaga siyang idea na ako talaga ang gumawa ng paraan para malapit ka sa kanya. So pathetic," ani ni Shanella.
Ang ibig sabihin ay totoo nga ang sinasabi ni Malerick na matagal ng magkakilala sina Shawn at Shanella? Sinabunutan ko ang aking sarili. All of these arw fake at hindi ako papayag sa ginawa nila sa akin. Isinusumpa ko gaganti ako sa kanila. Hindi matigil ang pag-agos ng mga luha ko dahil sa aking natuklasan. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Shanella noon na may fiancee na si Shawn, hindi kaya siya ang fiancee ng boyfriend ko?
"Tigilan na natin ang pag-uusap tungkol kay Erin, baka marinig niya tayo," ani ni Shawn.
"And so what kung marinig niya? Wala na tayong kailangan sa kanya Shawn, pwedi mo na nga siyang i fired eh! Nakuha na natin ang nais nating makuha!" sigaw ni Shanella.
"At sa tingin mo hindi siya mag-iisip na ikaw ang may pakana ng lahat. At ayaw ko na ako ang sisihin niya Shanella, gusto ko na matigil ang koneksyon namin ni Erin sa mabuting paraan," ani naman ni Shawn.
"Parang concern ka talaga sa kanya ano? Sa tingin mo ba mapapatawad kayo ni Erin kapag malaman niyang ang Daddy mo ang pumatay sa mga magulang niya?! Wala rin saysay ang pakikipagmabutihan mo sa kanya dahil niloloko mo lang siya--"
"Hindi ang Daddy ko ang nagpapatay sa mga magulang niya. Ikaw ang pumatay sa kanila Shanella, ikaw!" sigaw din ni Shawn.
Mas lalo akong natigilan sa mga narinig ko.
"Ako ang pumatay pero ang Daddy mo ang nag-utos sa akin!" ani naman ni Shanella. "Stop acting na wala kang alam dahil ikaw din naman ang nakinabang ng lahat Shawn. Ginawa ko iyon para sa iyo!" Sagot naman ni Shanella.
Ang mga luha ko na kanina pa tumutulo ay biglang natigil. Nabuhay ang nga galit ko, hindi nga ako nagkamali na may kinalaman ang magulang ni Shawn sa lahat. Hindi nga ako nagkamali na si Sir Ricardo ay ang dating amo ng mga magulang ko.
"Wala akong alam sa ginawa ninyo ni Daddy. Nasa America ako noong nga panahon na iyon. Paanong aki ang nakinabang? Ikaw ang mamatay tao dahil ikaw ang pumatay sa mga magulang niya!" sigaw naman ni Shawn.
Hindi na nakasagot si Shanella sa kanya. Inayos ko ang aking sarili at pinunasan ang mga luha ko. Itinulak ko ng malakas ang pintuan kaya lumaki ang kanilang mga mata ng makita nila ako.
"Oh, hi goodmorning!" bati ko sa kanila sabay ngiti ng malapad.
"E-erin!" nauutal na sambit ni Shawn sa pangalan ko.
"Pasensiya kana Shawn kung kakarating ko lang." Lumapit ako at hinalikan siya sa bibig sa mismong harapan ni Shanella.
"I have to go, Sir Shawn," ani ni Shanella.
"Aalis kana kaagad? Kakarating ko lang ah. Ano ba ang pinag-uusapan niyo?" tanong ko pa habang nakangiti.
"It doesn't matter Erin, tungkol lang sa trabaho," ani naman ni Shawn sabay upo sa kanyang chivel chair.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanilang dalawa. If they want to play, then ibibigay ko sa kanila. Makikipaglaro ako sa kanila hanggang sa sila na ang gagawin kong tanga.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon