CHAPTER 31

194 4 0
                                    

Hindi ko maitatago na nasasaktan ako sa aking natuklasan. Tama nga ang hinala ko noon pa man, isang masamang tao si Shawn. Ginamit lang niya ako para makuha ang gusto niya. Hindi mapigilan ni Erin ang kanyang mga luha na tumulo. Sobrang nasaktan siya sa kanyang natuklasan lalong lalo na at ang kanyang pinagkakatiwalaan at inakala na pamilya na si Shanella ay isang traidor.
Nakaupo pa rin ako dito sa loob ng opisina si Shawn habang tumutulo ang mga luha ko. siya naman ay lumabas at may aasikasuhin raw sa finance.
Narinig ko na may kumatok sa pintuan kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko.
"Sir Shawn--"
Napatigil sa pagsasalita si Shanella ng makita niya ako. Nagtama ang paningin namin pero umiwas rin siya kaagad.
"Wala dito si Shawn, may pinuntahan siya. Bakit ka nandito?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Bakit? Hindi ba pweding pumasok ako rito?" Tinaasan niya ako ng kilay sabay upo sa upuan ni Shawn. Nakangisi siya sa akin ng nakakaloko. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ekspresyon pero tila nag cecelebrate siya, mukhang masaya siya sa di ko malaman na dahilan.
Nilapitan ko naman siya at hinawakan ang kanyang pisngi. "You know what, Shanella, namimiss na kitang kasama. Nang magsimulang lumayo ang loob mo sa akin pakiramdam ko sa pangalawang taon ay nawalan ako ng mga magulang." Ngumiti ako sa kanya na may halong kalunglutan sabay hawak sa kanyang kamay. "Ikaw ang naging sandigan ko sa lahat, marami tayong masasayang alaala na kahit kanino o ano ay hindi ko kayang ipagpalit. Sana naman ikaw rin, sana naman mas piliin mo kaysa sa nararamdaman mo," sabi ko.
Alam ko na kahit ano pa ang sabihin ko sa kanya ay hindi ko na mababago ang desisiyon niya..She hate me so much nang dahil kay Shawn, kailangan kong makahanap ng proweba na siya nga ang pumatay sa mga magulang ko.
Kailangan kong makipag laro sa kanila ni Shawn para makuha ko ang ninanais ko.
Tumayo si Shanella sa kanyang inuupuan. "Ikaw din naman eh, hindi ko naman kaya na mawala ka sa akin dahil matagal na tayong magkasama. Alam mo namimiss rin kita Erin, pero nang dahil sa nararamdaman ko kay Shawn kaya ako nagagalit sa iyo!" ani ni Shanella.
Kung makapag salita si Shanella akalain mo talaga na totoo ang mga pinagsasabi niya pero ang totoo ay isa siyang sinungaling at mapag linlang.
"Gusto ko sanang mag sorry sa mga nagawa ko sa iyo, Shanella. Kung magiging masaya ka na layuan ko si Shawn ay gagawin ko!" malungkot na sabi ko. Nakita ko naman na biglang nagningning ang kanyang mga mata.
"Talaga Erin? Gagawin mo iyon para sa akin?!" aniya.
Tumango naman ako. "Lahat gagawin ko para sa bestfriend ko!" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mawala lang amg lahat basta hindi lang ikaw, handa na akong bitawan si Shawn para sa iyo," sabi ko pa.
Kung dati ay napaniwala nila ako, iyon din ang gagawin ko sa kanila. Ibabalik ko sa kanila ang ginawa nila sa akin.
Sakto naman na pumasok si Shawn kaya napabitaw ako ng yakap kay Shanella.
"Whoaaaa! Parang nagkabati na ata ang magkaibigan ah. Well, i'm so happy to see this. Sana naman ay hindi na kayo mag-aaway pa bagkus magtulungan nalang tayo kung paano natin mapaangat ang Kompanya natin, i am right?!" ani ni Shawn at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ni Shanella.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Alam ko naman na ako ang may kasalanan sa lahat ng mga nangyayaring ito Shawn, so i've decided na simula bukas ay hindi na ako magpapakita pa sa inyong dalawa. Maraming salamat Shawn dahil naging parte ka ng buhay ko!" Kinuha ko ang aking bag sa may upuan ko at sumulyap kay Shawn at Shanella.
Gusto ko lang naman malaman kung ano ang magiging rekasyon ni Shawn kung hindi na ako magpapakita sa kanya.
"Are you telling me na mag reresign kana as my Secretary?!" gulat na tanong ni Shawn.. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat habang nakatingin sa akin.
"Yeah, at si Shanella na ang ipapalit mo sa akin! Hindi ko kayang masaktan ang bestfriend ko dahil mas pinili kita kaysa sa kanya Shawn." Sumulyap ako kay Shanella na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag salita habang nakatingin sa akin.
"Don't do this, Erin!" ani ni Shawn.
Hinawakan ako ni Shawn sa braso. Nagmamakaawa ang kanyang mukha.
"I'm sorry Shawn, alam mo naman kung gaano kita kamahal. Kalimutan mo nang nagkakilala tayo at kakalimutan na rin kita!" Tinabig ko ang kanyang mga kamay at dahan-dahan na lumabas sa opisina niya.
Umaasa ako na hindi ako lalagpas ng sampung hakbang at tatakbo si Shawn papalapit sa akin tapos magmamakaawa na hindi ako aalis.
Sa ganitong paraan ay tiyak kong makakaganti na ako kay Shanella.
"Isang hakbang, dalawang hakbang at tatlong hakbang, huwag mo akong biguin Shawn," sabi ko sa aking isipan.
Mas lalo ko pang niliitan ang mga hakbang ko.
"Erin!" Boses ni Shanella ang aking narinig ng malapit na ako sa pintuan.
Napangisi ako ng nakakaloko, sinasabi ko na nga ba na hindi niya talaga kaya na mawala ako sa paningin niya.
"Hindi mo kailangan na umalis, alam ko na mali ako. Please, huwag kang umalis!" nakikiusap na sabi sa akin ni Shanella.
Dahan-dahan naman aking humarap sa kanya at nakita ko ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.
"Erin, i'm sorry kung naging masama ako sa iyo. Sorry," ani nito.
"Erin, huwag mo naman akong iwan. Alam mo na mahal na mahal kita, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kung mawawala ka sa akin!" sabi naman ni Shawn. Linapitan niya ako at lumuhod siya sa aking harapan. "My Love, huwag mo aking iwan. Ikaw ang nagbinigay sigla sa buhay ko, ikaw ang inspirasyon ko sa tuwing nagtatrabaho ko please, huwag ka namang sumuko!" Umiyak siya habang nakayakap sa aking mga paa.
Lumipat ang tingin ko kay Shanella na ngayon ay masama ang titig sa akin.
"Kung talagang mahal mo ako Shawn, bakit wala kang ginagawa? Binigay ko ang lahat sa iyo, tinulungan kita na maahon ang Kompanya mo at paulit-ulit mo na sinasabi na mahal mo ako pero--"
Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil biglang tumulo ang mga luha.
"Erin, totoo naman na mahal kita," ani ni Shawn.
"Gusto ko ng proweba," sabi ko naman.
"W-what do you mean?" nakatas kilay na tanong nito.
"Pakasalan mo ako Shawn, pakasalan mo ako kung talagang mahal mo ako!" sagot ko.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon