CHAPTER 2. Condom Is Missing

1.2K 13 0
                                    

Pagkagising ko ay halos hindi ako makabangon. Sobrang sakit ng private part ko, napasulyap ako sa aking katabi na lalaki. Napakaamo ng kanyang mukha at napaka gwapo.
"Shit! Ano ang ginawa ko kagabi!"
Hinampas ko ang lalaking iyon sa mukha. "Gumising ka riyan, anong ginagawa mo dito sa room ko?!" singhal ko sa kanya.
Kaagad naman siyang bumangon at ngumiti sa akin ng may kapilyuhan. "We enjoyed last night tapos iyan ang gagawin mo sa akin?" sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya . Napatakip nalang ako sa aking katawan na hubo't hubad.
"Huwag ka ng mahiya, nakita ko na lahat iyan kagabi." Bumaba siya sa kama ng walang saplot. Tumalikod naman ako sa kanya.
"Umalis ka dito sa kwarto ko dahil kung hindi ay tatawag ako ng mga pulis!" sigaw ko pa habang nakatalikod.
"Go! Ilang beses ko na bang sabihin sa iyo na kwarto ko 'to? Nasa room 39 ka Miss and i don't even know you. Nagulat nga lang ako na pumasok ka e," aniya.
"H-huh? Room 39?!" nauutal ko naman na sabi.
Ang room number ko kasi ay 40, paanong napunta ako dito?
Biglang uminit ang aking pisngi, halos mamatay ako sa hiya. Anong mukha ang ihaharap ko sa lalaking 'to? Naalala ko na, kinuha ni Shanella ang bag ko para daw siya na ang magdala tapos hindi ko na nakuha sa kanya pabalik.
Nandoon pala ang susi ng kwarto ko sa bag ko na dala ni Shanella.
"Oh, naalala mo na? This is my room, Miss!" ani pa nito.
"F-fine, sorry!" Isinuot ko ang aking mga damit. Pinilit kong indain ang sakit ng pagkababae ko. Paano ba naman kasoi, sobrang laki ng pagkalalake niya oyan tuloy nawasak ang akin.
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na akong lumabas sa kanyang room. Nakakahiya kaya hindi ko na siya tiningnan pa.
Nanghiram nalang ako ng duplicate key sa may front desk.
Pagkatapos ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Napasigaw ako sa sobrang hiya. "Ano kaba naman Erin, ang tanga mo! Kababae mong tao pero nakitulog ka sa kwarto ng mga lalaki at hindi kang iyon, may nangyari pa sa inyo!" sabi ko sa aking sarili habang sinasabunutan ang aking buhok. Hinubad ko ang aking damit at kaagad akong pumasok sa banyo at naglinis ng aking katawan. Pakiramdam napaka dumi kong babae dahil nagpagalaw ako sa hindi ko kilalang lalaki. Pagkalabas ko ay nagulat ako sa malakas na boses ni Shanella.
"Bessy, ang aga kong nagising ano? Nadala ko kasi ang bag mo kaya akala ko hindi ka makakapasok dito sa kwarto kaya pumunta ako ngayon!" nakangiting sabi ni Shanella.
Napabuga nalang ako ng hangin at hindi na sumagot sa kanya.
"Galit kaba sa akin Bessy? Pasensiya na ha makulit ako kagabi. By the way, nasaan na ang condom na binigay ko sa iyo?" tanong nito.
Umupo ako sa harap ng salamin. "Anong condom? Hindi ba binalik ko na iyon sa'yo? Bakit mo pa hinahanap sa akin?!" sabi ko naman.
"Ano ka ba pinasok ko 'yun kagabi sa bulsa ng damit mo no!" sabi naman nito. Napatayo naman ako sa aking inuupuan.
"Ano?!" Tumakbo ako sa may labahan at kinuha ang damit na suot ko kanina. Chineck ko ang bulsa pero wala namang condom na naroon.
"Wala naman dito Shanella, baka sa kalasingan mo lang iyon tapos naiwan mo doon sa Bar," sabi ko naman.
"Wait, ako na nga ang magcheck diyan sa damit mo!" Hinablot niya iyon sa kamay ko at tiningnan ang bulsa. Napatigil siya saglit at napatingin sa akin na tila nagtatanong.
"Ano?!" nakakunot-noo ko naman na sabi.
"Bakit may dugo itong sidsiran ng damit mo? May sugat kaba?!" tanong nito.
Napalunok ako ng laway bago sumagot. "Ah, w-wala! Baka niregla lang ako tapos hindi ko napansin, sandali lang i check ko sa banyo kung meron nga ako!" Patakbo na sana akong pumasok pero humarang siya sa dinaanan ko.
"As i remember, tapos ka ng magregla ngauong buwan. Naalala mo nokng nakaraang araw na namimilipit ka sa sakit ng puson mo at pinapunta mo ako dito?!" aniya.
Napakagat labi siya. Alam ko na ang ibig sabihin non, may gusto siyang itanong sa akin.
"A-alam ko 'yang nga tingin mo Shanella, wala kung ginawa. Okay?!" sabi ko at inirapan siya.
Napatawa siya ng malakas. "So, sino ang lalaking swertw na nakauna sa iyo? Tell me!" pabiro nitong sabi.
"Tigilan mo ako, okay?!" galit ko naman na sabi sa kanya.
Nagpout siya sa akin at sabay beautiful eyes.
Matagal na kaming magkaibigan ni Shanella kaya kilalang kilala na namin ang isa't-isa. Hindi na ako nagtanggi sa kanya at kinuwento ko ang nangyari kagabi.
Hindi siya makapaniwala na nagawa ko iyon. Dala ng kalasingan ay nawala ako sa aking sarili.
"Pogi ba?!" tuwang-tuwa na sabi ni Shanella.
"Oo naman, kaya nga siguro napabigay ako kagabi," sabi ko naman.
Kinurot ni Shanella ang aking mukha. "Ang cute mo talaga, halika gusto king makita ang lalaking iyon!" Hinila ako ni Shanella sa kamay kaya sumunod nalang ako.
Nakita namin ang mga employees na naglilinis na sa loob ng room 39.
"Ah, excuse me nasaan na ang lalaking dito nakastay?" tanong ni Shanella.
"Bes, ano kaba naman nakakahiya ka!" pabulong ko na sabi.
"Umalis na po kanina pa, isang gabi lang naman siyang nagstay dito eh," sagot naman ng babae.
Nagtinginan kami ni Shanella at hinala ko siya pabalik sa room ko.
"Sayang, hindi ko nakita ang lalaking iyon. Mukha pa naman sigurong artistahin iyon. One night stand lang? Oh, sad!" sabi ni Shanella.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at napabuntong hininga nalang.
Mabuti naman kung umalis na ang lalaking iyon at sana hindi ko na siya makita pa ulit. Nakakahiya kasi kapag magkita pa kami e wala aking mukha na ihaharap sa kanya. Sana Lord, hindi na talaga magkrus ang landas namin. Kahit paano ay napasaya naman niya ako kagabi.Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga ngiti nito sa akin na  nakakaakit. Kaya ba ako napabigay dahil sa angkin nitong kagwapohan? Kunsabagay kahit sino naman na babae ay hindi makapalag sa lalaking iyon.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon