CHAPTER 23 MALERICK CONCERN

204 3 0
                                    

Pinuntahan ko si Shanella sa condo niya para makausap at makahingi ng pasensiya. Alam ko na sobrang sama ng loob niya sa akin ngayon dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon. Nang nasa harap na ako ng pintuan niya ay nagdadalawang-isip ako kung magbubuzzer ba ako. Sakto naman na lumabas si Malerick at hinahawakan siya ni Shanella sa damit. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita nila ako.
"Erin!" Sabay pa silang sinambit ang pangalan ko.
"Malerick?! Anong hinagawa mo dito sa bahay ni Shanella?" gulat ko naman na tanong. Nagtingin silang dalawa.
"He's here para makita ang ginawa mo sa akin. Look at my head, tingnan mo may bandage pa! Masaya kaba sa ginawa mo sa akin Erin? Na sinaktan mo ako?!" galit na sabi ni Shanella sa akin.
"Bess, pasensiya--"
"Huwag mo akong mag bess bess diyan ha! Simula ngayon kalimutan mo nang nagkakilala tayo. Hindi kita kailangan sa buhay ko Erin! At ano ang ginagawa mo dito? Kaya kaba pumunta dito para lang humingi ng pasensiya?! Pwes! Wala kang mapapala dahil hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin!" sigaw pa nito.
Napatingin naman sa akin si Malerick. Itinulak siya ni Shanella palabas kaya natumba ito.
"Shanella!"
"Bakit?!" Bumaling ang tingin niya kay Malerick. "Kung ano man ang nakita at nalaman mo manahimik kana para hindi na madagdagan pa ang gulong ito. Hindi ba gusto mo naman si Erin? Ngayon, malaya ka nang ligawan siya!" ani pa ni Shanella.
"Ano?! Ano ang sinasabi mo? Kaibigan natin si Malerick, at bakit ba lahat nalang sa iyo may meaning?!" sabi ko naman.
"Bakit hindi mo tanungin si Malerick?!" ani ni Shanella.
"Shanella! Enough! Pwedi ba tumahimik kana?!" sabat naman ni Malerick.
Napatingin naman ako kay Malerick. "Ano ang ipinagsasabi niya? Totoo ba Malerick?!" tanong ko naman.
Napayuko si Malerick ay hindi makatingin sa akin. Napahilamos nalang ako ng kamay sa aking mukha.
"Now you know! Kaya kami nag break dahil inamin niya sa akin na gusto ka niya. Minsan na akong nasaktan ng sobra dahil sa iyo Erin kaya pwedi ba layuan mo na ako! Hindi mo naman inaalagaan ang pagiging magkaibigan natin eh!" ani pa ni Shanella.
Akma na sanang isasara ni Shanella ang pintuan pero nagoumilit ako na pumasok.
"Shanella, mag-usap muna tayo!" sabi ko habang buong lakas na tinutulak ang pintuan.
"Ano ba! Umalis na kayo dito! Alis!" sigaw pa niya habang buong pwersa ring sinasara ang pintuan. Hinawakan ako ni Malerick at inawat.
"Tama na Erin, hayaan mo na munang mapag-isa si Shanella!" sabi naman ni Malerick.
Wala na akong nagawa at sinunod nalang si Malerick. Bumalik na ako sa sarili kong condo, si Malerick naman ay nakasunod lang sa likuran.
"Sorry!" aniya.
Napatigil ako sa paglalakad. "Sorry saan?" tanong ko naman sa kanya.
"Tungkol sa sinabi ni Shanella. Hindi ko naman ginusto ito Erin, kaya ko lang naman ipinagtapat kay Shanella ang nararamdaman ko para sa iyo dahil ayaw ko na lokohin siya!" sabi niya.
Hindi na ako nakasagot at nagpatuloy lang sa paglalakad ko. Sunod parin siya nang sunod sa akin.
Nang makarating na ako sa loob ng condo ay pabagsak ako na naupo sa may sofa.
"Hindi ko na maintindihan ang nangyayari kay Shanella. Isipin mo Malerick, ang taong gusto ko gusto niya rin. Gusto niya pa na layuan ko si Shawn. Ngayon lang ako umibig ng ganito Malerick, at hindi ko kaya na mawawala sa akin si Shawn!" sbai ko naman.
Hindi lang nakaimik si Malerick.
"Simula noon si Shanella naman talaga ang nasusunod e. Pero ngayon? Hindi ko na kaya ang pinapagawa niya sa akin. Gusto niyang angkinin si Shawn, e ako ang mahal ni Shawn!" dagdag ko pa.
Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin ni Malerick sa akin. Gusto kong ilabas ang aking sama ng loob.
"Sinabi ba niya sa iyo na mahal ka niya?!" Nagulat naman ako sa tinanong sa akin ni Malerick. Tiningnan ko siya ngunit kaagad rin itong umiwas ng tingin sa akin.
"Bakit mo naman natanong iyan? Syempre, nararamdaman ko lang. Alam ko na mahal ako ni Shawn, alam na alam ko iyon dahil palagi kaming magkasama at nagsesex!" sabi ko.
Napatayo si Malerick aa kanyang upuan. "What?! Tama ba ang narinig ko? Palagi kayong nagsesex?!" ulit naman nito.
Hindi naman ako nahiya kay Malerick na malaman niya iyon dahil simula bata palang kami ay talagang magkasama na kami.
Tumango ako sa kanya at napabuntong hininga. "Hindi lang sex iyon Malerick, we love each other. The way he cared at me, hindi na ako magdadalawang-isip. Boyfriend ko na siya ngayon e, sinagot ko na siya kahapon!" sabi ko pa.
Nakita king umiling si Malerick. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung naniniwala ba siya sa sinabi ko na boyfriend ko na si Shawn, o nagseselos siya.
"Erin, kung ano ang makakapag pasaya sa iyo gawin mo. Pero ito lang ang masasabi ko. Huwag kang magtiwala ng sobra, dahil baka sa huli ay masasaktan kalang!" aniya.
Napakunot naman ako ng noo. "Hindi ako masasaktan Malerick, alam ko na siya na ang The One ko. Alam ko na siya na ang mapapangasawa ko!" sabi ko pa.
Napakamot siya ng kanyang batok. Hindi siya mapakali sa kanyang inuupuan.
"Bakit ba parang balisa ka? Dahil ba sa mga kwento ko? Ano nagseselos kaba Malerick?!" sunod-sunod ko naman na tanong sa kanya.
Kanina ko pa talaga napapansin na kakaiba ang kilos niya simula ng pumunta kami dito sa condo ko. Baka may nangyari sa kanila ni Shanella?
"Malerick, alam ko na may mali. Ano sabihin mo? May nangyari ba sa inyo ni Shanella kaya ka nagkakaganyan na naman?" tanong ko ulit.
"Wala!" tipid lang niya na sagot. Hinawakan niya ako sa kamay.
"Erin, alam ko na sobrang saya mo ngayon dahil nakatagpo ka ng lalaki na minahal mo. Pero huwag ka masyadong magtiwala kahit kanino man. Kahit sa akin, o kay Shanella o di kaya kay Shawn na iyon. Buksan mo ang iyong mga mata. Huwag kang magpabulag sa pagmamahal na biglaan. Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na dahil sa isnag gabing pagkakamali mo kaya nakilala mo ang lalaking iyon. Paano kung nilalaruan kalang pala? Paano kung pinapaniwala ka lang niya dahil alam niyang may gusto ka sa kanya?! Ayaw ko na masaktan ka at maging kawawa ka sa huli!" seryoso nitong sabi.
Hinawakan ko siya sa pisngi. "Ohhhh! Napaka concern mo naman sa akin salamat. Pero alam ko ang ginagawa ko Malerick," sabi ko sabay kindat sa kanya.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon