CHAPTER 14. The Booklet

267 6 0
                                    

Napabangon ako sa paulit-ulit na doorbell. Sino naman kaya ito? Ang aga-aga nang iistorbo sa tulog ko. Binuksan ko anh pintuan at tumambad sa akin si Malerick.
"Malerick? Anong ginagawa mo dito? Ang aga mo naman," sabi ko sa kanya.
"Goodmorning Erin, dito sana ako mag-almusal. Naistorbo ko ba ang tulog mo?" nakangiting tanong sa akin ni Malerick.
"Hindi naman masyado. Pasok ka!" Pinaupo ko siya sa sofa at ipinaghanda ng pagkain. Palagi kong nahuhuli si Malerick na laging nakatitig sa akin. Hindi ako makapag focus sa ginagawa ko.Minsan naiisip na baka may gusto si Malerick sa akin dahil kung makatingin ito ay talagang nakakatunawa.
Sumulyap na naman ako sa kanya at nahuli ko na naman siyang nakatingin sa akin.
"Malerick, kanina ko pa napapansin na titig na titig ka sa akin ha. Umamin ka nga may gusto ka sa akin 'no?" nakataas kilay king tanong sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin sa'kin. Nakita kong namula ang magkabilaang pisngi nito.
"Ikaw talaga! Sinasabi ko na nga ba na may gusto ka sa akin eh!" Umupo sa tabi niya at nilaro ng aking daliri ang kanyang hita. "Kailan pa? Ikaw ha may tinatago ka palang sekreto sa akin," sabi ko habang nilalandi siya. Hindi ko naman type si Malerick, he is my childhood friend. Gusto ko lang siyang lokohin na kunwari may type din ako sa kanya. Bigla niyang tinabig ang kamay ko.
"Ano kaba Erin, ang landi mo naman. Hindi kita gusto 'no. Paanong hindi ako titig sa iyo e bakat ang pagkababae mo diyan! Pati ang boobs mo oh, kitang-kita ang umbok. Maiiwasan ko bang hindi ka titigan!" aniya. Napatingin naman ako sa katawan ko. Oh! Shit! Nakalimutan ko na manipis pala ang damit ko at kitang-kita nga ang panty at bra ko!
Tinakpan ko iyon gamit ang aking mga kamay. "Tumalikod ka nga!" sigaw ko sa kanya sabay takbo sa loob ng kwarto para magbihis. Biglang uminit ang mukha ko sa hiya kay Malerick. Bakit ba kasi nakalikutan ko ito pala ang suot ko kagabi?
Pagkatapos kong magbihis ay kaagad na aking lumabas ng kwarto.
"Malerick, pasensiya kana medyo natagalan akong magbihis. Okay ka lang ba---"
Napatigil ako na magsalita ng makita ko si Shanella na katabi niyang nakaupo sa may sofa.
"Shanella!" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Sabi ko na nga ba na hindi mo ako matitiis eh!" nakangiting wika ko. Ngumiti naman siya sa akin at niyakap din ako pabalik.
Si Malerick nakaupo kang at walang imik. Muli na namang nag reunion ang mag ex.
"Paano ba kita matitiis eh hindi buo ang araw ko kung hindi kita kasama," ani ni Shanella.
Kinurot ko siya sa pisngi. "Tsaka nga pala nakahanda na ako ng food. Tamang-tama at may pasobra iyon sumabay kana sa amin mag-almusal," sabi ko naman.
Nagluto ako ng hotdog tsaka itlog. Tapos mayroong manok na pinirito. Sapat na iyon para sa amin. Habang kumakain kami panay kami kwentuhan ni Shanella na parang walang nangyari awayan sa amin. Si Malerick naman ay todo lang sa pag kain at hindi manlang nagsasalita.
Nagpaalam si Malerick na pumunta ng banyo.
"Erin, punta tayo mamayang gabi sa bar," ani ni Shanella.
"Ayan kana naman ha ayaw ko ng iminom," sabi ko naman sa kanya.
Hinawakan niya ako sa kamay. "Sige na kahit ngayon lang. Ikaw naman parang nagbago kana ngayon ah," ani ni Shanella. Nagpa cute pa siya sa akin. Alam naman niya na hindi ko talagang magawa na tumanggi sa kanya.
"Sige, basta libre mo ha. Alam mo naman wala aking pera ngayon kasi may utang pa aking binabayaran," sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin. Nakakapanibago dahil laging nakangiti sa akin si Shanella. Dati kahit hindi kami nag-aaway palaging mataray ang itsura niya. Parang may kakaiba aking nararamdaman sa pinapakita ni Shanella sa akin ngayon.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?!" aniya. Hi di ko namalayan na naktitig na pala ako sa kanya.
"Wala, nakaka panibago lang kasi na palagi kang nakangiti sa akin ngayon. Good mood ka ata ano bang meron?!" pag-iintriga ko naman sa kanya.
"Ito naman nakangiti lang may meaning na kaagad? Hindi ba pweding--" Napatigil siya sa pagsasalita. "Pwedi bang makigamit ng banyo sa loob ng kwarto mo? Ang tagal namang lumabas ni Malerick," aniya.
Tumango lang ako sa kanya. Hindi na naman bago sa akin ito. Minsan nga dito pa siya natutulog o hindi kaya ako ang nakikitulog sa kanya.
Sakto naman ang paglabas ni Malerick sa banyo. "Nasaan na si Shanella?" tanong nito.
"Nagbanyo lang siya doon sa kwarto ko. Ikaw naman kasi ang tagal ming lumabas doon sa banyo, nag-abala pa tuloy siyang pumasok sa kwarto ko para makapagcr," sabi ko naman.
"Ganoon ba pasensiya na po," ani nito.
Hindi na ako sumagot pa sa kanya at bumalik na naman siya sa pagkain. Ang tagal ni Shanella kaya pumasok ako sa kwarto para matingnan ko siya. Pagkabukas ko nh pinto nakita ko siyang hinahalungkat ang loob ng mga drawer. Kumunot ang aking noo. Nanlako din ang kanyang mga mata sa gulat ng makita niya ako.
"Ano ang ginagawa mo diyan? Aning hinahanap mo?!" tanong ko sa kanya.
Tumawa siya sa akin. "Pasensiya kana kung pinakialaman ko ang mga gamit mo. Naghahanap kasi ako ng tissue eh," ani ni Shanella.
"Hah?!" Napatingin ako sa lalagyan ng mga tissue. Nakita king nakabukas na iyon at impossibleng hindi niya kaagad napansin. "Nandiyan naman ang tissue ah." Sabay turo ko sa kanya.
"Ay,shit! Hindi ko napansin. Sorry ulit kung ginulo ko ang mga gamit mo," aniya.
"Hindi okay lang." Nakita ki na hawak niya ang booklet na binigay sa akin ni Mama at ni Papa.
"Shanella, bakit mo hawak ang booklet na iyan?!" tanong ko sa kanya.
"H-hah? Ito ba? Ay, nakita ko lang 'yan dito. Na curious nga ako kung ano ang nakasulat dito eh kaya binasa ko. Nakita ko na ito pala ang mga--"
Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at inagaw ko iyon sa kamay niya. "Hindi ba nagsabi na ako sa iyo na huwag mo 'tong pakialaman?!" galit na sabi ko.
Nag peace sign lang siya sa akin. Iwan ko ba pero masama ang kutob ko kay Shanella ngayon. Parang may balak siyang kunin ang booklet na ito.
Hindi maalis ang kanyang mga mata sa booklet na hawak-hawak ko.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon