CHAPTER 20

196 3 0
                                    

Nagkasabay kami ni Shanella sa paglabas ng condo. Iisang elevator lang din ang sinakyan namin. Hindi na naman niya ako pinapansin at naka earphone pa ito.
Kanina ko pa siya sinisiko pero parang wala lang sa kanya.

Pagkalabas namin ng elavator ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Hoy! Pansinin mo na ako, ikaw naman palagi kang nagtatampo," sabi ko sa kanya sabay pout.
Tiningnan niya ako ng masama. "Pwedi ba Erin, huwag ka ngang umasta na parang bata! Alam mo naman na may pagtingin ako kay Shawn tapos harap-harapan pa kayong naghahalikan at naghihipuan. Wala ka na bang respeto sa nararamdaman ko?!" aniya.
"Sorry na, alam mo naman na hindi lang talaga namin kayang pigilan ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Alam mo naman na mahal namin ang isa't-isa hindi ba? Sorry na kung nasaktan kita," sabi ko sabay yakap sa kanya. "Tulungan mo ako sa dala kong bag oh, ang bigat kasi," dagdag ko pa.

"Ano ba 'yan? Ano ba ang laman niyan? Bakit may bitbit ka na ganyan kalaking bag?!" nakakunot-noo nitong tanong.
"Ito ba?!" Binuksan ko iyon sa kanyang harapan. "Tsaraaannn! Nakagawa ako ng 50 peaces na sabon. Tiyak na magiging masaya si Sir Shawn nito pati si Sir Ricardo.  Alam mo ba na maaga pa ako tinawagan ni Sir Shawn na mag pa presscon kami mamaya," sabi ko.
Ngymiti lang siya sa akin at binitbit ang bag ko sabay lakad. Hinabol ko naman siya dahil ang bilis niyang lumakad. Sumakay na kami sa taxi patungo sa may Kompanyang pinagtatrabahuhan namin. Pagkarating namin sa Komoanya, talagang sinamahan pa ako ni Shanella papasok sa office ni sir Shawn.

Hindi mawala ang ngiti ni shawn ng makita niya ang napaka raming sabon na dala ko. Si Shanella naman ay ganoon din. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko dahil sa wakas ay natupad na rin ang pangarap namin nina Mama at Papa na magiging kilala kami sa buong mundo.
Lumabas na ako para ayusin ang conference room kung saan gaganapin ang presscon. Inayos ko ang mga upuan at papers, sa papel na ito nakasulat ang mahalagang detalye tungkol sa sabon. Ito ang iaannounce ni Sir mamaya.
Bumalik na ako sa opisna si Sir, narinig ko ang malakas na tawa ni Shanella sa labas. Medyo may bukas ng kaunti ang pintuan kaya dahan-dahan akong sumilip. Nakita ko si Shanella na nakaupo sa paa ni Sir habang nilalaro ng kanyang mga daliri ang mukha ni Sir.
Ano kaya ang ginagawa niya? Bakit hinahayaan lang ni Sir na umupo si Shanella sa paa nito? Nakakainis talaga si Shanella, ang sarap hambalusin at napaka kati.
Itinulak ko ng malakas ang pintuan kaya nagulat naman sila.
"Erin, nandiyan kana pala? Tapos kana bang mag-ayos ng conference room?!" gulat na tanong ni Shanella.
Lumapit ako sa kanya at sinampal siya ng napaka lakas.
"Malandi ka talagang babae ka! Alam mo naman na mahal ko si Sir hindi ba?! Ang kapal ng mukha mo! Makandi ka!" galit na sigaw ko sa kanya.
Sobrang nagseselos ako sa aking nakita. Tiningnan ko ng masama si Shawn, parang gusto kong maiyak. Linapitan naman ako ni Shawn at hinawakan sa balikat.
"Erin, it's not what you think! Alam mo naman ang kaibigan mo hindi ba?! Kilala mo naman siya hindi ba? Shanella, get out to my office, now!" utos ni Sir sa kanya.
Tiningnan naman ako ni shanella ng masama sabay sampal din sa akin. "Akala mo hahayaan ko lang na saktan mo ako?! Nakakaawa ka Erin, kung alam mo lang sana ang totoo-"
"Enough, Shanella! Get out, now!" Galit na sigaw ni shawn sabay turo sa may pintuan.
Hindi na nakasagot si Shanella at padabog na lumabas.
"Erin, hinayaan ko lang siya para hindi ka niya awayin. Alam mo naman na mahal na mahal kita hindi ba?! Hindi ko magugustuhan si Shanella, hinding-hindi. Huwag ka ng magalit sa akin, please!" sabi ni Shawn sabay hawak sa aking kamay.
"Hinayaan mo lang na landiin ka niya Shawn?!" inis ko na sabi.
"Yes! Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ako papatol sa kanya. She's not my type!" sabi nito sabay halik sa noo ko.
Umiyak nalang ako sa kanyang harapan. Biglang tumaas ang emosyon ko ng makita ko sila. Nasaktan ako, baka kasi maakit ni Shanella si Shawn at may mangyari sa kanila. Hindi ko iyon matatanggap.
"Sorry na, hindi na mauulit! Ayaw ko lang naman na awayin ka niya kaya ko iyon ginawa eh. Pasensiya na talaga." Niyakap niya ako habang hinahaplos ang aking likuran.
Naramdaman ko naman na sincere ang pinagsasabi niya kaya tumahan ako sa pag-iyak.
"Basta sigurado ka na hindi mo siya type ha! Sorry kung nagalit ako, nagseselos lang kasi ako Shawn," sabi ko naman.
Ngumiti lang si Shawn sa akin at inayos ang mga sabon na iyon at nilagay sa aking bag.
Nahihiya ako sa kanya dahil hindi ko napigilan ang galit ko. Deserve lang ni Shanella ang masampal dahil masyado siyang malandi. Alam na niyang may nangyari sa amin tapos lalandiin pa niya? Ang kapal ng kanyang mukha, this time hindi na ako makikipagbati sa kanya.  Wala na sa lugar ang kanyang ginagawa. Nagpaalam ako kay shawn na pumunta ng banyo para mag retouch ng aking make up.
Habang naglalagay ako ng lipstick ay pumasok si Shanella na may dalang balde.
"Gusto mo ng away hindi ba?! Ngayon natin ituloy dahil walang aawat sa atin!" Ibinuhos niya sa akin ang laman ng baldeng hawak nito. Parang masusuka ako sa sobrang baho ng tubig na iyon. Sana niya kaya nakuha iyin? Nakakadiri.
"Iyan ang bagay sa iyo na ambisyosa ka!" Sinabunutan pa niya ako sabay tulak sa sahig.

Napaiyak ako sa kanyang ginawa. Paano niya iyon nagawa sa akin?
Paano na ako makaattend sa presscon nito?
"Ano?! Bakit hindi ka lumaban? Matapang kalang kanina dahil nandoon si Shawn!" sigaw niya.
Tumayo ako at sinabunutan siya sabay sampal sa kanyang mukha.
"Wala akong ginagawa sa iyo Shanella! Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan!" Gumanti din ako sa pagsampal sa kanya at itinulak siya kaya nauntog siya sa salamin.
"Araaayyyyyy ko!" sigaw niya.
Naalarma naman ako. Susugurin ko pa sana siya ulit pero may nakita aking likido na tumutulo mula sa kanyang ulo.
"S-shanella!" nauutal kong sambit sa pangalan niya.
Hawak niya ang kanyang ulo na dumudugo habang umiiyak.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon