Gulat silang lahat sa ginawa ko, sino ba naman ang mag-aakala na ang isang hinahangaan at nirerespetong tao ay may sekreto palang mabaho? Pati si Shawn ay halos makagalaw sa kanyang pwesto ay nakatingin lang sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil nga mahal ko siya pero hanggang saan ako dadalhin ng pagmamahal na ito kung ito ang iisipin ko?
Kitang-kita ko ang pagtakbo ni Shanella palabas ng hall pero malas niya at msy nakabantay ng mga pulis doon. Ngayon, hawak na siya ng mga pulis at si Sir Ricardo naman ay nagwawala si itaas ng stage. Ang hindi nila alam ay mayroon na akong source at marami na akong ebidensiya na nakuha tungkol sa pagplano nilang pagpatay sa magulang ko. Nakausap ko ang isa sa mga katrabaho nina Mama at Papa noon at ipinagtapat nila sa akin na matagal na sanang nalugi ang Kompanya kung hindi dahil sa mga magulang ko. Nag-invest si Sir Ricardo sa aking mga magulang kapalit ay kung hindi siya makakabayad ay maaring kunin ng mga magulang ko ang Kompanya ngunit hindi siya tumupad bagkus ay pinatay niya ito kay Shanella.
Nilapitan ko si Shawn na hanggang ngayon ay hindi pa rin makagalaw sa pwesto niya.
"Gulat na gulat ka sa pangyayari ano? Ako din naman, nang malaman ko na may ugnayan kayong dalawa ni Shanella halos mabaliw ako. Nang malaman ko na niloloko at inuuto mo lang ako parang gusto kitang patayin. Pero hindi ko 'yun kayang gawin dahil hindi naman ako mamatay tao kagaya niyo." Ngumisi ako kay Shawn. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako nagsisi sa ginawa ko. "Kaya ang sabi ko gagawa ako ng paraan para makaganti sa inyo. Ano maganda ba? Ayos ba ang presentation ko?!" Humalakhak ako sa tawa sabay laglag ng mga luha ko. Pilit ko man na pigilan iyon ay hindi ko na nagawa. Ano mang pagppanggap ang gagawin ko ay talagang hindi uubra kapag puso ang pinag-uusapan.
"Then i can say that congratulations." Pumalakpak si Shawn. "You did a great job ang galing-galing mo Erin. Kami na ang naloko at napaniwala mi. Ako na ang tanga, ako na ang walang hiya at ako na ang may kasalanan." Nakita ko na may namumuong luha sa kanyang mga mata. Napatiimbagang ako dahil pakiramdam ko ay bigla akong nanghina.
"Sinira niyo ang buhay ko! Sinira ng Daddy mo!" sigaw ko.
"Huwag kang mag-alala masaya ako para sa'yo dahil sa wakas ay nahuli na rin ang may sala sa pagkawala ng mga magulang mo," malungkot na sabi ni Shawn. Namumula na ang kanyang mga mata na kahit sa anumang oras ay malalaglag na ang mga luha na naroon sa mata niya.
Nang makita ko na paakyat na ang mga pulis ay kaagad na tumakbo si Sir Ricardo.
"Hindi ako magpapahuli sa inyo ng buhay!" Hinablot niya ang baril ng isang pulis at itinutok iyon sa akin. "Hayaan niyo akong makalabas dito dahil kung hindi babarilin ko ang babaeng 'yan!" galit na sigaw ni Sir Ricardo.
Sobra akong natakot at hindi ko alam ang aking gagawin.
"Ibaba niyo ang mga baril niyo! Bibilang ako hanggang tatlo, kapag nagmatigas pa kayo at talagang papuputukan ko ang babaeng 'yan!" ani ni Sir Ricardo.
"Hindi pa ba sapat na pinapatay mo ang mga magulang ko ngayon ako na naman ang gusto mong patayin?!" sigaw ko dahil sa sobrang nerbyos.
"Ito naman kasing nga magulang mo eh. Napaka ambosyosa, akalain mo 'yun pati sarili kong Kompanya ay nais nilang angkinin? Maayos naman ang pagsasama namin as a partnership noon pero anong ginawa nila?! Gusto nilang kunin ang Kompanya ko kaya ayun pinapatay ko sila kay Shanella kapalit si Shawn!" si Sir Ricardo. "Katulad ka rin ng mga magulang mo na tanga! Kita mo naisahan ka ni Shanella at Shawn?!" Humalakhak pa ito sa tawa.
"Mga hayop kayong lahat!" galit na sigaw ko.
"Bago mo ako mapakulong papatayin muna kita!" ani ni Sir Ricardo. "Kagaya sa ginawa ko sa mga magulang mo! Wala ka ng pakinabang sa akin Erin. Do you think na gusto kita bilang Sekretarya ko noon? Isang babae na kulang sa kaalaman at uto-uto!" dagdag pa nito.
"Kahit ano pang sabihin mo ay wala ka ng magagawa Sir Ricardo! Panahon na para magbayad ka sa mga kasalanan mo. Halos ilang dekada kong hinanap kung sino ang pumatay sa mga magulang ko pero wala aking ideya na nasa harapan ko lang pala? Hindi kana makakatakas pa! Mabubulok ka sa kulungan!" sabi ko naman.
Ipinutok niya ang baril ng dalawang beses ngunit bigla akong niyakap ni Shawn sabay sigaw sa pangalan ko.
"Erin!" malakas na sigaw ni Shawn.
Parang biglang tumigil ang mundo. Nakakulong ako sa mga bisig ni Shawn ng mahigpit. Binaril din ng mga pulis si Sir Ricardo kaya bumagsak ito sa sahig. Si Shanella naman ay kusang sumuko kaya nakita ko siya na nakaposas na habang umiiyak.
Dahan-dahan kong pinahiga si Shawn. May mga dugo na lumalabas mula sa bibig niya at sa kanyang likuran.
"S-shawn...bakit...mo...ito...ginawa?!" Nauutal ang boses ko sa sobrang kaba. "Bakit mo itinaya ang buhay mo para sa akin?!" sabi ko pa.
"E-erin, d-dahil m-mahal kita. I'm really...sorry kung nasaktan kita ng sobra...matatanggap ko kung hindi mo ako mapapatawad..." Napatigil siya sa pagsasalita. Nakita ko na may tumutulong luha sa kanyang mga mata kaya mas lalo akong napahagulgol sa iyak.
"S-shawn..." Hindi ko alam kung ano pa ang sasahihin ko sa kanya dahil labis na nagsisi ako.
"I...love..." Nakita kong ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hindi na rin siya gumagalaw.
"Tumawag kayo ng ambulansiya! Kailangang madala ni Shawn sa ospital, dali!" Umiiyak na sigaw ko. Nakahiga si Shawn sa aking bisig kaya niyakap ko siya.
"Shawn, please lumaban ka! Huwag mo akong iwan. Mahal na mahal kita Shawn!" pabulong na sabi ko habang umiiyak.
Kaagad naman na rumespondi ang ambulansiya at sumama ako papunta sa ospital. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling mawala si Shawn. Napaka hayop ng Ama niya. Habang nasa loob ako ng ambulansiya at nakaramdam ako ng hilo. Parang nasusuka ako na hindi ko maintindihan. Nandidilim na rin ang aking paningin.
Pinipilit ko ang aking sarili na labanan ang kung anumang nararamdaman ko pero hindi ko kinaya. Kusang pumipikit ang aking mga mata at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Lust
RomanceWARNING‼️ READ AT YOUR OWN RISK! ANG ISTORYANG ITO AY MAY MGA KATAGANG SOBRANG SENSITIBO.