CHAPYER 15. DISTURB

237 4 0
                                    

"Sir Shawn, ayan na po ang report sa mga sales natin. Ahmmm...medyo bumaba po kasi," sabi ko kay Shawn.
Napatingala naman siya sa akin habang nakaupo sa kanyang chevelle chair. "What?!" gulat nito na sabi. Kinuha niya ang papel na hawak-hawak ko at binasa. Habang nagbabasa siya ay galit ang kanyang itsura pagkatapos niya iyong basahin ay itinapon niya ang mga papel na iyon.
"I'm done with this! Hindi pweding madisappoint sa akin si Daddy," aniya. Ngayon ko lang nakitang nagalit si Sir Shawn ng ganito. Kaagad siyang tumayo sa kanyang upuan at lumabas ng opisina. Kawawa naman ang mga na-aasign sa management at sa mga products, paniniguradong masesrmonan sila ni Sir. Sununod ako sa kanyang likuran habang naglalakad siya.
Ang mga kawork mate ko naman ay busy sa pagtutok sa kani-kanilang laptop.
"Nagtatrabaho ba kayo ng maayos?! Kunting-kunti nalang ay malulugi na ang Kompanya ko!" sigaw niya.
Nakayuko lang sioang lahat. Maski na siguro sila ay nagulat din sa ugali ni Sir ngayon.
"I will check your performance right away at kapag may nakita akong gunggong ay paaalisin ko dito sa Kompanya!" sigaw pa nito.
Nagtinginan lang silang lahat sa sinabi ni Sir. For almost three years aking Sekretarya ng Daddy niya ay never ko pang nakita na nagkakaganito si Sir Ricardo, si Shawn palang. Never naman kasing bumaba ang sales ng Kompanya na ito noong si Sir Ricardo pa ang CEO, paano strikto kasi at palaging pinagtutuonan ng pansin ang mga trabahante. Hindi kagaya ni Sir na wala, sa akin lang ang atensiyon niya.
Bumalik na naman siya sa loob ng kanyang opisina at ipinagtatapon ang mga gamit na kanyang nakikita pati ang sarili nitong laptop.
"Sir, kumalma lang po kayo. Malay mo bukas tatas din naman ang sales natin. Ngayon lang ito nangyari kaya--"
"Kaya nga hindi ako pwedinv kumalma! Paano ako kakalma na ngayong bumaba ang sales ng Kompanya ko? Mapapahiya ako kay Daddy, simula noong bata palang ako never siyang nadissappoint sa akin tapos ngayon pa?! Hindi niya ito pweding malaman kaya gawin niyo ang best niyo para mapataas ang sales at maging number 1 ulit!" ani ni Sir Shawn.
Inisa-isa kong pulutin ang mga papers na nakakalat sa sahig pati ang kanyang laptop.
Napag-isipan ko na ipakita sa kanya ang sample ng sabon na nagawa ko para maging maganda ang mood niya. Kinuha ko iyon sa aking bag. "Sir, i want to show you something!" Sabay pakita ko sa kanya ng sabon. "Siguro dahil dito magiging maganda na ang mood mo." Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan na lumapit. Kita ko naman na biglang nagningning ang kanyang mga mata sabay kuha sa sabon na hawak ko.
"You made this?!" Inaamoy-amoy niya pa ito.
"Oo naman, hindi ba sabi mo gagawa ako niyan para maipatuloy ko ang pangarap ng mga magulang ko? Eh, tama ka nga naman. Ayaw ko na masayang ang mga kaalaman ko sa wala lang kaya heto sinisimulan ko na ang paggawa," sabi ko sa kanya.
Napatawa siya sa sobrang saya at niyakap niya ako. "Ohhhhh! Yes! Mabuti naman at napag-isipan mo ang sinabi ko. Ipapakita ko ito kay Daddy at tiyak na magiging masaya siya, ang bango ng sabon na ito. Anong fabric kaya ang ginamit mo dito? Amoy rosas," aniya.
"Secret! Ako lang ang pweding makaalam kung ano ang ginamit ko at paano ko ginawa iyan. Pinagsabihan ako ng mga magulang ko bago sila mamatay na kahit ano ang mangyari ay hindi ko ituturo kahit kanino man ang procedure sa paggawa ng sabon," sabi ko naman sa kanya.
"Well, hindi na din naman iyan mahalaga sa akin. I will talk to Dad na kung pwedi idagdag natin ito sa ating negosyo. Tiyak na parehas tayong magkikita ng malaking halaga dito Erin, maging sikat at mayaman ka!" masaya na sabi niya.
Hindi ko naman maitatanggi na masaya din ako. Kung papalarin baka isa pa ako sa kilalanin na kasunod kay Doktore Vicky Belo. Pangarap ko din magpaganda ng kapwa ko tao kaso nga lang kulang ako sa kaalaman pagdating sa pagreretoke. Ang mahal kasi ng gagastusin para lang mapag-aralan iyon.
Halos ayaw ni Sir Shawn bitawan ang sabon na ginawa ko. Kanina niya pa ito inaamoy at nilalanghap ang mabangong fabric mula sa sabon.
Nang mapansin niya aking nakatingin sa kanya ay nilapag niya iyon sa kanyang lamesa at lumapit aa akin. Hinilot niya ang aking likuran. "Hindi nga nagkakamali si Daddy na ikaw ang naging Sekretarya niya. Isa kang hulog ng langit sa akin Erin kaya hinding-hindi na kita papakawalan," aniya.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Shawn, can i ask you something?" sabi ko.
"Yes, of course. What is it my darling?" malanding sabi nito.
"Ahmmm...may narinig kasi akong balita na mayroon may fiance kana raw. Totoo ba iyon?!" tanong ko naman.
Sumeryoso ang kanyang mukha at nakikita ko sa itsura nito ang pagtataka. Bigla siyang tumawa ng malakas. "At sino naman ang nagsabi sa iyo niyan? Sa tingin mo ba kung may fiancee ako lalapitan pa kita? Sa tingin mo ba kung may fiancee ako makipagbsex pa'ko sa iyo? Inamin ko na sa iyo na mahal kita Erin, kaya kung magkakaroon man ako ng fiancee..." Hinawakan niya ang kamay ko para ma holding handa iyon. "Gusto kong ikaw iyon!" pabulong niyang sabi.
Unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Napapikit naman ako at hinihintay ang kanyang mga labi na lumapat sa labi ko. Biglang bumukas ang pintuan kaya kaagad ko siyang itinulak palayo sa akin.
"Erin!" narinig kong tawag ni Shanella. "Ahmmm...may ginagawa ba kayo? Nakaistorbo ba ako? Naku, pasensiya na po!" ani pa nito.
"Ha?! Wala Shanella, Sir sandali kang at kakausapin ko lang si Shanella," sabi ko kay Sir Shawn. Tumango lang siya sa akin. Kaagad naman akong lumabas para puntahan si Shanella.
"Ano ba ang kailangan mo?!" tanong ko sa kanya. Meduo naiinis ako dahil napaka panira moment niya talaga.
"Erin! May kasalanan kapa sa akin ha! Hindi ba ang pinag-usapan natin kahapon at magbabar tayo kagabi sana? Bakit hindi ka sumipot sa room ko?!" aniya.
Napahawak ako sa aking ulo. "Ah, iyon ba? Naku, nakalimutan ko Shanella!" sabi ko naman.
"Sarap mo talaga kurutin sa singit. Sige na nga balik na ko sa work ko!" Pagkatapos ay umalis na siya kaagad. Napabuntong hininga nalang ako.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon