CHAPTER 29

166 3 0
                                    

Ilang beses king tinanong si Malerick kung ano pa ang alam niya tungkol kay Shawn at Shanella pero hindi na ito nagsalita pa.
Iyak lang ako ng iyak sa loob ng kanyang kotse habang kayakap siya.
Hindi ko sila mapapatawad sa panlolokong ginawa nila sa akin. Mga sinungaling silang dalawa!
"Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin Malerick? Bakit mo hinayaan na lokohin nila ako?!" sunod-sunod ko na taning kay Malerick habang humahagulgol sa iyak.
"Nahuli ko silang dalawa sa mismong condo ni Shanella, hindi ba nagsabi na ako sa iyo na ginagamit kalang nila? Pero hindi ka nakinig. Mas sinunod mo ang nararamdaman mo kaysa maniwala sa akin," aniya. "Kaya hindi ko sinabi sa iyo dahil ayaw ko na sa akin mo malaman ang totoo dahil hindi ka naman maniniwala sa akin eh. Ayaw kong isipin mo na sinisiraan ko kayong dalawa. Hindi ko kasi gusto na masaktan ka kaya tinago ko ang aking natuklasan," paliwanag nito habang hinahaplos ang aking likuran.
"Hindi ko matanggap ito Malerick, sigurado kaba talaga? Paano kong nagkita lang sila dahil sa trabaho?!" sabi ko. Ayaw king paniwalain ang sarili ko na niloloko ako ni Shawn at ni Shanella. Kahit alam ko na din naman ang totoo. Nakita ko sa mga galaw nila na may something na namamagitan sa kanila. Naalala ko ng naabutan ko si Shanella at Shawn sa loob ng opisina nito na nagtatawanan. Hindi ako nag-isip mg kung ano dahil naniniwala ako sa lahat ng sinasabi sa akin ni Shawn.
Pinunasan ko ang aking mga luha at kinuha ang aking telepono. Kaagad king tinawagan ang numero ni Shawn, nakita ko rin silang lumabas na sa restaurant habang naghahawak kamay.
Nakita ko rin na kinuha ni Shawn ang kanyang cellphone sa bulsa nito at sinagot ang tawag ko.
"Yes, baby!" ani ni Shawn sa kabilang linya habang nakatingin kay Shanella.
"Ahmmm...nasaan ka ngayon? Pwedi ba tayong magkita?!" tanong ko naman aa kanya.
"Oh, naku Erin, pasensiya kana talaga ha. Gusto ko rin sanang magkita tayo dahil namimiss na kita kaso si Daddy kasi ayaw aking paalisin sa bahay. Masama kasi ang pakiramdam niya ngayon!" ani ni Shawn.
Ngayon na ako naniniwala kay Malerick, sinungaling nga talaga si Shawn. Confirmed ko nang may tinatago sila ni Shanella sa akin.
"Ah, ganoon ba. Pakisabi sa Daddy mo na magpagaling ha. See you tomorrow sa office!" sabi ko naman sabay baba ng cellphone ko.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nalang. Nagmukha akong tanga, naniwala naman ako sa pinakita nilang kabaitan sa akin. Tama si Mama at Papa, sa mundong ibabaw na ito ay wala na nga talagang mapagkakatiwalaan na tao. Lahat sila ay manloloko, manggagamit at mga traidor.
"I'm sorry Erin," mahinang sabi ni Malerick.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kanya. "Okay lang, salamat dahil kahit papaano ay nalaman ko ang totoo. Hindi ko hahayaan na lokohin nila ako Malerick, gaganti ako sa kanila!" galit ko na sabi kay Malerick. Sinuntok ko pa ang dibdib ni Malerick sa sobrang galit ko.
Nang mailabas ko na ang lahat ng galit ko ay nagpahatid na ako kay Malerick pabalik sa condo.
Nang makarating na ako sa condo ay bumulagta na ako sa kama at doon nalang umiyak nang umiyak.
Hindi ako makapaniwala na ganito mangyayari sa akin, ngayon lang ako umibig pero hindi pala tapat sa akin si Shawn.
Naisipan kong buksan ang baol kung saan nakatago ang booklet na binigay sa akin ni Mama. Hinakungkat ko na lahat pero hindi ko ito mahanap.
Ito na naman ang kaba ko, umaataki na naman. Hinanap ko na kung saan-saan ang booklet nina Mama at Papa pero wala talaga.
Impossibleng mawala iyon dahil ako lang naman ang nakakaalam kung saan ko iyon nilagay. Impossible rin naman na may makapasok dito sa condo ko dahil ako lang naman ang may hawak ng susi...at si Shanella.
Dali-dali akong lumabas ng condo ko para pumunta kay Shanella.
Nang marating ko na ang kwarto niya ay malakas kong kinatok ang pintuan nito.
"Shanella! Shanella!" galit na tawag ko sa pangalan niya habanh kinakatok din ng malakas ang kanyang pintuan.
Ilang beses ko itong kinatok pero hindi niya pa rin ako binubuksan.
"Shanella, buksan mo 'to! May kailangan kang ibalik sa akin!" sigaw ko.
"Bakit ka nag iiskandalo dito Erin?! Tingnan mo ang paligid oh, naistorbo mo ang taong nagpapahinga!" galit na sabi ni Shanella mula sa aking likuran.
Humarap naman ako sa kanya na may galit na ekspresyon. Nilapitan ko siya at kinapkapan. Halata ang pagtataka sa mukha nito dahil nakakunot ang kanyang noo.
"Ano ba ang ginagawa mo?! Don't touch me!" galit niyang sabi.
"Huwag mo akong e don't touch me, don't touch me ha! Ibalik mo ang kinuha mo!" sigaw ko.
"Ako may kinuha?! My God, ano ba ang nawala sa iyo at ako na naman ang pinagkamalan mo?! Tsaka simula ng sinaktan mo ako ay hindi na ako lumapit at pumasok sa loob mg condo mo. Ikaw kang itong lapit nang lapit sa akin!" aniya.
"Nawawala ang booklet ko! Alam ko na ikaw ang kumuha non dahil ikaw lang ang may alam kung saan ko iyon nilagay!" sabi ko naman.
Tumawa naman siya ng malakas. "So, iniisip mo na nikaw ko iyon? Kung sakali man na nanakawin ko iyon, ano naman ang gagawin ko bwesit na booklet mo na iyon?!" sabi nito.
"Basta ibalik mo na iyon sa akin! Napaka walang hiya ka talaga. Bukod sa traidor ka magnanakaw kapa! Lahat nalang yata nasa iyo na!" sabi ko sabay hablot sa buhok niya. Nakita ko naman na napangiwi siya sa sakit.
Hindi ko talaga siya bibitawan hangga't hindi niya binabalik ang booklet ko. Mahalaga iyon sa akin.
"Ibalik mo na ngayon din! Kapag hindi mo pa ubabalik iyon kakalbuhin kita!" galit na sigaw ki sa kanya.
"Ano ha Erin, hindi ko nga alam ang pinagsasabi mo! Bitawan mo ako!" Itinulak niya ako palayo sa kanya. "Tigil-tigilan mo ako Erin ha, wala akong alam sa binibintang mo sa akin!" Idinuduro pa niya ako sa aking mukha.
"Sige, pero siguraduhin mo lang na wala ka talagang alam dahil sa oras na matuklasan ko na ikaw ang may gawa no'n malalagot ka sa akin. May kasalanan kapa sa akin Shanella, at pinapangako ko na hindi kita mapapatawad!" sigaw ko sabay layo sa kanya.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon