CHAPTER 34

195 5 0
                                    

"So, what's your plan? Kanina pa kita minamasdan pero wala kang imik. Huwag mong sabihin na nahumaling kana talaga sa babaeng iyon?" ani ni Daddy habang nakatingin sa akin. Umiwas naman ako ng yingin sa kanya dahil sa hiya. Hindi siya nagkakamali at hindi ko rin tinatanggi na sobrang nahulog na nga ako kay Erin.
"Oh, common Shawn! Hindi kita pinalaki para maging tanga. Hindi kita tinuruan na mas sundin mo ang puso mo kaysa sa isip mo! Ang akala ko ba hawak na ni Shanella ang booklet? Ano pa ba ang rason kung bakit hindi mo pa rin mabitaw bitawan si Erib? Dahil ba sa sex?!" Sabay tungga nito ng alak niya sa loob ng baso.
"No, Dad, hindi lang ito sex. I fell i love with her. I know na wala ito sa plano natin pero hindi ko naman ginusto na mararamdaman ko ito para sa kanya. Tama po kayo, she's kind and smart kaya wala ng rason pa para hindi ko siya--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong suntukin ng malakas.
"Ang tanga-tanga mo! Wala ka talagang pinagkaiba sa iyong ina. Kaya ko nga hiniwalayan ang Nanay mo dahil napaka bobo. Hindi nag-iisip at puro puso ang pinapairal! Nang dahil sa katangahan niya nalugi ng una nating Kompanya, baka ito na rin ang mangyayari sa Komoanya natin ngayon kung papairalin mo iyang katangahan mo!" sigaw ni Daddy sa akin.
Hinawakan ko ang aking labi na pumutok dahil sa lakas ng pagka suntok niya sa akin.
"Dad, hindi kasali si Mommy dito sa usapan. Hindi bobo si Mommy, at huwag na huwag mong isisi kay Mommy ang pagkalugi ng Kompanya natin noon. It's all your fault dahil makasarili ka! Ambisyoso at mapagmataas!" sigaw ko naman.
Sa sobrang inis ko hindi ko inakala na lalabas iyon sa aking bibig.
"Ah, hindi mo na talaga ako nirerespeto Shawn? Bakit? Ano ba ang ipinagmamayabang mo? Dahil ikaw na ang CEO ng Arzilla Group? Kaya ko lang naman binigay sa iyo ang posisyon na iyon dahil--"
"Dahil mapapakinabangan niyo ako! Noong una palang alam ko naman eh, kaya nga kayo nakipagsundo kay Shanella na papakasalan ko siya para lang makuha ang gusto niyo. Sarili mong anak tinuturuan mo maging masama! Pwes, gusto ko lang malaman ninyo na hindi ako magiging katulad mo!" sabi ko naman.
"At ano pa ba ang pinagkakaiba natin Shawn? You knew everything about sa parents ni Erin pero may nagawa kaba? You are weak like your mom, uou are nothing without me!" ani naman nito.
"Hindi weak si Mommy! Ikaw ang weak, dahil patuloy mong pinagsiksikan ang sarili mo sa kanya kahit alam mo naman na hindi ka niya mahal! Kahit pilit mo pang itago alam ko na hanggang ngayon umaasa ka na mamahalin ka ni Mommy! Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ang mas tanga sa ating dalawa?! Ikaw ang naging dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Erin, you are a killer and i'm so very sad dahil kapag malaman ni Erin ang totoo sasabihin niya sa akin na anak ako ng isang killer. Iyon ba ang pinagmamayabang mo Dad? Ang pumatay ng tao kapag hindi mo nakukuha ang iyong gusto?!" sabi ko naman.
Hindi na nakasagot si Daddy sa akin. Napaatras siya habang hawak ang kanyang dibdib. Tinalikuran ko naman siya at lumakad papalayo sa kanya.
Nang dahil kay Malerick ay hindi natuloy ang pagdalaw ko sa aking girlfriend na si Erin. I want to know everything happened from her.
Sobrang naiinis ako kay Daddy at alam ko na si Erin lang ang magpapakalma sa akin. Kinuha ko ang susi sa aking kwarto ay dali-daling bumaba para pumunta ng presinto. Alas otso na nang gabi, mabuti nalang at hanggang alas 10 ng gabi ang dalaw sa jail.
Pababa na ako ng hagdan ng bigla akong tinawag ni Mommy.
"Shawn!" aniya.
Napatigil naman ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nagsimula na namang namuo ang aking mga luha ng makita ko si Mommy. She can't walk dahil pinutol ni Daddy ang mga paa niya nang dahil sa selos. Ngayon, nakaupo siya sa wheelchair at nakaharap sa akin. Wala naman akong magawa kundi ang tingnan lamang siya dahil hawal din ni Daddy ang lahat. Kaya niyang baliktarin ang mga pangyayari para manging malinis.
"Where are you going? Gabi na kailangan mo ng magpahinga," aniya sabay ngiti sa akin ng pilit.
Kahit ano pang gagawin niya alam kung nasasaktan siya sa mga nangyayari ngayon. Alam ko na sakal na sakal na siya kay Daddy ngunit wala din siyang magawa.
Nilapitan ko si Mommy at kiniss ang forehead niya. "Hindi ba dapat ikaw nag nagpapahinga ngayon? You need to rest Mom! I kniw how tired you are. Darating din ang panahon na makakaalis tayo sa poder ni Dad at magiging malaya. Don't worry, hindi ko hahayaan na habang buhay ka niyang saktan," sabi ko pa kay Mommy. Hinaplos ko ang kanyang mukha na puro pasa. Kung pwedi ko kang sanang labanan si Daddy ay ginawa ko na pero marami siyang bantay. Kayang-kaya ni Daddy na ipapatay ako sa mga bodyguards niya.
"Hijo, hindi mo kailangan maging sunod-sunuran sa kanya. Umalis kana dito sa Pilipinas, huwag mo na aking alalahanin. Alam mo naman siguro na hindi tayo makakatakas sa kanya hindi ba?!" Biglang tumulo ang mga luha ni Mommy habang nakatingin sa akin.
Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang mukha para mapunasan ang mga luha niya.
"Mom, paano mo nagawang magstay kay Daddy? Palagi ka niyang sinasaktan. Since, na nagkaisip ako palagi king nakikita na he is torturing you pero nandito ka pa rin ngayon sa tabi niya," sabi ko naman.
"K-kaya lang naman aki nagstay sa Daddy mo dahil sa iyo. Ayaw ko na mapahamak ka Shawn, alam ko na kahit ikaw ay sasaktan niya hangga't gusto niya. Sa ibang tao lang siya mabait pero pagdating sa atin..." Napailing si Mommy habang nagsasalita. "Pakiusap, umalis kana dito Shawn. Kapag wala ka nang silbi sa Daddy mo ikukulong ka niua dito sa mansyon kagaya sa mga nangyari noon!" ani ni Mommy.
"Mom, kaya kita tinanong kung bakit la nagstay kay Daddy kahit palagi ka niyang sinasaktan dahil i want to hear from you if what is the reason. Pakiusap Mom, huwag mo akong itulak palayo sa iyo. Kaya lang din naman ako nagstay dito sa poder ni Daddy dahil din sa iyo. Sasaktan ka niya kapag nakaalis ako, hindi ko kayang isipin ang mga gagawin niya sa iyo Mom. Kapit kalang at makakawala din tayo sa impyernong buhay na ito!" Niyakap ko si Mommy ng mahigpit habang lumuluha ang aking mga mata.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon