CHAPTER 32

201 5 0
                                    

Hindi makapag salita si Shawn habang nakatitig sa akin, nakanganga ang kanyang mga bibig at gulat na gulat ito.
"Kung hindi mo ako kayang pakasalan Shawn, then, itigil na natin ito. Wala naman itong patutunguhan hindi ba? Mas mabuti pa na lumayo nalang ako sa iyo," sabi ko.
Nakaluhod pa rin sa aking harapan si Shawn habang si Shanella ay galit na nakatingin sa akin.
"Erin, pag-usapan natin ito. Hindi naman siguro maganda na magdesisyon tayong magpakasal kaagad nang dahil lang sa nangyayari ngayon. Alam mo kung gaano kita kamahal at hindi ko kaya na mawala ka sa akin, pakiusap kung ano man ang problema nating dalawa pag-usapan nalang natin!" Tumayo si Shawn at hinawakan ang aking pisngi.
"Erin, mag-usap tayo please!" Namumula na ang mga mata ni Shawn at pilit na pinipigil ang kanyang pag-iyak.
"Hindi kita kakausapin hangga't hindi mo sinasabi sa akin na papakasalan mo ako, Shawn!" sigaw ko. "Hindi ako nagsisi na tumulong ako sa iyo para mas lalong umangat ang Kompanya mo, pero kapag magkamali ka ng desisyon ngayon ay maari kong itigil ang pagbibigay ng produkto sa iyo," pagbabanta ko sa kanya.
"Bakit naman iyon ang kapalit Erin?!" ani ni Shanella.
Hindi na ako sumagot at mabilis ng lumabas sa opisina ni Shawn. Dali-dali aking lumakad ngunit may mga kamay na yumakap mula sa akung likuran habang umiiyak.
"Erin, don't go! I need you, and i love you very much!" ani ni Shawn sa akin. "Magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon," dagdag nito.
Napangiti naman ako ng malapad sabay harap ko sa kanya at ginantihan siya ng yakap.
"Sinasabi ko na nga ba na talagang mahal mo ako Shawn." Hinalikan ko siya sa piangi sunod sa kanyang bibig. "So, kailan mo balak ipaalam sa Daddy mo na magpapakasal tayo?!" tanong ko ulit.
"Sa lalong madaling panahon. Gagawin ko ang lahat basta huwag kalang umalis," ani ni Shawn.
Pagkatapos naming mag-usap at dumiretso na akong umuwi sa condo ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang umiinom ng wine at nagcecelebrate. Ngayon, alam ko na kung sino ang may kasalanan sa magpakamatay ng mga magulang ko. Sobrang sakit isipin na ang lahat ng naging dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Shawn ay planado pala.
Sakit na may halong saya ang aking nararamdaman. Masaya ako dahil alam ko na kung sino ang mga kriminal na naging dahilan kung bakit ako naulila, ang sakit kasi alam na alam kong hindi naman talaga ako ginusto ni Shawn simula noong una. Si Shanella nan talaga ang laman ng puso niya noong magkakilala kami, at hindi ako papayag sa ginawa nila sa akin.
Biglang may nag doorbell sa labas kaya dalu-dali akong bumangon at pinunasan ang mga luha ko. Naglagay muna ako ng lipstick bago pagbuksan ng pintuan ang tao na nasa labas.
Laking gulat ko bg makita ko si Shanella at napatingin ako sa hawak niyang kutsilyo.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya.
Dumiretso siya papasok sa loob ng condo ko kaya napaatras naman ako. Iwan ko ba, pero bigla akong kinabahan ng makita ko siya.
"Ano ba talaga ang gusto ming mangyari Erin? Akala ko ba nakipag bati kana sa akin? Tapos ngayon gusto miong pakasalan ka ni Shawn?!" Bigla niyang itinaas ang kanyang kanang kamay kaya nakuta ko ang hawak nitong kutsilyo. Napaatras ako ng makita ko iyon, napatigil ako ng mauntog ang aking likuran sa mesa.
"Papatayin nalang kaya kita Erin, kasi wala ka naman talagang kwenta e at hindi lang iyon napaka tanga mo pa!" sigaw niya sa akin.
Napalunok ako ng laway sa sobrang kaba. Nangingijig ang aking mga tuhod sa sobrang takot. Maaring mapatay ako ni Shanella ngayon kung gugustuhin niya dahil may hawak siyang kutsilyo.
"Shanella, huwag mong gawin iyan! Huwag kang magpadala sa galit mo sa akin, hindi ka kriminal Shanella." Hindi ko inakala na gawin ito sa akin ng aking matalik na kaibigan.
Hndi ko napigilan ang aking mga luha dahil hindi ko inaasahan ang nangyayari ngayon. "Shanella, isipin mo naman ang pinag samahan natin. Talagang balewala nalang ba talaga iyon sa iyo? Sa akin mahalaga iyon, kahit hindi tayo nagkakaintindihan parang kapatid parin ang turing ko sa iyo. Mahal kita Shanella bilang kapatid," sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha.
"Erin, hindi naman talaga ito mangyayati kung binigay mo nalang sa akin si Shawn. Matagal tauong magkaibigan pero sobrang makasarili ka. Lahat nalang pabor sa iyo, hindi naman kita hinayaan noong naulila ka hindi ba?! Ang hiling ko lang na sana hayaan mo nalang kami ni Shawn. Sana ibigay mo nalanh siya sa akin pero hindi eh, binablackmail mo siya dahil alam mong hindi niya kaya na mawala ka!" sigaw niya sa akin.
"Patawarin mo ako Shanella pero mahal ko rin si Shawn. Kung hindi lang baka noon ko pa siya pinaubaya sa iyo, ngayon kang ako nagmahal Shanella pero bakit hindi mo maintindihan? Bakit gusto mo lahat ng kaligayahan ko mararanasan mo rin?!" sabi ko pa.
Hindi ko mapapagkakaila na nasasaktan ako sa nangyayari ngayon. Galit ako dahil sa aking natuklasan na may kinalaman si Shanella sa pagkawala ng mga magulang ko pero wala ng mas sasakit pa dito.
Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa sitwasyon ko ngayon. Ang kailangan ko lang gawim ngayon ay depensahan ang aking sarili. Akma na siyang susugod sa akin pero mabilis akong umilag kaya hindi ako natamaan ng kutsilyong hawak niya.
"Shanella, t-tama n-na!" nauutal kong sigaw.
"Papatayin kita Erin! Ikaw ang nag umpisa nito kaya magbabayad ka! Mahal na mahal ko si Shawn kaya hindi ko hahayaan na mapunta siya sa iyo!" sigaw nito sa akin. Patakbo na siya papalapit sa akin para sugurin ako ngunit napasulyap ako sa isnag silya kaya tinadyakan ko ito papunta sa kinaroroonan niya. Natumba siya ng matamaan siya ng silya at nabitawan niya ang kutsilyo.
Napangiwi siya sa sakit habang nakahawak sa kanyang paa.
"Sorry, Shanella pero kailangan ko iyang gawin. Baka mapatay mo ako!" sabi ko.
"T-talagang papatayin kitang hayop ka!" Dali-dali soyang bumangon para sugurin ako sa pangatlong pagkakataon.
Biglang narinig ko na may bumukas sa pintuan kaya pareho kaming dalawa na napatigil.
"Erin!" Isang malakas na boses ang tumawag sa akin mula sa labas.Napakunot ng noo si Shanella ng marinig ang boses ni Shawn.
"Erin, where are you?!" ani ni Shawn.
"Nandito--"
Napatigil ako sa pagsalita ng bigkang sinaksak ni Shanella ang kanyang kamay at sumigaw sa sobrang sakit.
"Araaaaaay kooooo! Tulungan niyo ako sinaksak ako ni Erin!" malakas na sigaw ni Shanella.
"Shanella, anong ginawa---"
"Tulong! Tulong!" sigaw pa niya.
Biglang lumitaw si Shawn sa aming harapan at palipat lipat siya ng tingin sa amin ni Shanella.
"Shawn, help me!" umiiyak na sabi ni Shanella.
Napatakip nalang ako sa aking bibig at sumiksik sa isnag sulok habang umiiyak.
Tiningnan ako ni Shawn ng masama at binuhat si Shanella.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon