CHAPTER 40

279 6 0
                                    

Nagising ako sa loob ng hospital at may nakakabit na kung anomg bagay sa akin. Mayroon pa akong oxygen at dextrose. Sakto naman na may pumasok na nurse kaya kaagad akong bumangon.
"Hello, Ms. Erin, mabuti aan at gising na po kayo! Kamusta na ang pakiramdam niyo po?!" ani ng nurse sa akin.
"Okay naman, teka nasaan si Shawn?! Ano ang nangyari sa kanya? Gusto ko siyang makita!" Bumaba ako sa hinihigaan ko pero bigla akong itinulak ng nurse pabalik.
"Huwag po kayong mag-alala kay Shawn ayos lang siya. Kailangan mong magpahinga at mag relax dahil buntis po kayo," sabi pa nito.
"A-anong s-sabi mo? B-buntis ako?!" gulat na tanong ko naman sa kanya.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa narinig ko o maging malungkot dahil napahamak ang ama ng bata na nasa loob ng sinapupunan ko. Mahigit tatlong buwan na rin na hindi ako nadadatnan kaya noon palang alam ko nang buntis ako.
"Opo, kaya nga may ibibigay aking gamot sa inyo eh!"
Kanina ko pa napansin ang nurse na ito. Habang nagsasalita ay hindi siya makatingin sa akin. May kinuha itong gamot sa kanyang bulsa at syringe. Nilagyan niya ng gamot ang syringe na 'yun at nilapag sa itaas ng lamesa ang bote ng gamot. I-inject na niya sana sa may dextrose ko pero kaagad ko siyang hinawakan sa kamay.
Napatigil naman siya. "Bakit po? May problema ba?" aniya.
"Para saan ang gamot na 'yan?" nakakunot-noong tanong ko.
"Para po sa baby niyo para maging malakas ang kapit niya," sagot naman nito.
Napatingin ako sa gamot na nasa itaas ng lamesa, walang label o kahit anumang pangalan. Impossibleng magbibigay sila ng gamot na walang pangalan?
"Itinulak ko siya palayo sa akin. "Sino ka? Hindi mo ako maloloko! Alam ko na hindi gamot 'yang dala mo!" sabi ko.
Napatingin siya sa akin kaya nag eye to eye contact kaming dalawa. Tinitigan ko ng husto ang kanyang mga mata.
"S-shanella?! Ikaw?!" gulat na sabi ko.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang mask. "Hello, Erin!" Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko. "Sa tingin mo ba papayag ako na makulong habang ikaw ay malaya dito sa labas at makakasama mo pa si Shawn?! No! No! No! Isasama kita sa impyerno!" Sinugod niya ako at sinusubukan niyang iinject sa akin ang gamot na 'yun. Kahit nanghihina ang katawan ko kailangan ko siyang labanan.
"Papatayin kita kasama ang batang 'yan sa sinapupunan mo!" sigaw niya sa akin.
"Shanella, huwag!" Sinusubukan ko siyang itulak pero kaunting lakas lang ang lumalabas sa katawan ko. Sinikap ko na makababa sa bed para makatakbo palabas at makahingi ng tulong.
Malakas si Shanella kumpara sa akin. Nakakaramdam pa ako ng hilo at halos matumba na ako.
Sa awa ng Diyos ay nakababa ako bed at nag-aagawan kami sa syringe na hawak niya.
"Shanella, tama na! Sumuko kana sa mga pulis. Paani kapa nakatakas?!" sabi ko.
"Hindi Erin. Hindi ako papayag na maging masaya ka. Simula noon sobrang pabor ang lahat sa'yo. Kaya ginawa ko ang lahat para masaktan ka! Ngayon, isusunod kita sa mga magulang mo!" sigaw nito sabay sipa sa tagiliran ko.
Napahiga ako sa sahig sa sobrang sakit.
"Ahhhhhh! Ang sakit...maaawa ka Shanella tigilan mo na 'to. Huwag mo nang dagdagan ang kaso mo!" nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
Hindi ko na talaga kaya at alam ko na magtatagumpay siya sa kanyang mga plano.
Sinipa sipa niya ako. Tinatakpan ko lang ang aking tiyan para hindi matamaan. Ang sakit na nang likod sa lakas ng sipa niya.
"Shanella...alam mo na buntis ako...huwag mo naman itong gawin....pakiusap!" Sinubukan ko pang magmakaawa ulit sa kanya.
"Alam mo Erin, minsan pinagsisihan ako rin na pumayag ako sa gusto nila eh. Pero ayun na eh, tapos na at nagawa ko na. Kahit ano namang gawin ko ay hindi na magbabago ang maling ginawa ko! Alam ko 'yun!" aniya at umiyak. Nakahiga lang ako sa sahig habang siya naman ay nakaupo sa isang upuan habang umiiyak na parang isang baliw.
"Hindi ko naman gustong patayin ang mga magulang mo Erin. Kaso ang pangako nila sa akin ay ipapagamot nila si Mama kaya sumunod ako. Ayaw kong mapag-isa ng mga panahong 'yun kaya nakagawa ako ng hindi tama. Para kay Mama kaya sinunod ko ang gusto ni Sir Ricardo, gusto ko lang naman na maligtas si Mama sa sakit niya!" aniya habang sinasabunutan ang kanyang sarili.
Ngayon ko lang nalaman ang rason niya talaga. Saksi ako sa paghihirap ng Mama ni Shanella noon dahil sa sakit niyang cancer. Alam ko din kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan ni Shanella dahil nagawa niyang ibenta ang kanyang katawan sa mga mayayaman at foreigner para lang maipagamot ang Mama niya.
"Pumayag ako na maging prostitute ni Sir Ricardo para lang magkaroon ng pera. Hanggang sa nakilala ko si Shawn, sobrang nainlove ako sa kanya. Nang malaman ni Sir Ricardo na malapit ako sa inyo ng mga magulang niyo kinausap niya ako na gumawa ng paraan para mawala sila kapalit ay ipapakasal niya ako kay Shawn-"
"At naniwala ka naman?! Paano mo nagawa maging kriminal para lang sa pansariling kaligayahan?!" sabu ko naman. "Alam ba ng Mama mo ang ginawa mo? Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nalaman niya na ikaw ang pumatay kina Mama at Papa? Magkaibigan sila ni Mama kaya natitiyak ko na magagalit 'yun sa'yo!" sabi ko pa.
Sobrang depressed na si Shanella kaya gagamitin ko ang pagkakataong ito para makatakas sa kanya.
"Kaya nga siya namatay dahil nalaman niya eh. Ang buong akala ko magiging masaya siya dahil matutupad na ang hiling niya na makasal ako sa isang mayaman pero sinubukan niya akong isumbong sa mga pulis nang ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Kaya nandilim ang paningin ko at habang nagtatalo kami at sinapak ko siya ng malaking bato!" ani ni Shanella.
Gulat na gulat ako sa ipinagtapat niya sa akin. Hindi ko aakalain na magagawa iyon ni Shanella sa sarili niyang ina.
"P-paano...mo nagawa iyon sa Mama mo? Mahal na mahal ka niya Shane-"
"Pero hindi siya masaya para sa akin! Kagaya mo rin siya Erin, makasarili!" galit na singhal nito sabay tayo sa upuan.
Nang makita ko siya na papalapit sa akin ay sumandal ako sa pader para matadyakan ko siya.
Natumba naman siya sa sahig kaya kaagad akong tumakbo sa palabas ng kwarto nang hospital. Tumakbo ako paakyat hanggang sa makarating sa rooftop.
Ang buong akala ko ay hindi na nakasunod sa akin si Shanella pero nagulat ako nang makita ang mga ngisi niya na parang baliw.
"Sa tingin mo makakatakas ka sa akin?!" aniya.
"Ano ba talaga ang gusto mo Shane? Talaga bang papatayin mo ako?!" galit na sabi ko sa kanya.
Humalakhak lang siya sa akin at lumapit nang lumapit. Umatras naman ako para makalayo sa kanya. Ang hindi ko inaasahan na kaunti nalang at mahuhulog na ako. Sobrang na corner na ako ni Shanella kaya aksidenteng nadulas ang paa ko. Mabuti nalang at nakahawak ako sa isang metal.
"Shane, tulungan mo ako!" sigaw ko.
Nakatingin lang siya sa akin.
"Shane, please tulungan mo ako! Maawa ka sa akin! Maawa ka sa magiging anak ko. Hindi niya deserved ang mamatay ng ganito. Hindi ba nangako kapa sa akin na magiging ninang ka ng anak ko?! Kahit hindi tayo magkaayos tuparin mo naman 'yun!" umiiyak na sabi ko dahil sa sobrang takot.
"T-talaga bang kunin mo pa akong ninang para sa anak mo kahit 'yun na ang ginawa ko?! Kahit na ako ang pumatay sa mga magulang mo?!" Bigla siyang umiyak.
"Oo naman! Ikaw ang bestfriend ko. Masakit sa akin ang ginawa mo peto mahal kita. Itinuring kitang kapatid-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinila para makaakyat.
Niyakap ako ni Shanella ng mahigpit at humalik sa noo ko. Lumapit siya sa bandang gilid na kung saan ay kunting-kunti nalang at mahuhulog na siya.
"Shane...baka...baka malaglag ka diyan! Halika dito!" Inilahad ko sa kanya ang aking kamay.
Ngumiti lang siya sa akin. "Eriane!" ani ni Shanella.
"Ano?!" nagtataka kong tanong.
"Eriane, 'yan ang pangalan mo sa anak mo kung sakali na maging babae. Combination 'yan ng pangalan natin. I'm sorry Erin i hope you can forgive me for making your life miserable. I love you!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad na siyang tumalon sa building.
"Shanella! Shanella!" tawag ko pa sa kanya.
Humagulgol ako sa iyak at napayakap sa aking sarili. Sakto naman na dumating ang mga pulis.
"Pinapatawad na kita Shane! Pinapatawan na kita!" bulong ko pa. "May you rest in peace!"

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon