CHAPTER 16. REGRETS

255 6 0
                                    

Daddy will happy if he know about it. Sa wakas nakita ko na rin ang anak ng mag-asawang iyon. Noong una ayaw ko pa sanang trabahuhin si Erin dahil baka masasayang lang ang panahon ko. Pero nang dahil sa kaibigan nitong Shanella ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Hawak ko pa rin ang sabon na ginawa ni Erin. Ipapakita ko ito kay Dad mamaya, ito na ang paraan para makabangon ang Kompanya namin. Ngayon lang ito nangyari na parang lulubog ang aming Kompanya dahil umatras ang iba king investors. Nakakabwesit naman kasi, hindi lang sinipot kaagad na umatras. Paano ba naman busy ako kay Erin no'n. Nakalimutan ko na may meeting pala ako.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko ngayon. Sino ba naman ang mag-aakala na pagkatapos ng ilang dekadad ay matatagpuan ko pa ang isa sa pinaka magaling gumawa ng sabon?
Nang makita kong bumukas ang pintuan ay kaagad king nilapag ang sabon na iyon sa lamesa.
Ngumiti ako kay Erin. "Ano ang kailangan ng kaibigan mo? Napaka istorbo niya naman," wika ko.
Napabuntong hininga siya. "Mabuti nga at dumating siya dahil kung hindi ay baka ano na naman ang nagawa natin," aniya.
Lumapit ako sa kanya at pinisil ang kanyang legs. "Bakit? Ayaw mo ba?!" paos ko na sabi habang nilalambing siya. I play her lips gamit ang aking daliri. "You know what Erin, bakit hindi tayo magbukas ng business? A partnership business, ikaw ang magpoprovide sa mga products din ako naman sa financial. Baka malay mo magwork ang negosyo natin at hindi lang tayo maging partner sa business kundi habang buhay na," sabi ko at ngumiti sa kanya ng nakakaakit.
Hinampas niya ako sa balikat. "Ikaw talaga iyan na naman ang mga ngiti mong nakakaakit," aniya. "Makakatanggi ba ako diyan? Pero basta ipangako mo sa akin na hindi darating ang panahon na tatraidorin mo ako! Alam mo na pinagdaanan na iyan ng mga magulang ko kaya ayaw ko ng mangyari sa akin ulit," dagdag pa nito.
"Makakaasa ka sa akin," sabi ko naman. Hindi ako traidor Erin, i swear!" sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko. "So, gusto mo rin na makipag partner sa akin when it comes to business?" tanong ko ulit.
Tumango siya sa akin. Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya na turuan niya akong gumawa ng sabon na iyon ngunit ayaw ko na siyang kulitin pa. Baka mahalata niya ako na iyon ang sadya ko kaya ako lumapit at nakipag sex sa kanya.

(Flashback)

"So tell me, totoo bang anak ni Aurora at Rogelio si Erin?!" tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.
Lumapit siya sa akin at pinisil ang aking dibdib.
"Ilang beses na ba akong magsabi sa iyo na anak nga nila si Erin. Hindi kaba maniniwala sa akin e ako ang madalas niyang kasama? I know her talent at minsan na rin siyang gumawa ng sabon at pinagamit sa akin. Masasabi ko na maganda ang sabon at napaka effective plus mabango pa. Kaya nga pumuti ang kili-kili ko dahil doon," ani nito.
"That's great. Siguraduhin mo lang na siya nga ang nag-iisang anak ni Aurora at Rogelio dahil kung hindi makakatikim ka sa akin!" pagbabanta ko sa kanya. "Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Oh! Nagsex na nga tayo pero hindi mo alam kung ano ang pangalan ko? Shanella, Shanella Gomez!" sagot nito. "And i'm a good friend of Erin," sabi pa niya.
Nang dahil kay Shanella ay marami akong nalaman tungkol kay Erin. Alam ko din na never pa itong nagkaroon ng boyfriend. Nagplano ako na mapalapit kay Erin ngunit hindi ko alam kung paano. Si Shanella ang tumulong sa akin at ang kapalit no'n ay sex. Syempre dahil sa lalaki ako at wala namang mawawala sa akin kaya pinatulan ko siya. Noong gabing unang kita namin ni Erin ay hindi iyon aksidente kundi planado. Nasa kwarto niya si Erin noong gabing iyon at dahil sa kalasingan niya ay hindi na niya gaanong maaninag. Pinlano ni Shanella na lasingin si Erin at dahil doon ay may nangyari sa amin. Kinaumagahan at binuhat ko si Erin patungo sa kwarto ko habang mahimbing na natutulog kaya ng magising siya ay nasa kwarto ko na siya. Worth it naman ang lahat. Kasama namin si Daddy sa plano. Ang sabi pa ni Daddy kapag makuha ko na ang gusto kong makuha kay Erin ay maari na kaming magpakasal ni Shanella. Ginawa ko ang lahat ng ito para hindi madissappoint sa akin si Daddy. Hindi rin naman ako interesado kay Shanella pero dahil sa kagustuhan ni Daddy na papakasalan ko siya soon ay wala akong magagawa. Kailangan lang namin makuha ang booklet kay Erin. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko iyon makukuha dahil sobrang higpit niya doon. Tanging si Shanella lang ang maasahan ko.
Ngunit ng malaman ni Shanella ang lahat na mga nangyayari sa amin ni Erin ay bigla siyang nagbago. Nagalit siya sa akin at ayaw na niya aking tulungan sa plano ko. Alam ko na magagalit si Daddy kapag hindi matapos ang planong nasimulan ko kaya sinuyo at inuto ko si Shanella. I explained her everything kahit na nabuburyo na ako sa kanya. Mabuti nalang at naniwala din siya sa sinabi ko na mahal ko siya at papakasalan ko siya pagkatapos kong makuha ang booklet.
We have an agreement, kaming tatlo nina Daddy kaya kailangan kong tuparin iyon. Mapapasa akin ang Kompanyang ito kapag matapos ko amg mission ko kay Erin.

(END OF FLASHBACK)

Nakatitig ako kay Erin ngayon habang busy siya sabtrabaho. She is a nice woman. Ang sabi ko pa noon sa sarili ko kapag makahanap na ako ng virgin na babar ay hindi ko na papakawalan. Napaka inosente ni Erin sa lahat ng bagay. Paano ko nagawang paglaruan at lokohin ang babaeng 'to? She's not deserved to be treated like this. I don't know kung hanggang kailan ko makakayang lokohin siya at paniwalain sa lahat. Hindi ko inexpect na hahantong sa ganito ang sitwasyon. Ito ang wala sa plano, ang mainlove sa kanya. Narealize ko sa aking sarili na may espesyal na akong nararamdaman sa kanya.

Unstoppable LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon